[65] In Which Lotte Enters into a Bargain

503 77 121
                                    

EPISODE 65:

In Which Lotte Enters into a Bargain


Waring binuhusan ng nagyeyelong tubig si Lotte nang tingnan si Gawaine. Hindi na ito gumagalaw. Hindi na rin ito humihinga. Kahit na anong lapit niya sa kanyang kamay sa ilong nito ay wala talagang lumalabas na hangin doon. Kahit na anong pakikinig niya sa puso nito ay hindi na talaga iyon tumitibok.

"Gawaine?" usal niya na muling tinapik-tapik ang mukha nito. Binuksan naman niya ang mga mata nito at wala na siyang nakita roon kung hindi kulay puti. "Gawaine!"

Niyugyog niya si Gawaine at pilit itong ginising. Ngunit hindi na talaga ito gumagalaw.Doon pa nag-set in ang panic kay Lotte.

'W-wag mong sabihing—ani Lotte sa sarili na para nang mamamatay sa kaba—patay na talaga siya? Napatay ko siya?

Napasinghap siya ng malakas at tumayo. "Gawaine! Gawaine!"

Ngunit wala talaga siyang response na natanggap mula rito. Lalo pa siyang nahintakutan nang nagsimula nang lumamig ang mga kamay nito. At pakiramdam niya'y nanininigas na rin ito! Gustong mapasigaw ni Lotte sa sobrang pagkataranta pero baka may makarinig sa kanya. Makailang beses niya pang niyugyog si Gawaine ngunit hindi na talaga ito gumagalaw.

Gulantang na napatitig si Lotte sa katawan nito. Diyos ko po, sabi niya sa isipan, napatay ko ba siya? Paano kung totoo nga ang sinasabi niya na mamamatay talaga siya kapag may tumingin sa mga mata niya?

Nanlaki ang mga mata niya. Kung ganoon—hindi talaga siya nagbibiro kanina? At dahil sa ginawa kong pamimilit, binawian tuloy siya ng buhay!

"Anong gagawin ko?" sabi ni Lotte sa sarili na kinakagat na ang mga daliri. "Anong gagawin ko?"

Tiningnan niya si Gawaine. Malabong nagpa-prank lang ito. Hindi na talaga ito humihinga at hindi na rin niya naririnig ang tibok ng puso nito. Kung ganoon, kung ganoon—

"Patay na nga siya," sabi ni Lotte na gustong sabunutan ang sarili. "At napatay ko siya!"

Umiling-iling siya. Hindi, hindi. Baka naman nawalan lang siya ng malay.

Muli siyang lumuhod at niyugyog ito. "Gawaine, gumising ka, pakiusap! Gawaine!"

Subalit wala talagang nangyari. Hinawakan naman niya ang kamay nito at parang nahulog ang puso niya nang maramdaman ang lamig nito. Lumamig kaagad siya? Hindi niya alam anong nangyayari sa isang tao kapag patay na. Pero sa itsura nito, walang duda—

Muling tumayo si Lotte. Kung ganoon—anong gagawin ko?

Namilog ang mga mata niya habang nakatitig sa kawalan. Anong sasabihin nila kapag nalaman nila ito? Anong gagawin sa'kin ng mga kapatid niya kapag nalaman nilang napatay ko siya? Ano? Siguradong—siguradong—!

"Hindi ko akalain na magagawa mo ito, Charlotte," sabi ng boses ni Rivendyll sa isipan niya.

"Akala ko naman po mabait kayo," sabi naman ng boses ni Uno. "Paano niyo nagawa 'to?"

"Sinabihan ka na pala niya na bawal siyang tingnan sa mata tapos ginawa mo pa rin!" sabi rin ng boses ni Lewis.

"Wala kang utang na loob, Charlito."

"Pagbabayaran mo ito!"

Napatili naman si Lotte nang unti-unti na siyang lukubin ng mga boses ng mga kapatid nito ang imahinasyon niya. Pero sa lagay na ito, hindi malayong hindi iyon hanggang sa imahinasyon lang niya, kung hindi ay magkakatotoo talaga.

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon