[6] In Which Lotte Finds a Mysterious Painting

2K 145 32
                                    

EPISODE 6:
In Which Lotte Finds a Mysterious Painting

Nakaupo si Lotte sa main hall ng malaking mansyon.

Wala naman siyang ginagawa kaya nandoon lang siya nakaupo, habang may lapis at papel sa mesa. Hiniram niya 'yon kay Hadi.

Una ay quill pa ang binigay nito ngunit tingin niya mahirap ata gamitin 'yon, kaya humingi siya ng lapis. Buti na lang ay meron ito.

Naisip niyang isulat ang pangalan ng lahat ng mga Magoria, dahil kahit isang buong araw na siyang nandoon, nalilito pa rin siya sinu-sino ang mga ito.

Nakaupo sina Hadi at Uno sa isang sofa, habang si Finnley naman ay nasa harap niya at may dalang gitara. Katabi nito ang lalaking chubby na kumakain at nagbabasa na naman ng dyaryo.

Hindi niya alam kung nasaan ang iba pa,

Weird, aniya sa sarili na napalingon sa paligid. Walang TV, cellphone, at kahit radyo. Nakakapanibago talaga.

Bumalik siya sa papel. Tiningnan niya isa-isa ang mga nakasulat doon. Pinakiusapan niya si Hadi na isulat ang pangalan ng mga kapatid nito, at dinadagdagan na lang niya ng notes base sa mga tanong niya kina Hadi. Tumutulong din si Uno sa pagsagot ng mga tanong niya.

R/L.

Nilagyan ni Hadi ng linya sa gitna ang R/L kaya ipinagwalang bahala na lang niya kung ano ito.

Lewis. Siya ang pinakamatanda sa kanila. May glasses. Brownish ang buhok, lampas tenga, at matangkad. Di ko pa alam anong mga hilig niya, pero tingin ko marami siyang bagay na pinagkakaabahalan. Wala na naman siya sa bahay.

Finnley. Matangkad, mukhang model. Flirt. May pagka-blonde ang buhok. Hula ko mahilig siya sa music kasi may dala-dala siyang gitara.

Mariel—

"May kapatid pala kayong babae?" tanong niya kay Hadi. Kumurap naman ang bata sa kanya. "M-mariel?"

Tumikhim ang lalaking chubby kahapon. Binaba nito ang dyaryong hawak. "Ako si Muriel. Myuuu-ri-yelll."

Napanganga naman si Lotte. Saka alanganing ngumiti. "A-ah," sabi niya. "Pasensya na. Akala ko kasi—"

"Hindi, okay lang," sabi nito. "Palagi kong nakukuha 'yan."

"Ang alin? Ang mapagkamalang babae ang pangalan mo?" ani Lotte.

"Hindi, ang tawaging Mariel," anito. Binalik nito ang tingin sa dyaryo. Natulala naman ng konti si Lotte sa sinabi nito at di alam kung anong isasagot.

Tumingin naman ito ulit sa kanya. Alanganin namang ngumiti si Lotte, at ngumiti din ito sa kanya. Saka muling nagbasa, na nakapatong ang isang paa sa isa pa.

Binura niya ang "a" at pinalitan ng "u".

Muriel. Sumunod kay Finnley. May pagka-light brown ang buhok. Medyo may pagka-chubby. Palaging nagbabasa ng dyaryo habang kumakain. 'Yung lalaking naka-apron kahapon. Medyo may pagka-feminine. Bakla ba siya? Di ko pa alam.

Gawaine. Weird, may mahabang bangs, lampas tenga din ang buhok. Black na black ang buhok. Laging nakasuot ng black. Minsan naka-cloak. Minsan nagdadala ng bungo, buto, kandila. May chain necklace na may cross pendant. Di ko pa nakita ang mukha. Maputla, parang di nasisikatan ng araw.

Nathan. May ash-blonde na buhok. Tingin ko parang magka-edad lang sila ni Uno at lagi silang magkasama. Tahimik. Suplado. Mukhang mahilig sa arts. Cute, 'yung tipo ng binata na maraming magkaka-crush.

Uno. Captain ng baseball team nila. Madaldal. Friendly. Tingin ko mabait talaga siya. Palangiti. May pagkamoreno, siguro dahil palagi siyang nasa labas ng bahay. Sabi ni Hadi mahilig daw siyang makipag-debate. President din daw siya ng classroom.

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon