[18] In Which Two Sides of the Same Coin Reveal Their True Natures

1.7K 129 18
                                    

EPISODE 18:
In Which Two Sides of the Same Coin Reveal Their True Natures

Bago pa man siya naglaho ng ilang taon, kilala na si Rivendyll Magoria bilang isang mage na may pambihirang talento subalit taong walang puso. Tumindi pa 'yon nang maganap ang isang hindi inaasahang pangyayari tatlong taon na ang nakakaraan, mga ilang buwan lamang pagkatapos ipinanganak ang pinakabata niyang mga kapatid. Isang masaklap na bagay na siyang naging dahilan bakit napunta sa kanya sa isang iglap ang pamamahala ng kanilang mga pag-aari, at ang responsibilidad na ilayo silang lahat sa isang panganib na lingid sa kaalaman ng mga kapatid niya.

Kung ano mang ginagawa niya, o kung ano mang iniisip niya, kung ano mang pinaglalaban niya, ay walang nakakaalam. Maliban sa isang taong lubos na pinagkatiwalaan niya. Para lang din malaman niya na pinagtaksilan siya nito.

At pinakamalaking pagkakamali na ginawa nito ay may kinalaman sa babaeng iyon na nandito na ngayon sa bahay nila.

Naglalakad siya sa mahabang pasilyo ng mansyon, papunta sa libraries. May kailangan siyang tingnan. Mga gagawin. Dapat ay natapos na ito ilang taon na ang nakakaraan. Pero paano ba naman niya mahuhulaan na gagawin iyon ni Levine sa kanya?

Sandali siyang tumigil. Pinakiramdaman kung nakasunod pa ba sa kanya ang tingin ng ibang mga kapatid. Ngunit nang masiguro na wala ni isa sa mga ito ang nakabuntot sa kanya ay nagpatuloy siya sa paglalakad.

Pumasok siya sa gallery hall. Nabigla pa siya nang makita na tinakpan pala ang mga paintings at estatwa roon. Subalit napagtanto rin niya kung bakit, syempre. Kumurba ang labi niya paitaas. Paniguradong si Lewis ang nagpautos nito. Kahit kailan, maaasahan talaga ito.

Nakarating na rin siya sa library. Maayos na rin 'yon gawa ng restoration spell kanina, kagaya sa main hall. Bumalik na sa dati ang mga gamit, libro pati na ang mga shelves. Subalit napaigik siya ng konti sa sakit. Kakagising niya pa lang at gumamit na siya ng malakas-lakas na klase ng mahika.

Sa ikatlong bookshelf ay may sinadya siyang libro. Nang makita niya ang kulay scarlet and gold na libro ay pinihit niya iyon. At nagbukas ang isang trapdoor sa sahig.

Lumantad sa doon ang isang hagdan pababa.

Bumaba siya. Kinuha niya ang mahikal sulo na nakasabit sa isang dingding. Naglakad siya nang naglakad pababa hanggang sa makarating siya sa sikretong silid na nasa ilalim ng libraries.

Isa 'yung underground archives kung nasaan nakatago ang pinakamahahalagang pag-aari, aklat, at iba pang mga bagay ng pamilya nila. Doon rin nila dinadala ng kakambal niya ang mga magical objects at artifacts na nakukuha nila. At sa lugar na iyon rin, namamahay ang mga kaluluwa ng mga sinaunang Magoria, na wala pa yatang planong tumawid sa susunod na mundo.

Gumalaw isa-isa ang mga tao sa painting, mga estatwa, at mga gamit na naroon.

"Monsieur de Magoria!"

Napuno ng masasayang sigawan at usap-usapan ang buong archive room. Sinuklian ni Rivendyll ng ngiti ang mga nakatira dito. Kahit na, hindi naman sila talaga mga tao.

"Maligayang pagbabalik!" sabi ng estatwa ng isang unanong may beard at flamboyant na mustache. Tumalon ito papunta sa kanya at ibinaba ang sumbrero nitong gawa sa bato. "Gising ka na!"

Hindi gaya ng mga kapatid niya ay alam ng mga ito na buhay pa siya. Mga kaluluwa lang naman kasi ang mga ito na malayang nakakagala sa mansyon. Pinamamahayan lang ng mga ito ang mga estatwa roon.

"Maraming salamat, Monsieur Von Neville. Wala ho bang ibang dumadalaw sa inyo rito?" tanong niya.

Umiling ito saka tatawa-tawang dinuro pa siya. "Alam ko anong ibig mong sabihin. Kahit kailan hindi pa bumabalik ang kakambal mo rito, mula noong—mangyari iyon—doon sa ruins."

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon