[74] In Which Lotte Comes Face to Face with the Pharaoh

468 55 38
                                    

EPISODE 74:
In Which Lotte Comes Face to Face with the Pharaoh

Muntik nang matumba si Lotte nang makaramdam siya ng kakaibang kaba. Sandali siyang natakot dahil baka nagiging phantom na naman siya, ngunit pagtingin niya sa kanyang mga kamay ay solido pa naman ang mga ito. Dinaluhan naman siya ni Grigori at tinulungang tumayo.

"Ayos ka lang?" untag nito. "Binibini?"

Tumango siya. "O-oo. S-salamat."

Tinanggap naman niya ang kamay nito at nang makatayo ay inobserbahan pa nito ang mukha niya. "Sigurado ka?"

Na-awkward naman siya dahil ang lapit ng mukha nito. "N-nagugutom lang siguro ako. Kanina pa ako hindi kumakain, eh," pagdadahilan niya. Tumango naman ito at lumayo na rin. Umayos siya ng tayo. "So, ano, sasama ka?"

Hindi agad ito sumagot ngunit may ngiti ito.

"Hindi naman kita pipilitin, kung ayaw mo," aniya. "Basta lang hindi ka magsusumbong."

"Bakit naman ako tatanggi?" sabi nito. "Syempre naman. Isa pa, mukhang masaya na tumakas mula rito, kasama mo, kaya—tara!"

Natuwa naman si Lotte sa sagot nito. "Magaling. Ngayon, magplano na tayo. Pwede bang sabihin mo sa'kin lahat ng alam mo sa Hanging Gardens? Pati na rin sa Pharaoh."

***

Upang walang gwardyang makarinig, ay sumiksik sila sa kabilang bahagi ng selda. Salitan naman silang sumisilip sa labas para tingnan kung may paparating bang gwardya.

"Okay. Hindi talaga ako masyadong pamilyar sa buong lugar, pero may mga parte ng Hanging Gardens na medyo kabisado ako," ani Grigori. Sa buhangin ay may ginuguhit itong mapa. "Itong prison complex ay naka-arrange na parang maze. Mahihirapan makakita ng daan palabas ang mga preso kung susubukan nila na tumakas."

Tumalim ang tingin ni Lotte sa mapa.

"Pero, since malakas ang pandinig at pang-amoy ko, madali rin nating matutunton ang upper ground."

"Upper ground?"

"Alam mo naman siguro na nasa dungeons tayo, no? Specifically, sa ilalim ng pyramids."

Nanlaki ang mga mata niya. "Nasa mismong pyramids tayo?!"

"Oo," ani Grigori. "Kasi sa pagkakaalam ko, ang prison cells ng Akher ay nasa Pyramids. Ang Hanging Gardens ang mismong tirahan ng Pharaoh, pero konektado pa rin itong dalawa."

Habang tumatagal ay lalong natutuwa si Lotte sa desisyon niya na isali si Grigori. Marami nga itong alam tungkol sa buong lugar. Bagay na kahit sina Finnley at Nathan ay walang ideya.

"Hindi ako sigurado anong palapag tayo, specifically, pero siguro nasa first o second level lang," anito. "Considering na dungeons itong pyramid, malamang wala tayo sa pinakailalim na mga floors—kung nasaan kadalasan nakakulong ang mga—mas nakakatakot na preso," sabi ni Grigori.

"M-mga mas nakakatakot na preso? Mas nakakatakot pa sa mga halimaw at mga kriminal?" sabi ni Lotte.

Tumango ito. "Mga ancient mummies," anito na may ngiti pa.

Nanindig naman ang balahibo ni Lotte sa sinabi nito.

"Anyways," anito. "Kapag nakapunta na tayo sa upper ground, makakahanap na rin tayo ng daan palabas. At—kapag nakarating tayo roon—malamang kailangan pa nating maghanap ng paraan na takasan ang mga gwardya at ang mismong Pharaoh. Tutuloy pa ba tayo?"

Tumango si Lotte. "Oo naman."

"Magaling," anito.

"S-so," ani Lotte. "Paano tayo makakalusot kung maraming gwardya na nakabantay sa corridors?"

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon