[70] In Which They Drank All the Water

501 57 42
                                    

EPISODE 70:
In Which They Drank All the Water

Hinahalungkat ni Nathan ang lahat ng mga cabinet na nakita nito. Nagliparan ang mga gamit habang ginagawa nito 'yon. Mga libro, artifacts, at kung anu-ano pa. Pero wala talaga itong nakitang piraso ng tela o ano. Habang si Lotte naman ay nakaupo lang sa gilid ng kama. Gusto niyang mamaluktot at balutin ang sarili sa one-and-only tuyong kumot na naiwan doon, pero dahil kasalanan niya ang nangyari kanina ay hindi na lang niya ginawa. Nagtiis na lang siya sa malamig na temperatura na habang tumatagal, ay lalong bumababa, ng bumababa, ng bumababa.

Ipinasok niya ang mga binti at paa sa loob ng dress. Rinig naman niya ang malakas na buntong-hininga ni Nathan.

Dahan-dahan itong lumingon sa kanya na nagtatagis pa rin yata ang bagang. Dahan-dahan din namang inilayo ni Lotte ang tingin.

"Tingnan mo anong ginawa mo?" sabi nito. "Wala nang ibang tuyong unan o kumot dito. Kahit tela o sako, wala. Kahit basahan, wala. Tsk. Kahit kailan pahamak ka talaga."

Napikon naman si Lotte sa sinabi nito. "Kasalanan ko ba lahat? Ikaw kaya ang kumuha sa mga kumot at nilagay mo diyan sa tabi ng fireplace na parang fort! Ano ka, naglalaro ng bahay-bahayan?"

Mas lalong kumunot ang noo nito. "Anong pinagsasabi mo? Syempre, kasalanan mo lahat! Kung hindi ka nagtatanga-tanga, eh di sana hindi masusunog 'yong dayami at hindi mababasa 'yong paligid! Tingnan mo nga, pati 'yong damit ko basa na rin!"

Tinuro nito ang shirt. Pasimple namang sinulyapan ito ni Lotte. Kanina kasi noong tinapon niya ang tubig ay napunta ang iba rito. Ngayon ay basa na ang kalahati ng damit nito, kaya naman paniguradong mas lalamigin ito dahil doon.

Isa pa, hindi niya maamin na kasalanan nga naman talaga niya. Kung hindi siya nataranta, eh di sana hindi siya matutumba, hindi masusunog ang mga dayami, at hindi mamamatay ang apoy.

Understandable na mapikon ito sa kanya.

Inilayo niya ulit ang tingin.

"E-eh di magpalit ka na lang ulit ng damit," sabi ni Lotte.

"Baka nakakalimutan mo na wala akong ibang damit? At galing lang lahat 'yon sa Re-Equipping Box Set-na, oo nga pala, binasa mo rin!" sarkastiko nitong sabi.

Sinamaan niya ito ng tingin. Noon lang talaga niya ito narinig na nagtaas ng boses. Kahit kasi may pagka-demonyito ito, kahit kailan hindi ito nambubulyaw. Ngayon ay parang gusto tuloy pumunta ni Lotte sa ibang kwarto para makalayo dito. In a way, mas nakakatakot ito kapag pikon kaysa-well, sa usual self nito.

"Oo na. Ilang beses na nga akong nag-so-sorry, diba?" sabi ni Lotte. "Kanina nag-sorry na ako, tapos nag-sorry na naman ako, kaya naman sumagot na lang ako kasi hindi ka pa tumitigil sa kakasermon. May isa ka pa palang hidden side na mala-Lewis."

"Anong sabi mo?" demanda nito.

"Wala," maktol niya. Inirapan siya nito at umiling. Hala, aniya sa sarili, nang-iirap? Bumuga si Lotte ng hangin. "Hindi ko alam anong big deal talaga, eh. Pwede naman nating simulan ulit ang apoy, diba? Tapos patuyuin na lang ang mga nabasang kumot malapit doon. O?"

Tumingin naman ito sa kanya ng matagal na para bang naliwanagan ito. Ngayon lang niya talaga nakita na dumaan ang maraming klase ng emosyon sa mukha nito, sa buong panahong magkakilala sila.

"Ang OA mo lang, eh," sabi ni Lotte. Kinuha niya ang mga nabasang kumot saka pinulot ang isang tali na nakita niya sa ibabaw ng isang mesa. Gumawa siya ng makeshift na laundry line malapit sa fireplace. Saka niya pinagpupulot ang lighter at humarap kay Nathan. "Lilinisan ko lang 'tong fireplace, ha, para naman makabuo ulit tayo ng bagong apoy."

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon