[27] In Which Rivendyll Teaches Lotte Some Basic Magic

1.6K 127 49
                                    

EPISODE 27:
In Which Rivendyll Teaches Lotte Some Basic Magic

Kanina pa nakaalis si Gawaine, pero naiwan doon si Lotte na nakatunganga sa tabi ng estatwa ng lalaki, na napag-alaman niyang estatwa rin pala ni Harry Magoria.

Umaandar pa rin ang mga di mabilang na patibong sa harap niya. Hindi na siya umalis sa kinalalagyan niya at hinintay na lang na tumigil 'yon. Di rin naman niya alam paano, saka parang ayaw niya pang bumalik doon sa labas ng mansyon. Kanina, ay agad din namang nagising si Gawaine. Tumayo ito at tumakbo kung saan kaya hindi na niya napansin kung saan ito lumabas. Naiwan siya doon ng mag-isa.

Malas naman ng araw niya ngayon. Napangiti siya ng mapait. Hindi, malas naman talaga siya lagi eh.

Simula pagkabata ay parang paborito na yata siyang sundan ng kamalasan. Kahit saan siya pumunta. Kahit saang pamilya o bahay niya pa isiksik ang sarili niya, ganoon pa rin.

Pero bago pa man manumbalik sa alaala niya ang mga nangyari noon, pinigilan niya ang sarili. Sa mga panahong ngayon, 'yon ang pinakahuling bagay na kailangan niya. Sinabi niya na sa sarili na hinding-hindi na ulit niya babalikan ang mga nangyari sa kanya noon at ipagpatuloy na lang ang buhay kahit saan man siya dalhin nito.

Ngunit hindi rin pala ganoon kadali ang lahat.

Nanginginig ng konti ang labi, ay pinunasan niya ang tumakas na luha sa mga mata niya. Saka bumuga ng hangin. Ano ba, sabi niya sa sarili, iiyak na naman ako?

Iniling niya ang ulo. Nainis lang kasi siya sa lahat ng nangyari sa kanya ngayong araw. Ni hindi pa nga ako nagkakaboyfriend, sabi niya sa sarili, tapos—

"Tsk," himutok niya at ikinulong ang mukha sa braso. Kasalanan ko rin naman bakit ako pumayag na tumira kasama sila, sabi niya sa sarili. Namaluktot siya sa isang gilid at iniisip ang mga pwede niyang gawin.

Pag nakolekta ko na ang mga arcane seals at makauwi sa mundo ko, saan na naman ulit ako pupunta? tanong niya sa sarili. Kung dati ay nanghihinayang talaga siya na umalis, ngayon ay nagdadalawang-isip na naman siya kung gusto niya ba talaga rito. Bahala na, maghahanap na lang ulit ako ng pagtatrabahuan doon sa mismong mundo ko, sabi niya sa isip.

Iyon, ay kung makokolekta ko nga.

Natigilan naman siya nang biglang may tumapik sa balikat niya. Inangat niya ang ulo na inakala na baka si Gawaine na naman 'yon, o mas mabuti sigurong si Lewis, pero napasimangot siya nang makilala ito. Huminto na pala ang mga patibong sa pagwawala.

"Anong ginagawa mo rito?" malamig na sabi niya, saka naalala ulit ang sinabi nito. "Ano pong ginagawa niyo rito?"

"Hindi mo na kailangang gawin 'yan. Saka ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Bakit ka nandito?" malumanay na tanong nito. Inilayo naman niya ang tingin. Gagagawa-gawa ng batas sa bahay tapos babawiin din pala. Ano ba talagang gusto nito? Hindi siya sumagot dahil naiinis pa rin siya dito. "Paano ka napunta rito? Private indoor obstacle course 'to ng dating Head of the House—at ni Levine."

Tumingala siya rito. Hindi naman niya inasahan ang kalmadong boses nito. Iginala naman niya ang tingin sa paligid, saka muling bumaling dito.

"Sabi ko nga sa'yo kanina, diba, gusto kong matuto ng magic," sabi niya na tiningnan ang kamay niya na may arcane seal. "Dito ang tinuro na lugar ni Nathan kung saan nagti-training ang mga beginner mages. Tanga naman ako dahil pinaniwalaan ko siya."

Nagtagis naman ang bagang nito at napailing.

"Siraulo talaga ang gagong 'yon," bulong nito sa sarili. Tiningnan ito ni Lotte saka tumingin din ito sa kanya. "Hindi mo naman kailangang pumunta sa kahit anong hall para matuto ng magic, kasi pwede mo naman 'yong matutunan kahit saan."

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon