[47] In Which Lotte Blackmails Someone Again

595 88 38
                                    

EPISODE 47:
In Which Lotte Blackmails Someone Again

"Ngayon, pwede niyo na bang sabihin sa'kin kung sino talaga kayo?"

Dahan-dahang lumingon si Lotte rito, subalit bago pa siya makapagsalita ay mabilis na lumipad si Aelle papunta sa kinaroroonan ng prinsipe, dala-dala ang lance nito.

Pero mabilis ding nadampot ng prinsipe ang espada nito at sinangga ang atake ni Aelle.

"Hindi ko inasahan na matalas ka pala, mahal na prinsipe. Akala ko, kagaya ka lang ng sinasabi nila: reklamador at puro utos lang ang alam," matigas na sabi ng babae. Kung madalas malambing at mahinahon ang tono nito, ngayon ay nag-iba na 'yon. Lumingon ito sa kanya. "Lotte, sarhan mo ang pinto. I-lock mo."

"Oo," aniya na tumango. Pero bago niya pa magawa ay may tumulak ng malakas sa pinto, na hula niya ay gawa ng isang armas. May mga yabag din siyang naririnig at mga sigaw mula sa labas. Gulat siyang napatingin kay Aelle. "May mga kawal na agad!"

Malamig na sinulyapan ni Aelle ang prinsipe. Ngumiti lang ang lalaki rito. "Bago ko pa man kayo kinausap kanina ay nagpatawag na ako ng mga kawal at naghintay lang sila ng hudyat ko. Natatangahan ba talaga kayo sa'kin?"

"Ang totoo niyan, hindi. Nagulat nga kami, diba?" sabi ni Aelle. "Kung ganoon kanina mo pa alam na nagsisinungaling kami."

"Malamang," anito na nagkibit-balikat. "Kung magpapadala man ng babae si Solitaire dito, hindi naman siguro siya magpapadala ng mga weirdo at lalong-lalo nang hindi siya magpapadala ng mga mage, hindi ba?"

Nanlaki ang mga mata ni Lotte. "Paano mo nalamang—?" sabi niya ngunit ngumiti lang ulit ito. Saka siya may naalala. "Nakita mo ba ang—"

"Liwanag sa kamay mo?" dugtong nito. "Oo. Hindi ko alam kung ano 'yon, sa kasamaang palad, pero sapat na ang nakita ko para malamang isa kang mage, at malamang, pati rin itong kasama mo."

"Huh. Hindi na masama," sabi ni Aelle. "Pasensya na pala sa abala, mahal na prinsipe. Wala naman talaga kaming kailangan sa'yo at hindi na rin naman kami babalik dito, kaya aalis na lang kami. Sige."

Ibinaliktad ni Aelle ang espadang hawak nito gamit ang lance niya kaya natapon ito ng prinsipe. Isinukbit ng babae ang lance at bumalik na sa kinatatayuan ni Lotte. Pinipilit pa rin ng mga kawal sa labas na makapasok kaya naman ihinarang ni Lotte ang katawan para pigilang mabuksan ang pinto.

"Aalis?" sabi ng prinsipe. Muli nitong pinulot ang espada. "Saan kayo pupunta? Napapaligiran kayo ng mga sundalo. At narito tayo sa isa sa pinakamataas na silid ng palasyo. Hindi kayo makakatakas. Hindi kayo makakagamit ng mahika. Kaya kung pwede, magsalita na lang kayo."

Kumunot ang noo ni Aelle dito, saka nito sinulyapan ang bintana. Ngumiti ito. "Akala mo ba pumunta lang kami rito nang walang ginawang plano para makatakas?"

Napalingon si Lotte sa babae. "Anong ibig mong sabihin?" Sumilip siya sa bintana. "Diyan tayo dadaan? Parang nasa isang tore tayo kaya siguradong ang matigas na castle grounds ang kababagsakan natin kung sakaling mahulog tayo diyan?"

Kumislap ang mga mata nito. "May susundo sa atin."

"Talaga?" sabi niya na mas lalong idiniin ang sarili sa pinto para harangan ang mga sundalong nagtatangka pa ring pumasok. "Sino?"

"Basta," anito na sinulyapan ang pinto. "Pero baka matagalan pa siya, kaya kailangan na muna tayong maghintay ng konti. At gumawa ng paraan para hindi muling mabalik doon sa dungeons na tinakasan natin."

***

Mula sa itaas ng isa sa mga tore ng kastilyo ay nahulog si Gareth. Mahuhulog na sana siya sa courtyard na nasa ibaba kung saan naglalaban pa rin ang mga blood demons at sundalo, kung hindi lang niya nagawang makapaapak sa bubong at makabwelo. Tumalon siya sa kabilang bahagi, saka pinahiran ang dumudugong bibig.

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon