[26] In Which Lotte Gets Trapped in the Knightsfield Hall

1.6K 145 65
                                    

EPISODE 26:
In Which Lotte Gets Trapped in the Knightsfield Hall

Ni hindi pa rin talaga mahuli-huli ni Lotte si Finnley. Naisip niya na baka siguro sa ibang kapatid na lang nito siya magsisimula. Pero wala rin siyang maisip kung sino sa mga ito.

Kaya naisip niyang abangan na lang ito sa portal sa pag-uwi. Tutal, kabisado naman niya ang oras ng pagdating nito, pero hindi pa talaga siya nagkakaroon ng pagkakataon. Sinubukan naman siyang tulungan ni Hadi pero pati ito ay hindi rin makahanap ng paraan para makausap si Finnley. At saka,nag-iingat din si Lotte dahil baka mahalata sila ng isa sa mga kapatid. Lalong-lalo na ni Rivendyll.

Speaking of Rivendyll, mula yata noong napagalitan niya ito sa kwarto nito ay kumonti na ang pang-uutos nito sa kanya. Ipinagtaka niya 'yon lalo pa't ito ang klase ng tao na hindi basta-basta magpapatalo. Pero pansin niya na sa tuwing naglilinis siya o nasa malapit lang ay parang nakatingin ito.

Kapag lumilingon naman siya ay parang abala ito sa ginagawa

Ganoon din ang nangyari noong araw na 'yon. Nag-aarrange siya ng mga bagong libro sa library. Iilang mga libro na lang ang kulang at tapos na sana siya sa ginagawa. Nakaupo lang si Rivendyll as usual sa mesa nito. Noong mga nakaraan, ay lagi itong wala sa mansyon at may pinupuntahan. Pero sa araw na 'yon ay nasa bahay lang ito. Wala itong sinasabi na kahit na ano at sa sobrang tahimik ng paligid ay naaasiwa ng konti si Lotte.

Kaya lang ay pakiramdam niya talaga na nakatingin ito sa kanya. Ayaw naman niyang maging assuming pero somehow, may sense talaga siya na parang tinititigan siya nito.

Bigla siyang lumingon.

Sakto namang binawi nito ang tingin. Ayon, nahuli rin niya. Sabi niya nga ba. Kaya lang, ano na naman kayang tinitingin-tingin nito?

Kapag talaga may ka-tripan siyang gagawin ulit sa akin, makikita niya, sabi niya sa sarili. Tinitigan naman niya ito ng matagal, kaya tumikhim ito.

"May problema ba, Lotte?" tanong nito.

"Wala naman po," maingat na sabi niya. "Meron po ba?"

"Anong klaseng sagot 'yan?" sabi nito nang hindi pa rin siya tinitingnan. Tinuro nito ang mga gamit sa likuran niya. "Tsaka kanina ka pa diyan hindi man lang umuusad 'yang ginagawa mo."

Kunot-noo niyang nilingon ang ginagawa at laking gulat niya nang makitang nasa sahig na naman ulit ang mga librong nilagay niya na kanina sa shelf!

"Paanong—" naguguluhang sabi niya, saka dahan-dahang lumingon kay Rivendyll. Nagbabasa na ulit ito na parang walang alam sa nangyari. "Binaba mo 'yon no?"

"Ano?"

"Nilagay ko na 'yon kanina sa shelf ah!" sabi ni Lotte. "Ibinaba mo na naman ang mga 'yon sa sahig no?"

"Anong pinagsasabi mo?" sabi nito. "Tsaka, nandito ako nakaupo, Charlotte. Paano ko magagawa ang sinasabi mo?"

Pinandilatan niya ito. "Ano pa ba? Eh di gumamit ka ng magic para pagalawin 'yon!"

Ibinaba nito ang binabasang papel. "Pinagbibintangan mo ako. Bakit, nakita mo bang ginagawa ko? Nakita mo bang gumamit ako ng wand? Mahihirapan ang isang mage na gumamit ng magic nang walang wand, staff, o kahit anong channeling object."

"Ilang beses na kitang nakitang gumamit ng magic nang hindi gumagamit niyon."

"Talaga?" mapanghamong sagot nito. "Kailan?"

Hindi siya agad makasagot. "Wala namang ibang explanation kung bakit bigla-bigla na lang nangyayari 'yon eh," sabi niya.

"Alam mo, kung sana hindi ka tingin ng tingin sa'kin, eh di kanina mo pa natapos 'yung ginagawa mo," sagot naman nito.

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon