[63] In Which They Listen to the Tale of the Necromancer

1K 106 159
                                    

EPISODE 63:
In Which They Listen to the Tale of the Necromancer

Muntik nang mapasigaw si Lotte nang makarinig siya ng putok ng baril. Nagpaputok pala talaga ng pistola si Finnley para gawing hudyat.

Nagkatinginan naman sina Nathan at Gawaine-saka kumaripas ng takbo papunta sa mansyon.Nakanganga naman sila nina Muriel at ng iba pa na nakatingin sa dalawa na nagkakarerahan pabalik ng mansyon. Game na game talaga sila! sabi ni Lotte sa sarili na hindi makapaniwala. Sa sobrang game nila nakalimutan na nila na may ka-teammates pa sila.

"Mga siraulo talaga-" sabi ni Muriel. Ngunit napalingon ito sa kanya. Matagal namang nagkatitigan sina Muriel at Lotte, kapwa pa sila napapalatak, saka kumaripas na rin ng takbo papunta sa mansyon.

"Takbo, Uno, A, at B!" sigaw niya. Nagtakbuhan naman ang mga ito.

Sa sinabi niya pati sina Heath, Hadi, at C ay tumakbo na rin papunta kay Muriel. Ngunit muntik nang madapa si B kaya naman binuhat na lang ito ni Lotte. Buti naman ay mukhang athletic si A at wala itong problema sa pagtakbo.

"Matatagalan po tayo. Kaya ko pong tumakbo!" sabi ni B.

"Hindi, baka masugatan ka. Tsaka nasa loob na si Gawaine, siguradong naghahanap na 'yon ngayon."

"Para sa kalahating milyon!" sabi ni Uno. "Kaya natin 'to, Ate Lotte, A, at B! Tara!"

Mabilis naman itong tumakbo at sinundan si Gawaine sa loob.

Binilisan naman ni A ang pagtakbo at nabahala pa si Lotte dahil baka madapa ito, pero agad naman itong nakarating sa mansyon.Tuloy, siya na lang at si B ang naiwan sa labas.

Nilampasan naman siya ni Heath. Ngumisi ito."Mag-iisip na ako ng mga ipapagawa sa'yo sa oras na manalo kami," sabi ni Heath. "Diyan ka na."

Tumakbo naman ito papunta sa mansyon.Hindi naman makapaniwala si Lotte na pati ito ay game din.

Si Hadi naman na hingal na hingal na sinundan ang kapatid ay lumingon din sa kanya."Pasensya na, Ate Lotte. Kaya niyo pa ho bang buhatin si B?" sabi nito.

"O-oo naman," sabi ni Lotte. Ang bait pa rin nito, kahit nasa kabilang team ito, sabi niya sa sarili.

"Mauuna na po ako. Sige," sabi ni Hadi saka ito tumakbo papuntang mansyon.

Matagal-tagal din bago nakarating si Lotte sa mansyon dahil naglakad na lang siya. Baka maging phantom pa siya bigla kapag pinilit niyang tumakbo o madapa habang buhat-buhat si B. Saka, sa itsura nina Uno, A, at lalung-lalo na ni Gawaine, mukhang walang plano ang mga itong magpatalo.

Dapat lang, sabi niya sa isip na mas binilisan pa ang paglalakad.

Pagdating niya roon ay hindi naman niya inaasahan ang nadatnan. Kasalukuyang nag-aagawan sina Nathan at Gawaine sa isang box. Habang hawak-hawak naman ni A ang isa pa.

"Anong ginagawa nila?" sabi ni Lotte.

"Sakto kasing nahawakan nina Nathan at Gawaine ng sabay ang isang box. Kaya ngayon, walang may planong bumitaw sa kanila," sabi ni Muriel.

"May isa pa naman, ah?" sabi ni Lotte.

"Wala ngang gustong magpatalo sa kanila. Kahit sa agawan ng box," sabi ni Muriel. Nagbuntong-hininga naman si Lotte. Nakita naman niyang pinag-aagawan na rin nina C at A ang box.

"Mga sira talaga," sabi ni Lotte na napailing na lang. "Gawaine. May isa pang box dito, ibigay mo na 'yan sa kanila-"

Subalit imbes na makinig ay hinampas lang ni Gawaine ang box mula sa kamay ni Nathan kaya ito lumipad sa ere.

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon