[11] In Which Their Lives Are At Stake

1.5K 135 32
                                    

EPISODE 11:
In Which Their Lives Are At Stake

"Levine," takot na bulong ni Uno. "Anong ginagawa mo dito?"

Tinitigan ni Lotte ang babae. Lampas bewang ang itim na itim nitong buhok. Mukhang mas matangkad ito sa kanya ng konti at maputi din ito—hindi, mas tamang sabihing nakakatakot ang kaputlaan ng balat nito.

Ngunit kahit sa unang tingin pa lang ay makikita na ang kaibahan nito sa iba nitong mga kapatid. Dahil hindi gaya ng mga lalaki nitong kapatid, hindi yata nito nakuha ang magandang itsura na meron ang mga ito. Kahit nga si Heath na may malaking peklat sa may kanang mata ay masasabi pa niyang gwapo at malayong-malayo sa features na meron si Levine.

Makakapal ang mga kilay na sa sobrang kapal ay parang nagpang-abot na sa gitna ang mga ito. Sumobra din ata ang tangos ng ilong nito at para na itong bumaluktot sa dulo, na nagbigay kay Levine ng itsura na gaya ng isang witch sa fairy tale book. May sugat-sugat, peklat, at mga marka din ito sa mukha na mas lalong nagpa-intimidate sa itsura nito.

Maliit ang mukha nito, at sa haba at kapal ng buhok at kilay nito, may hawig na tuloy ito sa isang daga.

Nakasuot pa ito ng maitim na cloak na may fleur-de-lis patterns na kulay gold at scarlett. Sa isang kamay ay hawak nito ang isang staff na may bungo ng halimaw. At sa isa naman ang nagpupumiglas na si B.

"Bitawan mo si B!" sigaw ni Uno. Kinuha nito ang pinakamalapit na bagay—isang dustpan at itinuon kay Levine. Pansin naman ni Lotte na nanginginig ang binatilyo. Natawa naman ang babae. "Hindi ako nagbibiro! Anong pinunta mo dito, huh?"

Inilapag naman ni Levine si B sa gilid nito. "'Wag kang mag-alala, wala akong planong saktan si B," anito naman. Tumakbo naman si B papunta kay Heath at inakap ng bata ang nakatatanda nitong kapatid. "Tsaka nakalimutan niyo ba na bahay ko rin 'to?"

Natahimik naman silang lahat na hindi pa rin makapagsalita. Patuloy lang na itinuon ni Uno ang hawak nitong dustpan. Nang magsimulang maglakad si Levine papalapit ay otomatiko silang napaatras.

"'W-wag kang lumapit," sabi ni Uno. Ngunit hindi nakinig si Levine at patuloy pa rin ito sa paglalakad. "Sabi ng diyan ka lang eh! Ano ba kasing kailangan mo?"

"Kung 'yan ang ipapanlaban mo sa akin, magiging kahiya-hiya ka lang para sa isang Magoria," ani Levine. Sa isang iglap ay tumilapon ang dustpan sa tabi na para bang may invisible na pwersang nagpatalsik dito. Umatras si Uno para kunin ang pinakamalapit na vase para siguro gawing armas pero nabasag lang din ito sa kamay ng binatilyo nang walang dahilan. "'Wag ka ng mag-atubili pa, Uno. Alam niyo naman anong kailangan ko, diba?"

Naglakad ito papalapit kaya naman otomatiko ring napaatras si Uno. Maging si Hadi. Luminga-linga si Lotte.

Nasaan na pala sina Lewis?

"Kung ibibigay niyo 'yon sa akin, walang masasaktan, Ngayon lumapit kayo sa akin nang matapos tayo ng maaga," anito. Nakangiti ito sa kanila ngunit bakas sa tono nito ang pagbabanta. Nagpatuloy ito sa paglapit ngunit tumigil din. "Nasaan nga pala sina Lewis? Kayo lang yata ang nandito? Iniwan na ba kayo ng walang kwentang kuya niyo?"

Nagtagis ang bagang ni Uno. "Hindi niya kami iniwan!" anito. "At 'wag mo siyang pagsasalitaan ng ganyan!"

"Bakit, totoo naman ah?" ani Levine naman. "Sa lahat ng mga Magoria, siya ang pinakamahina. Dinig ko siya na raw ang may hawak ng titulong duke at Head of the House?"

"Oo. Kaya wala ka ng—" panimula ni Uno ngunit tumawa si Levine.

"Talaga? Nakakatawa. Akala niya na porke't wala lang si Rivendyll, pwede niya nang tawagin ang sarili niya ng ganoon?"

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon