[42] In Which Lotte Gets Arrested

765 78 60
                                    

EPISODE 42:
In Which Lotte Gets Arrested

Tulad ng sinabi nito, ay dinala nga ng knight na galing sa Tourin sina Lotte sa Gallery Hall ng kastilyo. Nakasunod din sa kanila ang bantay kanina na nakausap ni Lotte. Kahit papaano ay napanatag naman ng konti si Lotte na may iba silang kasama, kahit di niya ito kilala.

Pero hindi pa rin siya nagpapakumpyansa.

Hawak niya si Aevyn sa isang braso, habang ang isang kamay naman niya ay nasa gilid lang, handang hilahin ang pouch kung saan nakalagay ang mga bunga ng prutas na nakakapagpa-estatwa sa mga kalaban. Nakasiksik naman sa loob ng damit niya ang wand.

Nilingon siya ng knight. "Anong mga gusto mong makita, binibini?"

Pinag-isipan naman ni Lotte nang mabuti paano sasagutin 'yon. "Ah, pwede naman hong kahit ano, pero para hindi na ho kayo masyadong maabala, 'y-yung mga paintings at tapestries na lang ho. Dinig ko na maganda raw talaga 'yung mga nandito."

"Mahilig ka sa arts?"

Tumango siya. "Opo. May kakilala din kasi akong magaling magpinta, ganoon."

"Talaga? Ako rin eh," tahimik na sagot nito. "Kung ganoon, doon na lang tayo didiretso?"

Tumango siya. "Kayo hong bahala. Salamat po ulit sa pagpapaunlak niyo sa'kin dito."

"Wala 'yon."

Lumiko sila sa isang pasilyo. Saka lumiko ng ilan pa. Totoo nga: may mga paintings na naroon, at mga tapestries din, pero napagtanto ni Lotte na hindi nga pala na-i-describe ni Muriel ang itsura ng pinapahanap nito.

Sinulyapan niya ang knight. Maghahanap na lang siya ng tyempong tanungin ito.

Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa bigla itong magsalita. "Nakita mo na ba ang hinahanap mo?"

Napatingin si Lotte dito. Naglalakad pa rin ito sa unahan kaya hindi niya makita ang mukha nito. At doon lang din niya napansin na kahit nasa loob na sila ng kastilyo ay hindi pa rin nito hinubad ang sumbrero at scarf nito.

Kumunot ang noo niya. "Ano pong sabi niyo?"

"Sabi ko, nakita mo na ba 'yung mga gusto mong makita?" tanong nito. "Malapit na kasi tayong makarating sa dulo ng hall eh at wala ka nang ibang makikitang painting at tapestry rito."

"Ah!" sabi ni Lotte. "Opo, pero saan po 'yung sinasabi nilang tapestry na nakalagay dati sa cathedral, tapos nilipat lang daw dito?"

Lingid sa kaalaman ni Lotte ay ngumiti ang knight.

"Ah. 'Yun bang tapestry na mula pa noong Pre-Restoration Period?"

"'Yun nga po!" sabi niya. "Ang sabi po kasi ng pari sa cathedral, nandito na raw 'yon."

Huminto naman sa paglalakad ang knight. Tumigil din sina Lotte at ang isa pang sundalo. Sa loob ng ilang segundo ay hindi ito nagsalita.

"Ah 'yun ba? Oo nandito nga 'yon—pero, pasensya na, hindi mo pwedeng makita 'yon," sabi nito saka lumingon sa kanila.

Kumunot ang noo ni Lotte na kinabahan bigla. "Bakit—naman po?"

Subalit sa halip na sumagot ay hinampas lang nito sa batok ang sundalong bantay, dahilan para bumagsak ito sa sahig at mawalan ng malay. Napatili pa si Lotte ng konti saka umatras. Dahan-dahan namang lumapit sa kanya ang lalaki.

Takot na napatingin si Lotte rito.

Mula sa coat nito ay inilabas nito ang isang Re-Equipping Box Set na gaya ng binili ni Lotte kanina. Saka nito pinindot 'yon.

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon