[43] In Which Lotte Meets a Mysterious Mage

807 80 57
                                    

EPISODE 43:
In Which Lotte Meets a Mysterious Mage

Napahawak si Lotte sa tiyan nang kumalam ito. Ilang oras na rin pala siyang walang kain. Pakiramdam niya ay parang ginagaling na ang tiyan niya sa sobrang gutom.

Napangiti siya ng mapait. Walanghiya ka Gawaine, sabi niya sa sarili, kapag talaga ako makatakas dito, kakalbuhin kita! Pero sinita niya rin ang sarili. Kung hindi siguro siya sumama rito, eh di rin siya makukulong.

Ngunit alam din niyang wala rin siyang mapagpipilian kanina, kasi kung hindi siya sumama, paano siya makakapasok sa palasyo?

Dahil nandito na tayo, sabi ni Lotte sa sarili, maghanap na lang tayo ng paraan para makatakas. Saka ko hahanapin ang tapestry at kunin si Aevyn mula sa walanghiyang lalaking 'yon.

Ngunit bago 'yon, siguro kailangan ko munang kumain, aniya sa isip na gustong maiyak.

Maya-maya pa'y nakarinig siya ng mga yabag at gulong na dumadaan. Agad siyang napasiksik sa gilid at nagpanggap na tulog.

"Tsk. Kawawa naman 'tong mga 'to," sabi pa ng boses ng isa sa mga gwardya. "Halos di na gumagalaw o. Buhay pa ba ang mga 'yan?"

"Psh, ang iba sa mga preso rito nagpapanggap lang na patay para makahanap ng tyempong tumakas," sagot ng isa. "Pero tama ka. 'Yung iba, wala na, tigok na."

Nanlaki ang mga mata niya.

"Di ba sila iaalis at ililibing man lang?"

"Syempre naman 'no, babaho 'yan eh. Pero di tayo ang naka-toka doon. Basta, mag-iwan ka lang ng isa bawat selda. Pag balik natin mamaya at di kinuha, alam mo na."

Napalunok si Lotte. Dumaan ang mga ito sa tapat ng selda niya at nag-iwan nga ng bowl. Nang nakaalis na ang mga ito at tahimik na ulit ang pasilyo, ay agad na gumapang si Lotte papunta roon para kunin ang rasyon niya.

Ngunit madidismaya lang siya nang sobra.

Lugaw na nga lang ang binigay ng mga ito, halos hindi pa umabot sa kalahati. Buong araw na nga siyang walang kain, at ito lang ang mapupunta sa kanya? Na-miss niya bigla ang masaganang kainan sa mansyon ng mga Magoria.

Pero di bale na, aniya sa isip na kinuha ang bowl, at least may panglaman-tiyan.

Nilantakan ang laman ng bowl. Medyo matabang, pero hindi na rin masama, at may kakaunti pa ngang karne. Agad din niya naman 'yong naubos.

Ngunit kumakalam pa rin ang tiyan niya.

Luminga-linga naman si Lotte sa pagbabakasakaling may dumaan ulit at bigyan pa siya, pero alam niyang malabo na ring mangyari 'yon. Hanggang sa napatingin siya sa bowl na iniwan sa katapat na selda.

Hindi pa rin 'yon kinukuha ng may-ari. Kaya naman, tumingala siya para silipin ang selda nito. Dahil medyo madilim ay hindi niya ito masyadong maaninag. Lumapit siya ng konti. Nakahiga ito at mukhang tulog.

Nanlaki ang mga mata ni Lotte. Patay na ba siya? sabi niya sa isip. Hindi naman kasi niya mahulaan kung humihinga pa ito. Pero ngayong napansin niya. Mula nang pinasok siya rito ni Gawaine at iniwan, ay hindi na talaga gumalaw ang isang 'to kahit kailan.

Mas lalo siyang lumapit. Doon niya napansing masyado nang mahaba ang buhok nito—at puting-puti na.

Natutop ni Lotte ang bibig. I-ilang taon na ba siyang nakakulong dito at ganyan na siya katanda? tanong niya sa isip. Hindi kaya, ganyan din ang aabutin ko kapag hindi ako nakatakas dito?

Iniling niya ang ulo. Sa mga oras na 'yon ay kailangan niyang gawin ang lahat para mabuhay. Kahit pa, ang magnakaw mula sa patay.

Medyo malayo ito sa kanya kaya nahirapan siyang kunin 'yon. Halos mabunot na ang braso niya sa kakaabot ng bowl. Isiniksik niya pang lalo ang sarili sa pagitan ng mga rehas.

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon