[73] In Which the Malefic Star Rises

481 60 34
                                    

EPISODE 73:
In Which the Malefic Star Rises

Isinara ng mga gwardya ang trangkahan ng kulungan sa harapan ni Lotte. Dinig niya ang makailang beses nitong pagkandado sa pinto para siguraduhing hindi siya makatakas.

Napalunok siya. Eto na, aniya sa isipan na hindi maiwasang kabahan sa gagawin nila.

Narinig din niya ang papalayong mga hakbang ng mga ito.

Hinigit ni Lotte ang hininga at sumigaw. "Hoy! Palabasin niyo ako rito! Mga walanghiya kayo, mga wala kayong awa!"

Subalit wala siyang narinig na sagot pabalik.

Bumuga ng konting hangin si Lotte. Ayos. Kahit na nagawa nilang makalusot sa mga slave appraisers, kailangan pa rin nilang magpatuloy sa drama nila para hindi sila paghinalaan.

Nakakabingi ang katahimikan sa paligid. Maliban sa paminsan-minsang paglalakad ng mga gwardya sa labas, walang ibang naririnig si Lotte. Nasa loob siya ng selda na gawa rin sa mga bloke-bloke ng bato. Halata naman sa itsura na napakaluma na nito, ngunit nang tapikin niya ng kanyang kamao ang mga pader, ay mukhang matibay pa rin ito. Ang tanging lusutan lang talaga doon ay ang pa-arkong pinto na gawa sa bakal.

Mas mukha itong dungeon kaysa kwarto! aniya sa isipan. Kanina kasi, pagkatapos siyang tanggapin ng mga slave appraisers mula kay Finnley ay sinabi nitong dadalhin siya ng mga ito sa isang ligtas na silid.

Maliban sa iilang crates at sakong nandoon, ay wala nang ibang bagay sa silid. Ang sahig na gawa rin sa bato ay may mga buhangin din.

Akala pa naman niya mas maganda ang kulungan dito kaysa sa Northangia.

Mas nakakatakot pa pala.

Pero bakit niya nga ba inakala iyon? Siguro dahil emperyo ang tawag ng mga tao sa Akher at mukhang mas mayaman ito pakinggan. Ngunit sana nga naisip niya na isang ancient city na ang Akher.

Luminga-linga siya sa paligid. Pero, aniya sa isipan, at least doon sa Northangia malapad ang rehas at nakikita ko ang corridors. Dito--

Tinapik niya ang pintong rehas. Ito lang ang paraan para makita ko ang labas.

Speaking of Northangia...aniya sa isipan. Bakit parang pamilyar itong eksenang ito?

Napangiti siya ng hilaw. Sinong mag-aakala na ilang buwan lang pagkatapos ng mga kaganapan doon sa Northangia, heto na naman siya at nakakulong sa ibang bansa?

Bakit ba lagi na lang itong nangyayari sa akin?

"Eh? So hindi pala ito ang beses mo na makulong?"

Halos mapatalon sa gulat si Lotte nang may bigla na lang nagsalita. Luminga-linga siya ngunit maliban sa kanya at sa mga guwardya ay wala namang ibang tao roon.

Tumingin siya sa katapat na selda. Nanumbalik ang mga alaala niya sa Northangia.

H-hindi kaya—?

"L-liddell?" malakas na sabi niya. "N-nakakulong ka na naman ba?"

Subalit marahang tumawa ang boses.

"At napagkamalan pa akong isang ancient Supreme Archmage," sabi ng boses. "O baka naman may naririnig ka nang ibang mga boses na wala naman talaga?"

Muling napalingon si Lotte sa likuran. Ngayong nagsalita ulit ang boses, napagtanto niya na isang lalaki ang nagsalita.

Nagulat siya nang gumalaw ang malaking sako na nakita niya kanina. Napatili pa siya ng konti at hinanda ang sarili. Hindi niya alam na may kasama pala siya roon!

Ngunit, hindi pala talaga sako 'yon. Kung hindi, isang lalaking naka-hooded cloak. Hinubad nito ang cloak, itinaas nito ng konti ang mukha at ngumiti sa kanya.

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon