[4] In Which Lotte Meets the Magorias

1.9K 152 39
                                    

EPISODE 4:
In Which Lotte Meets the Magorias

"Tabi!"

Mabilis na lumipad papunta sa kanya ang isang bata. Muntik na siyang matamaan nito, ngunit buti na lang ay may humila sa kanya papalayo.

Natumba siya sa gulat. Buti na lang ay nakailag siya, dahil kung hindi ay talagang mababanga siya at diretsong mahuhulog sa grand staircase.

Sinundan niya ang batang lumilipad sa walis, diretso palabas ng pinto, papunta sa kung saan habang tawa ng tawa.

"'Wag kang tumunganga na lang diyan sa sahig. Tumayo ka," sabi ng isang kalmadong boses. Nakanganga pa ring bumaling si Lotte sa lalaking nagsalita. Isang teenager na may dalang easel at may lapis sa tenga ang dumaan. Kung di siya nagkakamali, ito 'yung humila sa kanya kanina para di siya tamaan nung bata. Nagkasalubong ang mga mata nila. Unang niyang napansin ay ang kulay ash blonde nitong buhok.

Tinagilid nito ng konti ang ulo na parang may tinuturo. Takang sinundan naman niya ng tingin ang tinutukoy nito, at nanlaki ang mga mata niya nang isang batang nakasakay sa rocking horse ang humaharurot papunta sa kanya.

Dali-dali siyang bumangon para iwasan ito, ngunit huli na, nadaplisan ang damit niya kaya ito napunit. Napasinghap siya.

Napailing naman ang binatilyo na may lapis sa tenga.

"Beeeeeeeeee!" sigaw ng isa pang bata. Tumatakbo ito mula sa malaking hagdan at hinabol ang batang sakay ng rocking horse na humaharurot sa lahat ng bahagi ng enggrandeng salas.

Sumisigaw din ang batang sakay ng rocking horse. Mukhang wala sa kontrol ang mahikal na sasakyan nito.

Umatras siya papunta sa isang sulok kung saan dasal niya ay di siya matatamaan ng batang lumilipad sa walis at batang nasa rocking horse.

"Beeeeeeee! Hintay, beeeeeeeeee!" sigaw ulit ng ikatlong batang hinahabol pa rin ang nasa rocking horse.

Napansin naman agad ni Lotte na magkamuha ang batang nasa rocking horse at batang tumatakbo. Kambal ba sila? takang tanong niya sa sarili.

Napagod naman ang bata sa kakahabol sa kapatid na sakay ng rocking horse at pasikretong kumain ng tsokolate. Saka ito lumapit sa kanya at kinuha ang kamay niya.

"Pakihawakan naman 'to, hahabulin ko lang si Bee, ha," anito sa kanya. Natuwa naman ng konti si Lotte dahil di gaya ng iba, ay mukhang hindi ito naiilang sa kanya. Tinanggap naman niya ang pinahawakan nito ngunit agad miyang napansin na mukhang masyadong mabuhok 'yon. Taka niyang binuksan ang kamay at ganoon na lang ang pagkawindang niya nang makita ang isang tarantula.

"Yaaaaaaah!" tili niya at marahas na pinagpag ang kamay. Narinig naman niya ang hagalpak ng tawanan ng mga bata. Ang pinakamalakas, doon sa batang nagbigay sa kanya ng tarantula.

Nanggalaiti sa inis si Lotte. Dalawa talaga sa pinakaayaw niya ay mga malalaking gagamba, at mga batang sumobra sa kakulitan.

Nakita din niyang ngumisi 'yung binatilyong may ash blonde na buhok saka ito naglakad papunta sa kabilang kwarto. Inis niya itong tinapunan ng tingin.

Asar na naghanap si Lotte ng mauupuan. Di na niya mahagilap si Hadi. At wala pa rin si Lewis. Nakadama siya ng konting pagkainis sa sarili dahil pumayag siya ng basta-basta sa alok ng matanda. Nakahanap siya ng isang sofa na nasa sulok malapit sa fireplace. Doon niya napagpasyahang umupo.

Ngunit nang uupo na sana siya sa sofa ay may biglang nagsalita.

"Nakaupo na diyan ang kaibigan ko."

Napalinga-linga si Lotte. At mula sa likod ng kurtina ay may lumabas na—lalaki. Lampas tenga ang buhok nito at natatakpan ang mga mata.

Maputla din ito at itim ang lahat ng suot mula ulo hanggang paa. Pati cloak.

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon