[29] In Which Lotte Sees a Strange Creature

1.9K 132 64
                                    

EPISODE 29:
In Which Lotte Sees a Strange Creature

Dahil nga naiwan na siya roon, ay nagpasiya na ring bumalik si Lotte sa mansyon. Tinulungan naman siya ni Harry. Pagbukas na pagbukas pa lang niya sa pinto ay natagpuan niya ang sarili sa main hall.

Subalit, palaisipan pa rin sa kanya ang biglaang pag-alis ni Rivendyll nang marinig ang balita. At hindi rin niya matatanggi na nasaktan siya ng konti sa ginawa nito. Ano ba kasi talagang meron ito at ni Eloise at kung bakit mukhang ayaw nitong sabihin ang totoo?

Sinita niya ang sarili sa pag-iisip niya ng ganoon. Lagi niyang sinasabi na hinding-hindi siya makikialam sa buhay ng mga ito. Pinilit niya ring 'wag isipin ang mga nangyari kanina doon sa sikretong silid ni Cosette Magoria.

Pero hindi pala magiging ganoon kadali 'yon.

Sumapit na lang ang gabi at ginugulo pa rin siya ng maraming bagay. Nauna na niyang pinakain ang mga bata kanina pa. Sila-silang matatanda pati sina Uno at Heath na lang ang mga natira doon. Kaya habang naghahapunan sila ay tahimik pa rin siyang nakatingin sa kawalan habang nag-iisip ng malalim.

"Hoy."

Halos mabitawan naman ni Lotte ang kutsarang hawak nang pitikin ni Finnley ang mga daliri nito sa harap niya. Nagtawanan naman ang iba pang mga kapatid nito.

"Kanina ka pa nakatitig sa mukha ko," biro ni Finnley. "Ganoon ba talaga ako kagwapo?"

"Hindi, Finnley. Nagtataka lang siya kung saan mo napulot ang sobrang taas ng kumpyansa mo sa sarili," basag naman ni Muriel sa kapatid.

Nagtawanan ulit ang mga kapatid nito. Binatukan lang ni Finnley si Muriel.

"Ayos ka lang ba, Lotte?" tanong ni Lewis sa kanya. "Kanina ka pa mukhang wala sa sarili mo ah? May problema ba?"

Umiling si Lotte. "Wala. May iniisip lang ako."

"Ano pong iniisip niyo?" tanong ni Uno. Napasinghap ito. "Crush niyo no? Uuuy!"

Napailing si Muriel. "Sabi ko na nga ba bakla 'tong si Uno eh."

"Mana lang sa'yo," ganti ni Finnley. Nagtawanan naman ang iba pa. Binalingan ni Muriel ang kapatid. "'Wag kang mag-alala, Mariella. Tanggap na tanggap ka namin. Kagaya ng pagtanggap namin kay Una."

Pabiro namang sinuntok ni Uno si Finnley sa braso. Nakitawa na lang din si Lotte sa mga ito. At least, napupunta sa ibang bagay ang iniisip niya.

"So crush mo nga talaga ang iniisip mo?" biro ni Lewis.

"Hala, sino ba 'yan, ate?" susog ni Finnley na pinatinis pa ang boses.

"At sumusog na nga si Louisa at Fina," sabi ni Muriel.

"'Yan talaga ang pumasok sa isip niyo no?" sabi ni Lotte. "Wala nga. May iba akong iniisip."

"Ang lalim naman yata ng iniisip mo kung pati sabaw ni Gawaine ay inagaw mo kanina," sabi ni Muriel.

"Ha?" maang na sabi ni Lotte. Napalingon naman siya sa likod at muntikan nang napatalon nang makitang nakaupo pala si Gawaine sa tabi niya. Bigla siyang nakadama ng kaunting panic nang maalala ang nangyari kanina sa Knightsfield Hall.

"Oo nga. Kanina nang sumasandok si Gawaine nang pagkain, kinuha mo lang naman 'yung bowl niya at-hinigop mo," sabi ni Lewis. Nagtawanan naman ang mga ito kaya namula si Lotte sa hiya. "May problema ka ba Lotte? O baka na-stress ka sa lesson niyo ni Rivendyll?"

Nanigas naman siya sa kinauupuan nang marinig ang pangalan nito.

"Alam niyo pala?" sabi ni Lotte.

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon