[14] In Which Lotte Blackmails Gawaine

1.3K 112 22
                                    

EPISODE 14:
In Which Lotte Blackmails Gawaine

Natawa naman si Levine. "Kanina pa kita hinihintay."

"Natagalan lang ako, pasensya na," nagkibit-balikat na sabi ni Nathan. Sinulyapan naman sila nito ng malamig. "Hindi ka yata nila sinalubong dito ng maayos?"

Hindi naman makapaniwala si Lotte. Sa kabila ng itsura nito ngayon ay naroon pa rin ang kalmadong boses nito, at nakikipag-usap pa ito ng maayos kay Levine. Ito ba talaga si Nathan?

Mukha na itong ibang tao sa harap niya. Malayong-malayo ito sa inosenteng binatilyo na una niyang inakala rito. Para nga itong tumanda ng ilang taon.

Sa ngisi nito, sa tindig, at sa aura nito ngayon para bang hindi ito ang tahimik na lalaking lagi lamang nasa tabi at binubuhos ang oras sa mga hobbies nito.

"Oo nga eh," sagot naman ni Levine. "Hindi na naman ako nagugulat. Bumalik na ba ang kapangyarihan mo?"

"'Yung kabuuan? Hindi pa. Mga hayop, masyadong malaki ang pinsalang naidulot noong restraining curse na ginawa niyo sa akin noon, at hanggang ngayon ngarag pa rin ang katawan ko," sagot ni Nathan.

Natawa naman si Levine. "Oo nga eh. Kaya pala parang bumata ng ilang taon ang katawan mo. Pero kita ko naman na unti-unti ka ng bumabalik sa dati. Pero salamat na rin sa'yo at muli akong nakabalik dito sa mansyong ito."

Pareho namang nanlaki ang mga mata nina Lotte at Uno. Natahimik ang buong gallery hall. Anong ibig nitong sabihin?

"Magkakampi kayo?" Si Lotte ang unang bumasag sa katahimikan.

Dahan-dahan namang dumayo sa kanya ang mapupulang mga mata ni Nathan. Wala siyang kahit anong emosyong nakikita dito. Sa titig nito sa kanya ay nanlamig ang batok niya at hindi naman niya mapigilang muling mapaatras.

Samantalang amused lang na nakatingin sa kanila si Levine.

"Sinadya mong pabalikin si Levine dito," sabi naman ni Uno sa wakas. "Kaya mo ba laging binabanggit ang pangalan niya para mapahina ang spell? Nathan!"

Tiningnan lang ito ng nakakatandang kapatid.

"Sabi ko na sa inyo diba, hindi niyo mapapabago ang isang demonyo. Kaya lang siguro siya mukhang kalmado at tahimik dahil may pinaplano siya," kibit-balikat na sabi ni Levine. "Hindi ba, Nathaniel?"

"'Wag niyo nga akong pangunahan," sabi ni Nathan. "Alam ko naman kasi na ang pinakamadaling paraan para matunton ka ay kung ikaw mismo ang uuwi dito. Sinabi ko na sa'yo dati, Levine. Ako ang tatalo at papatay sa'yo. Hindi si Rivendyll. Hindi si Lewis. Hindi ang kahit sino pang Magoria. Ako."

Ngumisi ito. Ipinaikot naman ni Nathan sa mga kamay nito ang isang short sword na papakawalan nito sa oras na gugustuhin nito.

Mas lalo namang natawa si Levine. "Ikaw? Kung natalo ka nga ng isang kagaya ni Gawaine, tingin mo ba talaga matatalo mo ako o mahahawakan man lang?"

Nawala naman ang ngiti sa labi ni Nathan. "Tsumamba lang siya noong araw na 'yon. At kung hindi niyo matandaan, sa labanang 'yon, hindi ako ang nawalan kundi siya."

Umiling-iling naman si Levine. "Itim nga ang kaluluwa mo, Nathaniel."

"Syempre alam mo. Kasi itim rin ang puso mo diba?" sabi naman ni Nathan. Nanlabi lang si Levine na tumango. "Tapusin na natin 'to. Para masaksihan mo ulit ang kasamaang hinahanap mo sa loob ng maraming taon. At ang mga kakayahan ko na kinatakutan niyo pareho ni Rivendyll noon."

Doon naman parang natauhan si Uno at pinuntahan nito ang nakakatandang kapatid na lalaki.

"Nathan! Diba nangako ka na hindi mo na ulit gagawin ito?" sabi ni Uno. "Hindi ka na ulit mananakit ng ibang tao!"

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon