[33] In Which Suspicion Arises on the Dinner Table

947 95 21
                                    

EPISODE 33:
In Which Suspicion Arises on the Dinner Table

"Harry!"

Inis na luminga-linga si Lotte sa paligid. Naisahan siya ng mokong na 'yon. Natagpuan lang naman niya ang sarili sa pamilyar na pasilyo ng second floor kung nasaan ang mga kwarto nila.

"Oui, ma poupée?"

"Sabi mo sa'kin dadalhin mo ako sa Hall of Portals?" bwelta niya rito. "Bakit nandito ulit ako sa mga hallway ng second floor? Pinagloloko mo lang ata ako eh."

Natawa naman si Harry. "'Yan talaga ang Hall of Portals. Gayang-gaya lang niyan ang disensyo at struktura ng iba pang hallways ng mansyon tulad ng sa second floor. Pero, kapag bubuksan mo ang mga pinto isa-isa, makikita mo na iba ang nasa loob—o nasa labas ng mga ito."

Kahit na nagdududa, ay naisip naman ni Lotte na baka nagsasabi ito ng totoo. Kaya naman ay pinuntahan niya ang isang pinto para buksan 'yon.

Pero lumingon siya sandali sa likod at hindi na muna tinuloy ang paghawak sa doorknob.

"Anong makikita ko kapag binuksan ko ang pinto?" sabi niya kay Harry. "At, teka, nasaan ka ba?"

"Depende sa pinto, ma poupée," sabi nito. "Nandito lang din ako sa painting sa may dulo. Hindi mo ako makikita rito kasi nakabantay ako sa kabilang bahagi, kung sakaling may maghahanap sa'yo."

Tumango na lang siya. Nilingon niya ang pinto at nakita nga niya ang isang malaking painting na nilalarawan ang hallway na papuntang library at main hall. Binaling naman niya ang tingin ulit sa pinto. Tapos binasa naman niya ang nakalagay sa plate nakadikit doon. Piccard.

Lakas-loob naman niyang binuksan ang pinto.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang parte ng kalsada sa labas. May bayan sa labas ng pinto, sabi niya sa sarili na sumilip pa, at maraming tao! Sa ibayo ay nakikinita ni Lotte ang dagat.

"Whoa," sabi niya sa sarili. "Hindi ko aakalain na may mas malapit palang bayan dito sa mansyon kaysa sa Magoria."

"Ang totoo niyan, mga tatlumpong kilometro ang layo ng Piccard Town mula rito," sabi ni Harry. "Pero dahil nga sa magic, nakakapunta kami sa iba't-ibang lugar gamit lang ang mga pintong nandito. 'Wag ka lang masyadong magpapahalata sa mga tao sa labas dahil syempre nakikita ka pa rin nila."

Doon nga naman napansin ni Lotte na napapatingin ang mga tao sa kalsada sa kanya. Awkward naman siyang ngumiti at sinara ang pinto. Nilingon niya ang bakanteng painting sa dulo, kahit mukhang wala doon si Harry.

"Ang mga pinto sa kabilang bahagi, basta na lang ba sumusulpot at lumulutang sa ere?" sabi ni Lotte.

"Syempre hindi," natatawa nitong sabi. "Sa mga mata nila, normal lang ito kagaya ng mga tindahan o bahay o building na nadadaanan nila sa kalsada. Sumilip ka ulit para makita mo."

Gusto ni Lotte na gawin 'yon, ngunit baka pagdudahan siya ng mga taong dumadaan doon, kaya pumunta na siya sa sunod na pinto. Nakasulat doon ang mga salitang: Tourin.

Pagbukas ni Lotte ay namangha siya nang makita ang isa pang bayan na malayong-malayo sa Piccard. Kung ang Piccard ay kahawig pa ng Magoria, ang Tourin ay parang isang farming village. Sa di kalayuan ay nakikita niya pa nga ang mga windmills na natutukso siyang puntahan.

"Ah, ah. Hindi pwedeng tumapak sa labas, ma poupée," paalala ni Harry na ikinasimangot ni Lotte.

Sinilip na lang niya ang labas. Napatango naman siya nang makita na ang pintong kinaroroonan niya ay pinto pala ng isang maliit na kubo. Tumingala rin siya at nakita ang nakabitin na mallet at chisel, para yata ipahiwatig na isang pandayan ang lugar na 'yon at hindi portal papunta sa mansyon ng mga mages.

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon