[7] In Which Lotte Hears About the Other Magoria

1.8K 133 11
                                    

EPISODE 7
In Which Lotte Hears About the Other Magoria

Nang sumunod na araw ay mag-isang bumalik si Lotte sa music room. Apprently, may pupuntahan pala si Muriel, pati na rin si Finnley, kaya siya na lang mag-isa ang maglilinis doon.

Wala naman 'yong kaso sa kanya, tsaka 'yon din naman talaga ang trabaho niya sa bahay na 'yon.

Maliwanag sa loob ng silid. Binuksan niya rin ang mga bintana para makapasok ang sariwang hangin. Saka niya sinimulang linisin ulit ang dingding na sinulatan ng mga bata.

Habang naglilinis ay muling napansin ni Lotte ang painting na pinatakpan ni Lewis ng tela. Ano kayang meron sa painting na 'yon at ayaw 'yon ipakita ni Lewis? Ngunit higit sa lahat, sino ang nasa painting na 'yon?

May bahagi sa isip niya nagsasabi na silipin ang painting para tingnan ang kabuuan nito ngunit ayaw naman niyang manghimasok o suwayin ang batas sa bahay. Isa pa, pakiramdam niya ay pahamak lang ang dala sa kanya kung kikilalanin pa niya ang taong nasa painting.

Naalala rin niya bigla ang natuklasan kahapon. Tama kaya ang hinala niya na ang matandang nasa istasyon ng tren, ay si Annecy Ribeauville Magoria? Sinulat kaya nito ang pangalan sa papel sa pag-asang matagpuan ni Lotte ang sarili sa mansyon ng mga ito? Pero, paano nangyari 'yon? Kung tama ang alam niya, pareho nang namayapa ang mga magulang ng mga magkakapatid. Siya kaya ang babaeng 'yon?

At anong dahilan niya para dalhin ako sa lugar na ito? Napailing si Lotte. Sa ngayon siguro ay hindi pa niya masasagot lahat ng mga katanungan sa isip niya. Pero isa lang ang bagay na malakas ang kutob niya. Ang babaeng nagbigay sa kanya noong papel ay isa ring Magoria, or at least, isang witch.

Sandaling natigilan si Lotte nang bigla siyang makaramdam ng pagkahilo. Napahawak siya sa dingding at napaluhod siya sa sahig. Pakiramdam niya ay parang mawawala siya sa paligid. Agad niyang sinuri ang mga kamay, takot na baka naglalaho na naman siya. Ngunit pagkalipas ng ilang segundo ay naging stable naman ang paligid niya at nawala rin ang pagkahilo niya. Tiningnan niya ang sarili. Buo pa naman siya, at nahahawakan niya pa ang mga bagay-bagay.

Tumayo siya.

"Ate Lotte?"

Isang maliit na boses ang nagsalita sa kanyang likuran. Agad siyang napalingon, kinabahan na baka nakita siya ng ibang Magoria. Hindi pa niya handang sabihin ang totoo sa mga ito. Ngunit buti na lang, si Hadi lang pala 'yon. Dala ang mga makakapal na libro sa mga kamay.

Bakas sa mukha nito ang pag-alala.

"Hadi," magiliw na bati niya dito. Lumapit naman ito sa kanya. "Okay lang ako. Ang dami niyang librong dala mo ah! Para saan 'yan?"

Ngumiti siya ng malapad. Buti naman ay lumiwanag din ang mukha nito. Tiningnan nito ang dalang mga libro na nakangiti rin.

"P-para lang 'to sa eskwelahan namin," sabi ni Hadi. "Dadalhin ko sana sa morning room pero nandoon pala ang tatlo. Babalik na sana ako sa library at dumaan lang ako dito sandali. Okay lang po ba kayo?"

Napangiti naman siyang lalo. Habang dumadaan ang mga araw ay napapansin niyang unti-unti na ring nawawala ang pagkailang nito sa kanya.

"Okay lang ako," sabi ni Lotte. "Sina A ba tinutukoy mo? Di ba sila bawal doon sa morning room? Doon lumalagi si Lewis parati, diba?"

Ang morning room ang bahagi ng bahay kung saan normally nag-aagahan ang mga nakatira doon at kung saan tinatanggap ni Lewis lahat ng mga sulat, packages, at parcels na pinapadala sa kanila pagsapit ng umaga. Morning room, kasi doon nagsisimula ang umaga ng buong pamilya. Doon din sila nag-aagahan dapat. May kalakihan din ang morning room, at lahat ng disenyo sa silid na 'yon ay bumagay sa pangalan niyon-maaliwalas at malinis. Ngunit dahil hindi naman sila sabay-sabay gumigising, dahil na rin bakasyon, ay si Lewis lang ang tanging lumalagi doon. Kaya imbes na sa library nito sinasagutan lahat ng mga sulat, doon na nito ginagawa 'yon. Si Lewis rin ang nagsisilbing head ng pamilya kaya ito ang nag-aasikaso ng lahat ng trabahuin sa property ng pamilya nila.

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon