[21] In Which Rivendyll Tells Her Some Secrets

1.2K 117 11
                                    

EPISODE 21:
In Which Rivendyll Tells Her Some Secrets

Hindi alam ni Lotte kung anong dapat maramdaman.

Naiinis siya. Gulat. At gusto niyang manakit ng amo sa mga oras na iyon.

'Yung sakal na may kasamang bugbog.

Gusto niya ring kalmutin ang pinagmamayabang nitong mukha.

Pero sa halip ay ngumiti lang siya at otomatikong nagsalita. "Ikinagagalak ko na rin kayong makilala sa wakas Monsieur. Maraming magagandang kwento sa'yo itong si A-avignon, pati na rin itong bayan na kinalakihan niya."

Hanep, sumabay pa talaga ang boses ko ngayon! sabi niya sa isip na naiinis kung bakit ang lambot ng pananalita niya. Para ngang ang bait niyang pakinggan, kahit ang gusto naman talaga niya ay inisin si Rivendyll sa pagsasalita nang wala sa script nitong impromptu rin. Ngunit sa halip ay ngumisi lang ang hayop sa tabi niya at inilayo pa ang tingin para di niya makita ang mukha nito.

Tumango-tango naman si Narrecius na para pang natuwa sa sinabi niya. "Siya nga ba? Pero itong batang ito ang dapat maraming ikwento sa akin, lalo na tungkol sa inyo," sabi naman nito.

Nakunsensya naman si Lotte dahil paniwalang-paniwala ito. Mukha pa naman itong mabait. Halimaw lang talaga itong si Rivendyll, sabi niya sa isip, nanloloko ng ibang tao! Pati ba naman kasi siya naisahan nito. Maid uniform huh?

Kaya naman pala masyadong nakakapagtaka at weirdo ang mga pinapasuot nito! Sana man lang kasi narealize ko ng maaga nang naka-hindi pa ako, impit na sigaw niya sa isip. Pero malamang hindi rin niya matatanggihan ang utos nito.

Mamaya na lang niya ito kukomprontahin.

Inakbayan naman siya ng lalaki. "Hindi na ako bumabata, Monseiur. Isa pa baka ako ang kagalitan ng mga ninuno namin at sa ganitong edad ay hindi pa rin ako nagsiseryoso sa buhay," sabi naman ni Rivendyll.

Kagagalitan ka talaga nila dahil sinungaling ka! tili niya sa isip. Pero hindi niya na muna inilabas ang saloobin dahil tuwang-tuwa pa ring nakatingin sa kanilang dalawa si Narrecius. Nangangalay na ang mukha niya sa kakangiti rito.

Siraulo ka, bitawan mo nga ako, piping sigaw niya sa mukha ni Rivendyll. Pinilit namang umalpas ni Lotte mula sa pagkakaakbay nito pero mabigat ang kamay nito. Nilingon naman siya ng lalaki at nginitian ng matamis.

"Kaya lang sa tingin ko ay malulungkot ang mga binibini roon sa baba kapag nalaman nila ito. Pero ano ba namang laban nila sa magandang dalagang bumihag ng puso mo," sagot naman ni Narrecius na nakatingin sa kanya, dahilan para muntikan nang mabilaukan si Lotte sa sariling laway. "Umupo kayo, Avignon, Madamme Charlotte. Kumusta na pala ang mga kapatid mo?"

Nang makaupo silang lahat sa magkaharap na couch ay nagpatuloy sa pag-uusap ang mga ito. May mesa sa pagitan nilang dalawa at ni Narrecius. Naiilang pa rin si Lotte sa tawag nito sa kanya.

"Si Lewis ngayon ang abala sa pag-aasikaso ng isang pag-aari namin doon sa Harlow Town," sagot ni Rivendyll na nasa tabi ni Lotte. "Habang sina Finnley at Muriel ay may kanya-kanya ring trabaho."

Tumango-tango naman si Narrecius. "Magaling, magaling," anito, saka lumapit ng konti kay Rivendyll para bumulong. "Eh 'yung—"

"Si Nathaniel ba? Naroon sa mansyon, at mas maayos na siya tulad ng dati," sagot ni Rivendyll. "Pati na si Gawaine."

"Mabuti naman," tuwang-tuwang sabi ni Narrecius. "Noong una palang nakita ko na ang talento sa dalawang iyon. Sayang nga lang si Gawaine at hindi siya natuloy sa knighthood, dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya. Pero bihasa rin naman siya sa paggamit ng baril. At asintadong-asintado, mas magaling pa nga 'yon sa'yo eh."

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon