[76] In Which Lotte Is Tempted By An Incubus

273 36 15
                                    

EPISODE 76:
In Which Lotte Is Tempted By An Incubus

Namalayan na lang ni Lotte na nasa iba na naman siyang silid.

Pakiramdam niya ay nanghina siya ng kaunti nang suntokin siya ng gwardya sa may sikmura. Pero nang maalala ang nangyari kanina, ay agad siyang kumilos para makaalis kung saan man ang pinagdalhan sa kanya, para lang mapagtanto na hindi siya makagalaw.

Tumingala siya at napanganga sa nakita.

Nakatali ang dalawang kamay niya sa ibabaw ng headboard. Dahil nahihilo pa rin siya ng konti, ay hindi agad niya napansin kung nasaan siya.

Nasa kama siya.

Pilit niyang hinihila ang kanyang mga kamay ngunit bukod sa nakagapos siya sa bakal ay nanghihina pa rin siya. Muli niyang hinila ang kanyang mga kamay. Ngunit hindi man lang iyon natinag.

Saka lang din niya napansin na iba na pala ang suot niya. Pang-belly dancer clothes pa rin, pero mas makili na iyon ngayon at gawa sa mas manipis ngunit halatang mamahaling tela.

Kinabahan si Lotte.

Hindi maganda 'to.

Habang tumatagal ay lalong sumasama ang pakiramdam niya. Wala talagang magandang kalalabasan kung bigla na lang niyang nakita ang sarili sa isang hindi pamilyar na kama, at nakasuot ng damit na halos kita na ang kaluluwa niya.

Gamit ang buong lakas ay sinubukan niyang hilahin ang mga kamay, ngunit wala talagang nangyayari. Lalo lang siyang nanghihina.

Kung sumigaw man siya ng tulong, may tutulong ba? Nasa teritoryo siya ng kalaban, at kung may natutunan man siya doon sa Northangia, iyon ay walang tutulong sa kanya kahit anong sigaw niya.

"Argh!" sigaw ni Lotte sa inis.

"Ah. Gising ka na pala," sabi ng isang boses.

Agad na napalingon si Lotte sa direksyon ng malaking pinto. Pumasok mula roon ang isang matangkad na lalaki na may orange na buhok. Nakabukas pa ang suot nitong linen shirt, dahilan para makita ang toned nitong dibdib at abs na may tattoo rin.

May dala-dala itong kopita ng hula niya ay isang uri ng wine.

Ngumiti ito sa kanya. "Yo."

Nagtagis ang bagang ni Lotte. "Ikaw—trinaydor mo ako!"

Natawa lang si Grigori.

"Anong klaseng akusasyon iyan, Charlotte? I never betrayed you," sabi pa nito na nakangiti pa rin. Gustong suntukin ni Lotte ang mukha nito doon din mismo.

"Sinungaling!"

"I'm serious," anito pa. "Nagkataon lang talaga na nandoon ako sa selda mo, at talagang sinubukan kong tulungan kang tumakas kanina. Hanggang sa abot ng makakaya ko. How would I know na aambushin pala tayo ng pharaoh? Sabi ko sa'yo diba, magaling ang pharaoh, mahirap siyang lusutan."

"Tsk. Akala mo ba talaga maloloko mo ako?" sabi ni Lotte. "Paanong nagkataon na nandoon ka sa selda na pinagkulungan sa'kin kung wala kang balak na masama?"

Tumaas ang isang kilay nito. "Ano namang balak ko?"

"Aba malay ko sa'yo! Sino 'tong siraulo na tumatambay sa mga selda at doon natutulog? Malamang may balak ka talagang masama roon sa mga preso doon no—" aniya, ngunit natigilan siya nang may maalala.

Ang usapan ng mga slaves at ng vizier kanina, tungkol sa isang taong nagngangalang Tsar Ivanovich. Tungkol sa paborito nitong delicacy...

Doon pa niya napansin na amoy malansa ang paligid. Malansa—na parang dugo. Saka siya napatingin ulit sa kopitang iniinuman ni Grigori. Mukha yatang masyadong malapot 'yon. At mukhang masyadong mapula.

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon