[72] In Which They Enter The Auction House

476 50 20
                                    

EPISODE 72:
In Which They Enter The Auction House

Sakay ng camel, ay binabagtas nila Lotte ang ruta sa disyerto kasama ang buong caravan. Sa magkabilang gilid nakapwesto sina Finnley at Nathan. Ang dalawa ang umaakto na mga mercenary na siyang magbabantay sa kanya para dalhin at ibenta sa Hanging Gardens.

Ibinaba ni Lotte ng kaunti ang suot niyang blindfold, gamit ang nakagapos niyang kamay.

Kanina pa siya nabo-bored, kaya naman minabuti niyang gawin iyon para makita man lang niya ang paligid at kung anong itsura ng caravan na sinusundan nila.

"Anong ginagawa mo?" sabi ni Nathan.

"Kanina pa ako nababagot dito. Sisilip lang naman ako, eh," bulong niya pabalik.

"Pag may makakita sa'yo at magduda kung isa ka ba talagang slave, wala talaga tayong mapapala," marahang sita nito.

"Tsk," ani Lotte na inis na ibinalik ang blindfold. Pero nagsalita si Finnley.

"Ayos lang 'yon. Kapag may nakapansin, pagalitan na lang natin si Lotte kunwari," sabi nito. "Ibaba mo lang 'yan, Lotte para naman makita mo rin kung saan tayo pupunta."

"Salamat, Finnley!" sabi niya.

"Kung may makapansin man, sasampalin ka na lang namin para hindi sila maghinala. Okay lang?" sabi nito. Hindi agad nakapagsalita si Lotte at inis na lang na itinaas ulit ang blindfold, pero tumawa ito. "Biro lang!"

Umiling si Lotte. Ibinaba na ni Lotte ng konti ang blindfold. "Hindi ko naman ibababa masyado eh, konti lang para makita ko ang paligid no—"

Kakasabi pa lang ni Lotte roon ay isa sa mga mercenary na nasa unahan nila ang lumingon saglit. Kahit na nakasuot ito ng maskara at hood ay kita niya ang matalim na tingin nito. Biglang kinabahan si Lotte dahil aktong ibinababa niya kasi ang blindfold. Sandali nga siyang hindi makagalaw, lalo pa't napansin na ng mga ibang kasama ng mercenary na may tinitingnan ito.

Walang anu-ano'y may pumalo sa kanya sa pwet.

"Sino 'yon?!" hindi maiwasang tili niya at akmang lilingon sana, pero pinalo ulit siya ng kasama. "Pag talaga nalaman ko kung sino—"

"Manahimik ka, alipin. O baka imbes na makarating ka pa ng buo sa Hanging Gardens, mawarak ka na rito," sabi ng boses ni Nathan.

Oo nga, naalala niya na dapat nga palang mapapaniwala nila ang mga tao sa paligid sa drama nila. Kaya lang—hindi niya pa rin maiwasan na mainis sa kung sino mang walanghiya ang humampas sa pwet niya.

"Kailangan mo ba talagang gawin 'yon, w-walang hiyang m-mercenary?!" sabi niya na pinanindigan na rin ang pagda-drama nila. Pero para kapani-paniwala, ipinalabas na rin talaga niya ang inis sa boses. "Mga wala talaga kayong awa. Wala kayong kasinsama!"

Bago pa man matapos ni Lotte ang sasabihin ay bigla siyang hinila pababa. Napatili pa siya. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay ang sunod na lang niyang namalayan ay magkatapat na ang mukha nila ni Nathan.

Hawak-hawak nito ang baba niya. Hindi niya man makita ang mukha nito ay natakot siya ng kaunti sa matatalim nitong mga mata. Pero ang kakatwa, ay wala siyang nakikitang galit doon—kaya lang kinabahan pa rin siya sa kung anong dahilan.

Doon lang niya napansin na huminto pala ang camel nila. Pati na ang mga caravan na nakasunod sa kanila ay huminto rin, at nagtatakang nanonood sa eksena sa harapan.

Ang mga nasa unahan ay napalingon din pala sa direksyon nila.

"Matuto kang tapalan 'yang bibig mo, alipin, habang nakakapagpigil pa ako," sabi nito at lalo pang dininiinan ang paghawak sa baba niya. Hindi naman masakit. Pero naaasiwa lang siya sa lapit ng mukha at mga mata nito—pati na sa boses nito. Lalaking-lalaki. Hindi niya alam ano na namang naiisip niya. Baka dahil na naman sa sobrang init ng araw.

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon