[35] In Which They Find Themselves in the Eastern Capital

943 86 25
                                    

EPISODE 35:
In Which They Find Themselves in the Eastern Capital

Nang tumapak si Lotte sa madilim at tahimik na kalye, ay hindi naman niya inaasahan ang makikita. Akala niya, gaya ng mga bayan na nakita niya sa mga ibang nadaanang portal, ay diretso na ito sa mismong lungsod. Pero dito sa Northangia, natagpuan niya ang sarili sa outer district ng malaki at progresibong syudad.

Sa malayo, ay nakikita niya ang maliwanag na bayan, pati na ang isang palasyo na nasa ibabaw pa ng talampas. Napapalibutan ito ng di mabilang na mga kabahayan at gusali. Hindi ito kagaya sa kinaroroonan nila ngayon, kung saan may iilang bahay at barns lang ang meron.

Napansin naman niya na nakatayo pala sila sa isang mahaba at malapad na dirt road na palagay niya ay papunta na sa ibang lugar.

"Unang beses mo pa lang makapunta sa ibang lugar bukod sa Magoria, no?" sabi ni Muriel sa kanya.

Tumango lang siya, habang mangha pa ring nakatitig sa tanawin sa harap niya. Bago ang mismong bayan ay mayroon pang malawak na kakahuyan. Wala pa siyang gaanong maaninag, ngunit hula niya ay aabutin sila ng mahigit isang oras bago makarating doon sa mismong bayan.

Inakap ni Lotte ang sariling cloak nang umihip ang malamig na hangin. "Ang laki pala talaga ng Northangia. Parang mahalaga talaga ang lugar na ito, no?"

"Syempre naman. Ito lang naman kasi ang Eastern Capital ng Auvergnia," sabi nito na nagpatiuna sa paglalakad. Nilingon siya nito saglit. "Tara na. Malayu-layo pa ang lalakarin natin."

Habang naglalakad ay panay naman ang kwentuhan nila ni Muriel. Tama nga rin ang hinala niya na ang portal na pinanggalingan nila kanina ay isa palang lumang bahay na pag-aari rin ng mga Magoria. Ayon kay Muriel, normally ay pwede naman daw silang manatili roon para hintayin ang pagsapit ng umaga, pero baka mahuli sila ng ibang mga kapatid nito o mas malala, ay magkrus ulit ang landas nila at ng misteryosong taong naka-cloak.

Sandali namang tumigil si Muriel sa isang barn at pumasok doon. Paglabas nito ay may suot na itong cloak at dala ng bag. Tumaas naman ang isang kilay ni Lotte sa pagtataka.

"Nagtatago talaga ako ng mga gamit dito para sa mga ganitong pagkakataon. At dinamihan ko na mula noong nagkita kami ng taong 'yon," sabi nito. Dumukot naman ito ng sandwich sa bag at binigay sa kanya. Kinain naman nito ang isa. "'Wag mo ng tanggihan, marami pa ako niyan dito."

"Laging handa," puna naman niya at tinanggap ang tinapay. Hinanda na rin niya ang pastry na pangontra sa pagiging phantom niya. Isinuot niya ang locket ni Harry at hinabol si Muriel. In fairness naman dito, kahit malaking tao ito ay mabilis itong maglakad. Tumigil naman ito sandali para hintayin siya.

Panay ang sulyap niya sa kastilyo na nasa sentro ng Northangia. Para bang ito ang nagsisilbing ilaw na sinusundan nila sa dilim. Habang naglalakad ay napansin niya ang mga lamp posts sa mga punong nadadaanan nila, bagay na ipinagtaka niya.

"Siya nga pala. Wala naman sigurong kuryente rito sa lugar niyo, pero paano napapagana ang mga ilaw diyan?" sabi niya.

"Sa maniwala ka't sa hindi, magic ang nagpapagana sa mga 'yan," sabi ni Muriel. Gulat naman siyang napatingin dito. "Pero syempre, hindi alam ng mga tao 'yon."

"Paano?"

"Ang alam ko, may ginagamit silang paraan para i-convert ang magical energy na kinokolekta nila sa ere. Tapos 'yung mga naipong magic naman ang nagpapagana diyan," sabi ni Muriel. "May mga grupo ng tao sa loob ng World Sovereign na nag-aaral ng magic. Pero, hindi nila ginagawa 'yon para maging isang mage. Kung hindi, gumawa ng mga kasangkapan na pinapagana ng magic."

"Kagaya ng mga ilaw na 'yan?"

"Ganoon na nga. Isa rin 'yan sa mga rason bakit nila pinagbawal ang paggamit ng magic. Monopoly," sabi ni Muriel. Nilingon siya nito. "Oo nga pala, natanong mo na ba diyan sa kasama mo kung saan tayo mananatili sa Northangia?"

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon