[17] In Which Rivendyll Fires Lotte

1.3K 109 17
                                    

EPISODE 17:
In Which Rivendyll Fires Lotte

Namayani ang katahimikan sa buong main hall. Lahat ng mga mata ay nakapako sa bagong dating na lalaki. Sa gitna ng magulong main hall na puno ng wasak na mga kagamitan ay natigil ang magkakapatid sa pagrarambulan.

Putlang-putla ang mga ito na nakatitig sa lalaking nakatayo sa itaas ng grand staircase. Habang si Lotte naman ay dahan-dahang tumayo at umatras papunta sa pader na nasa second floor.

Humakbang naman ang lalaki at dahan-dahang bumaba ng hagdan.

Samantala halos hindi pa rin makagalaw ang magkakapatid.

"Tinatanong ko kayo. Bakit kayo nagkakagulo?" sabi ni Rivendyll. "Muriel. Tumayo ka na diyan. Naiipit mo si Lewis sa baba."

Kahit nahihirapan dahil sa katabaan nito ay pinilit na lumusot si Muriel, saka tumayo at umatras papalayo. Pero nanatili pa ring nakadagan si Nathan kay Gawaine. Sinasakal pa rin ng lalaki ang kapatid.

"Bitawan mo si Gawaine, Nathan," mariing utos ni Rivendyll. Pero nang hindi pa rin bumitaw si Nathan ay tinaliman ito ng tingin ni Rivendyll. "Nathan."

Kasama ng isang mapangutyang ngiti ay pinakawalan ito ni Nathan. Galit namang winaksi ni Gawaine ang kamay nito. Binalingan ni Rivendyll si Finnley.

"Finn," tawag nito.

Ngumiti naman si Finnley kay Rivendyll. "R-rivey? I-ikaw ba talaga 'yan?"

Hindi sumagot si Rivendyll kaya naman parang nasaktan si Finnley sa hindi nito pamamansin sa kanya. Napailing si Muriel dahil as usual hindi na naman nito nagets ang sinasabi ng iba. Tumikhim si Muriel hanggang sa napalingon si Finnley dito. Sinenyasan naman ito ni Muriel na bitawan nito si Nathan. Kunot-noo namang tumitig dito si Finnley ng ilang segundo bago napasinghap.

At nang sa wakas nakuha na ni Finnley ang ibig nitong sabihin ay ngumiti ulit ito. Tinanggal din nito ang mga braso mula sa leeg ni Nathan. Tinapik pa nito si Nathan, tinulungang tumayo at yumuko pa rito na parang humihingi ng dispensa. Mga paandar talaga nitong si Finnley, naiiling na sabi ni Lotte sa sarili. Saka excited na muling lumingon si Finnley kay Rivendyll at tatakbuhin na sana ito. Pero nang tumayo naman si Nathan ay iniharang nito ang paa kaya naman muntikan nang nadapa si Finnley.

Buong pagkaasar na sinulyapan ni Finnley si Nathan. Dinuro nito ang nakangising kapatid pero pinigilan ang sarili. Nakatingin pa rin si Rivendyll sa kanila kaya naman hinila na lang ito ni Muriel paatras.

"Heath. Uno," sabi naman ni Rivendyll sa dalawang binatilyo. Dahan-dahan namang binitawan ni Uno si Heath, pero marahas lang na binawi ni Heath ang sarili. Saka sinamaan ng tingin si Rivendyll.

"Punasan mo ang mukha mo, Hadrian," sabi rin nito sa bata saka dumukot ng panyo mula sa loob ng damit nito. Ibinigay nito iyon sa bata. "Kayong tatlo bumaba kayo diyan kung ayaw niyong mahulog."

Nagkukumahog naman na bumaba ang triplets at umayos ng tayo sa may gilid. Halata naman sa mukha ng mga ito ang pagkataranta. Lalo na ang isa sa kanila—na hula niya ay si C—dahil itinago nito sa likod ang putol na paa ng orc saka pinagulong papunta sa paa ni Muriel.

"Lewis," tawag naman ni Rivendyll sa isa pang kapatid.

Mula sa pagkakadapa nito sa sahig ay tumayo si Lewis. Pinulot nito ang basag na salamin at isinuot 'yon. Saka nito muling binalingan si Rivendyll.

Tiningnan ng maigi ni Lewis ang lalaki. "Ikaw—ba—talaga 'yan? Rivendyll?"

At sa unang pagkakataon ay ngumiti si Rivendyll. "Ako nga," sabi nito. "Anong nangyayari dito?"

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon