[20] In Which Rivendyll Brings Lotte to Town-And Made Her Do A Thing

1.4K 125 28
                                    

EPISODE 20:
In Which Rivendyll Brings Lotte to Town—And Made Her Do A Thing

"May mga importanteng pupuntahan lang ako at sasama ka," bulong nito sa kanya, saka siya marahang hinila palabas ng silid.

Umiling si Lotte. "P-pero marami pa po akong tatrabahuin dito! Isa pa, wala pong bantay ang mga bata."

"Duda ako diyan," sagot lang nito. At nang bumaba sila sa hagdan ay nakita ni Lotte ang isang higante, mataba, at fluffy na halimaw na kulay pink at puti. Napanganga naman si Lotte. Pero mas lalo siyang mabibigla nang makita ang isa sa mga triplets na nagpadulas sa likod nito—habang ang iba nama'y nakikipaglaro pa. "Sluggish, bantayan mo sila. Pero 'wag mong gagawin ang ginagawa nila, naiintindihan mo?"

Lumingon naman ang malaki pero cute na halimaw. "Grawwwh," sabi pa nito na para bang naiintindihan ang sinasabi ni Rivendyll. Humilata naman ito at hinayaan ang tatlong bata na tumalon-talon sa malaki nitong tiyan.

"Duda rin ako na kaya niyang supilin ang kakulitan ng tatlong 'yon," bulong naman niya habang hila pa rin siya ni Rivendyll pababa ng hagdan. Binawi naman niya ang kamay. "Pero 'yung iba pang mga trabaho ko dito—"

"Ang dami mong dinadahilan," sabi nito sa kanya. "Parte pa rin ng trabaho mo kapag may inutos kami sa'yo. Masyado sigurong maluwang si Lewis sa'yo no?"

"H-hindi naman sa ganoon, pero—"

Dumiretso sila sa pinto at isang naglalakad na hat and coat stand ang lumapit sa kanila. Kinuha ni Rivendyll ang itim na top hat na mayroon ding royal blue and gold designs at sinuot 'yon. Dinampot rin nito ang isang magandang puting sumbrero na may royal blue ribbon at gold-silver feathers. Binigay nito sa kanya 'yon kaya naman alangan niya itong sinuot. Hinila na rin nito ang coat na nakasampay doon. Nagmamadali namang isinuot ni Lotte ang magandang itim at asul na sandalyas sa ilalim ng stand. Saka tumabi ang engkantadong hat and coat stand.

"Roux!" sigaw nito at sa isang iglap lang ay lumitaw mula sa kanto ng mansyon ang mahiwagang carriage, hila-hila pa rin ang kawawang kabayo na si Cantrelle. Tumigil ito sa harap nila at buong galak na tumalon. Nginitian ito ni Rivendyll at tinapik ng marahan ang karwahe. "Kumusta ka na, Roux?"

Umatras naman ang karwahe sa hawak ni Rivendyll. Umusog pa itong lalo at sumiksik kay Lotte. Natawa naman si Rivendyll sa pinakita nito.

"Ayaw niya po ba sa'yo?" sabi ni Lotte.

"Hindi niya talaga gustong hawakan o utusan ng isang lalaki. Mas nakikinig siya kapag babae ang nang-uutos sa kanya," sagot nito at hinawakan ang pinto ng karwahe para buksan. "Kapag babae, ang bait-bait nitong kumag na'to, diba, Roux?"

Mas nagwala namang lalo ang karwahe kaya nabitawan ni Rivendyll ang pinto.

Napapalatak si Lotte na may kasamang bulong. "Huh. Typical na Magoria."

Lumingon naman sa kanya si Rivendyll sa kanya. "Bakit, ano bang impression mo sa amin? Mga babaero?"

Napalunok naman siya dahil narinig pala nito ang sinabi niya. "H-hindi naman po sa ganoon," pagsisinungaling niya. "Pero sino ba namang makakasisi sa kanya, eh ang dami ng pinagdaanang pang-aabuso ng karwaheng ito sa kamay niyong magkakapatid—hoy, ano ba!"

Hindi naman niya natapos ang sinasabi dahil hinawakan nito ang bewang niya saka siya binuhat at pinasampa sa karwahe. Marahan naman siya nitong tinulak papasok, saka ito sumunod. Napaatras naman siya at muntik nang natumba sa kabilang bahagi ng karwahe.

Napasinghap naman siya nang biglang umandar si Roux. Umupo naman si Rivendyll sa tabi niya.

"Kailangan mo ba talaga akong buhatin?!" inis na sabi niya rito na hindi na talaga sinamahan ng paggalang ang pananalita. "Kaya ko naman sigurong umakyat sa karwahe nang hindi mo ako binubuhat na parang bata."

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon