[22] In Which Lotte Discovers Her Eventual Fate as a Phantom

1.3K 124 20
                                    

EPISODE 22:
In Which Lotte Discovers Her Eventual Fate as a Phantom

Nahihirapan talagang maintindihan ni Lotte si Rivendyll. Hindi rin niya alam kung ayaw niya ba rito o nababaitan siya rito. Kasi, hindi gaya ng mga kapatid nito na mas madaling basahin, ito ay parang isang saradong aklat na maraming tinatagong lihim.

Mga isang buwan na rin mula nang dumating si Lotte roon at nasasanay na siya sa mga magkakapatid. Sa mga kalokohan nila, sa mga pinanggagawa, sa mga hilig. Pero halos ang lagi pa rin niyang kausap doon ay sina Uno at Hadi.

Napapansin nga lang ni Lotte na napapadalas yata ang pagkakahilo niya. Pero pilit niyang iniinda na lang 'yon. At sa halip ay itinuon na lang niya ang isip sa ibang bagay.

Gaya nang pagtutuklas kung saan dumadaan ang mga ito papunta sa mga lugar na pinupuntahan ng mga ito araw-araw.

Kahit curious siya kung saan 'yung Harlow Town na pinupuntahan daw lagi ni Lewis, ay hindi pa rin niya nalaman kung paano ito nagpapabalik-balik doon. Pati na rin kung nasaan talaga nagtatrabaho sina Finnley at Muriel. Tiningnan niya ang mapa ng mga karatig-lugar ng Magoria Estate. Wala talagang malapit na bayan dahil napapalibutan sila ng kabundukan sa isang bahagi, at karagatan naman sa isa pa.

May sinabi si Hadi dati tungkol sa isang portal. Pero kung nasaan man 'yon sa mansyon, ay di rin niya alam. Nahihirapan ring ipaliwanag ni Hadi ang tungkol doon at may sinabi pa itong "system" o ano.

Sinubukan niyang sundan ang mga ito kung umaalis ito. Kaya lang ay hindi talaga niya ito matyempuhan, or minsan naglalaho na lang ang mga ito bigla habang nagpapasikot-sikot sa mga corridors. Di nagtagal ay sumuko na rin siya.

Isang araw ay naglilinis siya sa salas. Makalat na naman ang paligid as usual, pero mabilis niya lang namang nagagawa 'yon. Kaya lang dahil nga hindi maganda ang pakiramdam niya ay umupo na muna siya sa sofa.

Napadungaw siya sa labas at nakita niya si Nathan. Naroon na naman ito sa balkonahe at abala sa pagpipinta. Nagtataka rin naman siya kung anong subject nito at lagi na lang itong nasa isang lugar, pero hangga't maaari kasi ay hindi siya lumalapit dito.

Mula yata noong bumalik si Rivendyll ay bumalik na rin ito sa dating gawi. Hindi na naman ito umiimik at nilalampasan lang lahat ng mga nakasalubong. Ngunit masaya na rin si Uno dahil bumabalik na ito sa pagpipinta nito. Tinitigan niya ito. Hindi talaga siya makapaniwala na ang tahimik na lalaking ito ay may tinatagong isang madilim na pagkatao.

Tumayo siya at nagpatuloy na lang sa paglilinis. Mula noong araw na nakita niya ang lihim na pagkatao nito ay iniiwasan na niya ito. Hindi rin naman siya pinapansin na nito pero mas mabuti na rin 'yon.

Pero kung si Lotte ang umiiwas kay Nathan, si Gawaine naman ang umiiwas sa kanya.

Kapag dumadating siya sa kwarto ay dali-daling umaalis si Gawaine na para bang may dala siyang bomba. Ni hindi nga siya tinitingnan nito. Pero naisip din niya agad na baka ito umiiwas sa kanya ay dahil nga sa pambablackmail niya rito.

Na mas lalo niyang ikinapagtaka. Ano ba talagang meron bakit ayaw nitong makita ng iba ang mukha nito? Kapag kumakain sila ay hindi ito sumasabay, at pumupunta lang sa kusina sa oras na masigurado nitong wala na siya roon.

Medyo nakunsensya tuloy siya.

Hihingi na lang sana siya ng pasensya dito at naisip na sabihan itong hinding-hindi na niya gagalawin ang piring (or bangs nito) mamaya.

Kaya lang, habang naglilinis siya sa sala ay may natapakan siyang isang bagay.

"Ano 'to?" kunot-noo niyang tanong at pinulot ang puting bagay na kasinlaki ng bola. Pero napasigaw siya sa nakita at tinapon 'yon sa sofa.

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon