[46] In Which They Encountered the Prince

490 76 14
                                    

EPISODE 46:
In Which They Encountered the Prince

Nagising si Lotte sa tunog ng bakal na pinupukpok. Kinusot-kusot niya ang mga mata at una niyang nakita ay ang nakatalikod na pigura ni Aelle. Abala ito sa pagkalikot ng kung ano roon.

Nagtataka man kung bakit nito pinupukpok ang pader, ay dinukot na muna niya ang cellphone para tingnan ang oras. Napasinghap siya nang makitang pasado alas sais na pala.

"Gising ka na pala?" sabi pa nito nang hindi humaharap sa kanya.

"Ang tagal kong natulog!" sabi ni Lotte.

"Oo nga eh. Ang himbing ng tulog mo, pagod ka talaga siguro," sabi pa nito. "Pero tingnan mo 'to. May nadiskubre ako."

"Ha? Ano 'yan?" aniya na lumapit dito. Gamit ang flashlight niya ay inilawan nito ang bahagi ng pader sa likod nito. Kumunot ang noo niya. "Mga libro?"

Sa dapat sanang pader na nasa likuran kanina ni Aelle ay mga di mabilang na libro na nakahanay pa na parang isang shelf. Napansin ni Lotte sa tabi ang pinto na nakatakip dito kanina. Kaya pala di nila napansin kanina dahil akala nila solidong pader lang ang pinto.

"Kanina kasi habang tulog ka, napansin ko na may susian pala sa pader na nasa likod ko. Naisip ko na baka ito na 'yung lagusan, pero pagbukas ko, itong mga libro ang nakita ko," sabi ni Aelle. "Sibukan ko lang gamitan ng alambre at—nabuksan naman."

"Whoa," aniya. Maang siyang napatingala sa itaas. "Kung ganoon, hindi itong bubong 'yung lagusan?"

"Mukhang hindi nga."

Pinukpok niya ulit ang bubong. "Kaya pala parang solido."

"Oo nga," sabi pa nito. Hinila-hila nito ang mga libro. "Tingin mo, pag kukunin natin ang mga 'to, makakapasok na tayo sa kwarto ng prinsipe?"

Lumapit pang lalo si Lotte. "Subukan natin."

Hinila nila ang isang manipis na libro doon. Nabigla naman siya nang makita ang isang engrandeng kwarto sa kabilang bahagi.

"Ito nga!" bulong niya rito. "Makakapasok na rin tayo sa wakas!"

Ngumiti sila pareho. Kumuha pa sila ng ilang libro at hindi nagtagal ay lumaki na rin ang lagusang pwede nilang daanan. Idinungaw naman ni Lotte ang ulo sa loob.

Tulad ng inaasahan nila ay naroon na nga sila sa kwarto ng prinsipe. Hula lang naman nila, sa laki at grandioso ba naman nito. Mayroon itong mesa, upuan, at iba pang mwebles na inardonohan ng ginto. Pati yata ang mga kama ay mayroon din. At sa bahagi kung nasaan sina Lotte, ay isang mini library kung saan may mga shelves na nakalagay.

Sumilip na rin si Aelle. "Wow. Tama ka, dapat pala dito ako nagnakaw at hindi sa kitchens."

Tinaliman naman niya ito ng tingin. Ngumiti lang si Aelle.

"Papasok na ba tayo—?"

Bago pa man natapos ni Lotte ang sasabihin ay biglang bumukas ang pinto. Agad nilang binalik ang mga libro para masarhan ang lagusan. Halos magwala naman ang puso ni Lotte sa kaba.

Ngunit hindi niya mapigilan ang sarili na magtaka kung sino ang pumasok ngayon lang. Ang prinsipe ba? O ibang tao?

Napansin ni Lotte ang isang manipis na libro doon, kaya dahan-dahan niya 'yong kinuha.

"Anong ginagawa mo?" paasik na bulong ni Aelle.

"Sssh," sagot lang niya. Kahit alam niyang delikado dahil pwede silang mahuli, ay ginawa pa rin niya. Mula sa isang manipis na siwang ng pinto ay sumilip siya.

Nakita niya ang tatlong knights na akay-akay ang isang lalaki. Inihiga ng mga ito ang lalaki sa kama. Base sa suot ng lalaki, hula niya na ito ang Crowned Prince ng Auvergnia.

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon