[68] In Which Lotte Learns About the Connection Between Finnley and Solitaire

598 60 62
                                    

EPISODE 68:
In Which Lotte Learns About the Connection Between Finnley and Solitaire

Nanatiling tahimik sina Lotte, Nathan, at Finnley sa loob ng ilang minuto. Hindi pa rin makapaniwala si Lotte sa narinig. Una, nasa panganib ang kaibigan niya. Ikalawa, isa ito sa nagmamay-ari ng mga bagay na hinahanap niya.

Sinong mag-aakala?

"Ang Temperance?" ani Lotte na halos pabulong na. Napatingin si Finnley sa kanya na parang nagtataka. Malamang ay hindi pa nito alam na siya ang bearer ng Arcane Seal at hinahanap niya ang iba pang sigils. Habang si Nathan ay sumulyap lang sa kanya.

"Oo. Hindi ko rin alam kung paano napunta kay Perrine 'yon. Lalo pa't—sa pagkakaalam ko ay hindi naman siya isang mage," sabi ni Finnley na hindi talaga maalis-alis ang pag-aalala sa mukha.

"Baka naman isa talaga siyang mage, at hindi niyo lang alam," sabi ni Nathan. Tumingin si Lotte rito, pero nagkibit-balikat lang si Finnley. "Gaano niyo ba kakilala ang taong ito? Charlotte?"

Tinotoo nga nito na ititigil na nito ang pagtatawag ng master sa kanya. Kahit na 'yon naman talaga ang gusto niya, ay parang nanibago pa rin siya roon sa kung anong dahilan.

"Nakilala ko siya doon sa palengke. N-noong araw na dumating ako sa Magoria," sabi ni Lotte. "Pagkatapos, pumunta siya sa mansyon kasi may utang pala sina Finnley sa kanya. Tapos noon, naging magkaibigan na kami at nagpapalitan na kami ng sulat. Bakit? Tingin mo ba may kahina-hinala sa kanya?"

"Hindi ko alam. Hindi ko naman siya kilala, eh," sabi ni Nathan. Tumango lang si Lotte at yumuko. "At tungkol doon sa tanong mo kung bakit hindi na kita tinatawag na master, para na rin 'yon sa kapakanan mo."

Napatingin si Lotte rito na parang nagulat. Nakalimutan niya na nababasa nga pala nito ang isip niya. Alangan siyang ngumiti.

"M-mas mabuti nga 'yon," sabi na lang niya. "Nagtataka lang naman ako kung bakit eh! Tsaka, 'wag ka ngang basta-basta nagbabasa ng isipan ng iba! Invasion of privacy ka, ha?!"

"Tch. Ngayon ka pa nagrereklamo, eh ang dami ko nang alam tungkol sa'yo. Mga hilig mo, mga gusto mong gawin," sabi nito na may misteryosong ngiti. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Lahat."

"Nathan!" Natawa lang ito saka naglakad at humiga sa kama. Napansin naman ni Lotte na may nakatitig sa kanya, kaya naman lumingon siya sa likuran. At naroon nga si Finnley na nakatingin ng mataman sa kanya. With matching kamay pa sa ilalim ng baba. "Pati ba naman ikaw, Finnley? 'Wag mong sabihing pati ikaw binabasa mo ang isip ko?"

Bumuga ito ng hangin. "Sa kasamaang palad, ma cherie, hindi ko magagawa 'yon. Ang alam ko lang ay basic defense mode para di mabasa ang iniisip ko ng mga kagaya ni Nathan. At mind reading? Special talent niya 'yan."

Ngumuso ito kay Nathan. Kumakain na naman ang isa ng grapes habang nakahiga. Hindi man lang nito sinuot ulit ang damit. Kita niya ang abs nito at ang intricate na tattoo na sa baba ng tiyan nito. Konti na lang talaga at may makikita na siyang iba. Kita na nga niya ang Adonis's Belt nito, ang V-shaped muscle papunta roon.

Inis na napapalatak si Lotte. Gusto niya itong utusang magdamit, pero baka tuksuhin lang ulit siya nito.

Ngunit, nakita niyang natawa ito sa sarili, saka nagnakaw ng sulyap sa kanya.

Oo nga pala, nakakabasa ito ng isip at alam nito ang pagkaasiwa niya. Nanginit tuloy ang mukha niya. Pero hindi niya alam kung dahil ba sa pagkapahiya na nahuli siya nito na nakatingin siya sa parteng 'yon, o dahil baka kung anong iniisip nito.

Umiling na lang siya at binalingan si Finnley. Saka niya naalala, na pati rin pala ito ay hindi pa nagdadamit. Ngayon ay tahimik na itong umiinom ng wine sa kopita, habang nakasandal sa sofa.

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon