[16] In Which the Master of the House Arrives

1.3K 113 15
                                    

EPISODE 16:
In Which the Master of the House Arrives

Napabuga naman ng hangin si Lotte. Napaalis na rin nila ito. At mukhang bumalik na sa dati ang lahat.

Pagod na napaupo si Uno sa sahig, habang nasa tabi nito si Lewis na walang malay. Samantalang nilapitan naman ni Muriel sa Finnley para gisingin. Habang si Lotte, ay nakalutang pa rin sa ere, at hindi makababa.

Tumingala ang mga lalaki sa kanya.

"Hindi niya ako naibaba rito," sabi niya, na nasa tabi pa rin ng chandelier. "Tulungan niyo ako."

Inunat-unat niya ang sarili pero hindi siya tuminag sa kinalalagyan niya. Kabado niyang nginitian ang magkakapatid na parang nakikiusap. Nagkatinginan naman ang mga ito.

Una namang naglakad si Nathan papunta sa direksyon ng isa sa mga natumbang sofa. "Tulungan niyo raw siya," walang gana nitong sabi. Inayos nito ang sofa at umupo roon.

"Hindi ko alam, pero baka si Hadi may alam siya," sabi ni Uno. Nilapitan nito ang walang malay na si Lewis at sinubukan itong gisingin. "Kuya Lewis!"

Bumuntong-hininga si Lotte. Saka binalingan ang iba pang magkakapatid.

"W-wala rin akong alam sa levitation magic. Creation magic lang ang alam ko, pasensya na," sabi naman ni Muriel. Alanganin naman itong ngumiti sa kanya na parang nahihiya.

Si Finnley na nagising na rin ay dahan-dahang tumayo at napanganga nang makita siya. Lumapit ito sa kinaroroonan niya.

Kumilos na rin si Gawaine. Tinanggal nito ang piring sa mata at inayos ang mahabang bangs para tumakip na naman sa buong mukha nito. "Di bale dadalhan ka na lang namin ng pagkain diyan sa itaas," sabi nito sa kanya.

"Hoy!" sigaw naman ni Lotte. Pinatid-patid niya ang paa para makaalis pero hindi talaga siya makausad sa kinalalagyan niya. "Finnley?"

"Titingnan ko anong magagawa ko," sabi ni Finnley. Nagsimula namang matuwa si Lotte pero nawala lang 'yon dahil umikot si Finnely sa likuran at itinaas ang leeg. Saka naman niya naalala na nakaskirt nga pala siya.

Ngumisi pa ito ng malapad.

"FINNLEY!" sigaw ni Lotte rito.

"Isang manipis na protective shield lang pala ang suot mo," seryosong sabi nito na nakalagay pa ang kamay sa ilalim ng baba. "Mahirap 'to. Baka abutin pa ng ilang oras bago ka makababa diyan."

Narinig naman niyang tumawa si Nathan. Inis niya itong binalingan. Ang hayop na 'to nakisali pa!

Namula si Lotte sa inis. "Mga walanghiya kayo! Mga manyak!"

"Dapat naisip mo 'yan noong napagdesisyunan mong tumira kasama ang mga lalaki rito," sabi naman ni Gawaine. Kinuha nito ang pinakamalapit na bagay at binato si Finnley sa ulo. "Wala ring protective shield ang utak ng taong ito kaya tumatagas ang laman."

"Aray!" sabi ni Finnley at binalingan si Gawaine. "Wala akong ginagawang masama! Nag-iisip nga ako ng paraan para makababa si Lotte dito eh!"

"Kasama ba sa pagtulong sa kanya ang paninilip ng floral underwear niya?" sabi naman ni Gawaine.

Natigilan naman silang lahat sa sinabi nito. Natahimik. Lalo na si Lotte na para nang kamatis sa sobrang pula.

"Paano mo nalamang floral ang—?" sabi ni Lotte. Tumikhim naman si Gawaine, at inilayo ang tingin. Humagalpak sa tawa si Finnley. "Ikaw! Wala talagang mapagpipilian sa inyo!"

"Oo nga. At nalaman mo talaga iyon sa kabila ng makapal mong bangs," sabi ni Muriel. Pasimple naman itong naglalakad papunta sa kinatatayuan ni Finnley.

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon