[24] In Which Lotte Discovers Her Own Arcane Seal

1.5K 142 90
                                    

EPISODE 24:
In Which Lotte Discovers Her Own Arcane Seal

Hindi naman agad makapagsalita si Lotte. "Z-zeroth Seal?" ulit niya. Tumango lang ito. "Itong—marka sa palad ko? May Arcane Seal ako? Ako?"

Tinuro niya pa ang sarili na natatawa.

"Oo. Zeroth Seal ang tawag nila diyan. Ito naman ang sa akin," sabi nito. Itinaas naman ni Hadi ang isang kamay. Maya-maya pa'y nagliwanag iyon at may lumabas na marka sa likod ng palad nito: isang nagliliwanag na tattoong hugis susi. Napatitig siya roon nang matagal-tagal, at nang ibinaba ulit nito ang kamay ay naglaho ang liwanag maging ang marka sa balat nito.

Noong una ay hindi naniwala si Lotte. Pero nang itinaas niya ang kamay. Muling nagliwanag ang marka sa kamay niya tulad noong araw na dumating si Levine.

Totoo nga, sabi niya sa isip.

"Eh? Pero hindi naman ako mage ah? Paano nangyari 'to?"

"Dahil ikaw ang pinili ng Arcane Seal na 'yan."

"Bakit ako?"

"Nakakatawa po siguro 'to pakinggan, pero siguro may rason kung bakit sa'yo kumapit ang Zeroth Seal. Napakabihira lang po kasi na magpakita ang seal na 'yan. Iilang tao lang sa kasaysayan ang alam ko na nakahawak nito."

"Ano bang meron sa Arcane Seal na ito?"

"Hindi ko rin alam anong kapangyarihan, pero siguro malakas talaga kasi 'yan ang seal na pinakakailangan ni Ate Levine. Kaya hinahanap niya si Kuya Rivendyll noong araw na 'yon ay dahil akala niya na hawak ni Kuya ang Zeroth Seal. Pero imposibleng mangyari 'yon kasi hindi pwedeng magkaroon ng dalawang Arcane Seals ang isang tao."

"Paano at kailan ko kaya nakuha ito? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nasa akin ito kung ordinaryong tao lang naman ako."

"Kaya nga po. Kahit nga si Ate Levine ay hindi rin makapaniwala na nasa iyo ang Arcane Seal na iyan. Usually kasi, sa mga mages lang kumakapit ang Arcane Seals," sabi ni Hadi. "Wala po ba kayong maalala na kakaibang bagay na nangyari sa inyo?"

Umiling si Lotte. Saka niya naalala. "Teka—maaari kayang—'yung matanda sa train station ang nagbigay sa akin nito?"

"Tingin niyo po ba isa siyang mage?"

"Parang," sabi ni Lotte. "Syempre kasi alam niya ang mundong ito. Ang sabi niya sa akin noong nagkita kami, siya sana ang gagamit ng train ticket pero tingin niya mas kakailanganin ko raw iyon kaya binigay niya. Pero kung galing siya dito, paano siya nakatawid doon? May ability din ba siya na tumawid ng dimensions gaya ng ate mo? O—gaya ko—nagkamali lang din siya ng punta?"

"Hindi po yata posible na pareho sila ng ability ni Ate Levine, kasi sa pagkakaalam ko siya pa lang ang pinanganak na may ganoong kakayahan sa loob ng ilang daang taon," sabi ni Hadi. "Pero posible na napunta lang din siya roon sa kung anong paraan. O baka, isa siya sa mga—gaya nila—"

"'Nila'?"

"Diba sabi niyo dati noong sumakay po kayo papunta rito, 'yung mga nakasama niyo sa tren ay mga taong nakasuot ng cloaks at sumbrero? Tapos nakita niyo na ang isa pala sa kanila ay taong-daga?" tanong ni Hadi. "Maaaring isa siya sa mga taong nabibilang sa organisasyong iyon—mga nilalang na nakakatawid sa mga dimensyon kapalit ng katauhan nila. 'Yung nakita niyong taong-daga, siguro ilang beses na siyang tumatawid sa mga dimensyon gamit ang tren na iyon. Kaya siya nagkaganoon."

Maang namang siyang napatingin dito. "So may klase pala ng spell na nagbibigay kakayahan sa isang mage na tumawid ng dimensyon? Tapos ginagawa nila 'yon?"

Dumilim ang mukha ng bata. "Meron. Pero sabi ko nga po, kapag ginawa nila 'yon, mabigat ang magiging kapalit niyon."

Tumango siya. "Ngayong nasabi mo 'yan naalala ko 'yung matandang nakilala ko sa train station ay medyo—mukhang daga. Maliit 'yung mukha niya at mabuhok rin 'yung mga kamay niya. Hindi kaya nagkaganoon siya dahil doon?"

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon