[37] In Which They Enter Solomon's Labyrinth

877 92 39
                                    

EPISODE 37:
In Which They Enter Solomon's Labyrinth

Nang sumapit ang gabi ay doon na sila naghapunan sa balkonahe ng silid na inuukupa nila. Nagpahatid na lang din sila ng pagkain. At dahil napansin na rin ng manager na pamilyar ang batang dinala nila pabalik ay pinaliwanag na rin nila rito ang nangyari—or at least, ang iba lang.

"Naiwala kasi namin siya noong isang linggo. Hindi naman namin alam na napadpad pala talaga siya sa Northangia dahil—gusto niyang puntahan ang tatay niya," sabi na lang ni Lotte. Ayaw niyang magsinungaling dito dahil bagama't may kaunting kasungitan ito ay naging mabait naman ito sa kanila. Bumuntong-hininga lang ang manager at tumango. "Babayaran na lang namin lahat 'yung mga pinagkukuha niya."

Si Rivendyll naman na nakaupo lang sa isang tabi ay tinaliman ng tingin ang manager saka inunat pa ang bibig gamit ang mga daliri nito. Inis naman itong tinapunan ng tingin ng manager. At nang makita 'yon ni Lotte ay sinita niya ito.

Kasing-ugali na talaga nito ngayon ang mga triplets. Sana naman hindi ito mas malala sa kanila. Napailing si Lotte saka muling bumaling sa manager.

"'Wag niyo na pong isipin 'yon dahil—uhm, isa rin po pala siya sa mga kaibigan ni Lady Harriet, kaya kahit ayaw ko man obligado ako na kalimutan na lang lahat ng 'yon." Pinilit naman ito ni Lotte na babayaran na lang nila ang mga ninakaw nitong pagkain pati na ang mga meron sila ngayon. Subalit tumanggi pa rin ang manager. "'Wag na po. Talaga. Kagagalitan ako ng aking mga ninuno kapag nalaman nila na nagpabayad ako ng isang kusing mula sa inyo."

"Sigurado ka?" nag-aalangang tanong ni Lotte. Pilit namang ngumiti ang manager. "Ah, sige ganito na lang. Wala ho ba kayong ibang bagay na pwedeng gawin namin o kahit ano para man lang po makabawi kami sa panggugulo nitong a-anak ko?"

Iiling na sana ang manager pero natigilan ito. "Teka lang, tingin ko meron. Babalik ako sandali."

Nang bumalik naman ito ay may dala na itong isang bag. Sa itsura nito ay para pa itong natatakot na hawakan o dalhin 'yon. Dahan-dahan naman nito 'yong binigay sa kanya.

"Ano po ito?" usisa niya.

"Nabili ko kasi 'yang magandang bag na 'yan kaya lang—pinamamahayan ata ng kung anong—" Tumikhim ito saka lumapit sa kanya at bumulong. "Magical creature sa loob. Alam niyo naman po siguro kung paano sila paalisin, diba?"

Alangan namang ngumiti si Lotte. Hindi niya talaga alam paano, syempre, pero sa lagay na 'yon, baka 'yon lang din talaga ang magagawa niya para rito. Kaya tinanggap na lang niya ang bag.

Nang pumasok na ulit siya sa loob ay nagulat pa siya nang marahas itong gumalaw kaya muntikan na niya itong nabitawan.

Lumabas naman si Muriel mula sa kwarto nito na bagong paligo. Naka-bathrobe pa ito at nakatsinelas. Kinagat naman ni Lotte ang labi para hindi matawa.

Subalit ngumiti lang ito.

"Ang hot ko ba tingnan ngayon, Charlito?" sabi nito at nag-pose pa. Lalo namang natawa si Lotte, kaya nawala ang ngiti nito. "Nakakainsulto 'yang tawa mo ha. Ano bang laman niyang dala mo?"

Padabog naman nitong kinuha ang bag mula sa kanya saka nilapag sa sofa. Tumawa pa ng kaunti si Lotte. Subalit nang bumaling ito sa kanya na halata ang inis sa mukha ay tumikhim siya at sinabi rito ang naging usapan nila ng manager.

"May leprechaun ata na naninirahan dito. Ako nang bahala rito," sabi ni Muriel na inuusisa ang bag. Muli namang bumalik ang ngiti nito. Tinaas pa nito ang mga kilay. "Basta ba aminin mo na—"

"Hot ka?" biro niya pabalik dito. "Oo na. Kasing-hot mo 'yung kinakain ni Rivendyll doon o."

Pareho naman silang lumingon kay Rivendyll na nakaupo sa mesa at enjoy pa habang kinakain ang karneng sinawasaw pa nito sa gravy.

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon