Bilin ng Kahapon

78 1 0
                                    


Buhay nga naman ay ganyan,

'Di mo pansin kahit di maintindihan,

Susubukan,

Pupuntahan,

Lalabanan,

Ang delubyong tatanaw sa araw ng iyong kinabukasan,
Bibilangin muna ang sandali,
Sa labing nakangiti,
Kung dapat ba sa bawat sandali,
Mahinuha na ang aking pinili,

Sitwasyong matino,
Ako'y lito,
Sa sitwasyong magulo,
Ako'y nasa punto,
Pansin sa mata,
Ang lungkot ng mukha,

Lambingin ang nais,
Dapat magtiis,
Dapat mabilis,

'Wag papatalo,
Sa mundong kay gulo,
Hindi ka bigo,
Kung ikaw ay magbabago,

Simulan ang kailangan,
Para sa tamang pupuntahan,
Ng pangakong wala ng kailanmang kabiguan,
Pumili ng kinabukasan,
Na tila wala ng hangganan.

IWhere stories live. Discover now