Season 1 - Prologue

20K 549 62
                                    

"Fuck!!!!! Aaaaarrrrrggghhhhhh

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Fuck!!!!! Aaaaarrrrrggghhhhhh.... tang-ina, tama na!!!!!!!" alingawngaw ng isang nagmamakaawang lalaki ang bumasag sa katahimikan ng gabing ito dito sa bakanteng loteng kinaroroonan ko ngayon. Madilim, natatakpan ang buwan sa kalangitan at tanging mga huni lamang ng mga kuliglig ang iyong maririnig....ngunit ang pagsigaw ng isang lalaki sa hindi kalayuan ang nagpatindig ng aking balahibo.


Inikot-ikot ko 'tong hawak kong flashlight sa buong paligid, wala namang akong nakita at ako lang talaga ang mag-isa rito.


Hindi ko alam kung multo ba 'yong narinig ko o sigaw talaga ng isang lalaki? Bigla rin kasing bumalik sa katahimikan ang gabi.


Napakamot ako sa aking ulo sabay buntong hininga, "dito ba talaga nawala ni John Lloyd ang susi ng kanyang apartment?" at nagpatuloy akong suyurin itong bakanteng lote na siyang katapat ng isang luma at abandonadong factory. Hindi ko kasi alam kung bakit sa dinami-dami ng lugar ay dito pa talaga nalaglag ng gagong iyon ang kanyang susi, o sinadya lang niya akong papuntahin dito???


Nagtext si John Lloyd, "DJ nahanap ko na ang susi, narito lang pala sa secret pocket ng bag ko, bumalik ka na rito sa resort."


Kung hindi lang ako natalo sa pustahan namin kanina ay hindi ako pupunta sa lugar na ito, haist! Makabalik na nga.


"Fuck.....fuck, aaaaaaaaarrrrggghhh! FUCK!!!!!!!" daing at pagmumura ng isang lalaki, ngayon ay mas malakas na ang alingawngaw na naririnig ko nang mapalapit ako sa abandonadong factory habang naglalakad pabalik ng resort.


Ano 'yon?????


Napalunok ako at bigla akong nakaramdam ng matinding kaba. Nang tapatan ko ang gawing kanan ko ay napansin ko ang kalawanging gate.


"Mang Pepe's all around sarsa!" pagkabasa ko sa luma at kinakalawang na signage ng factory.


Naglakad ako papasok ng gate. Na-curious ako sa narinig ko, ang akala ko kanina ay multo na 'yong boses ng lalaking sumisigaw.


Kaagad kong napansin ang apoy sa hindi kalayuan, may bonfire at napapalibutan ito ng limang naka-topless na lalaki, namay build at athletic ang katawan, sa tingin ko mga kasing edad ko lamang ang mga ito na nasa 18-22 years old. Pinatay ko ang hawak kong flashlight at nagtago sa may gilid nang hindi ako mapansin ng mga ito. Kita ko ang mga mamahalin nilang mga motorbike na nakapark sa loob, at ang mga damit nilang mga branded gaya ng Armani, Gucci, Lacoste at kung ano-ano pa.

The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now