Chapter 70

8K 321 267
                                    

Shane's POV

Sa isip ko na lang muna ang assumptions ko baka sabihan pa ako ng High Five na makati ang dila, tikom bibig muna ako. Nakakaloka kung manggagaling pa sa bibig ko kung sino ang totoong Papa ni Zach, mananahimik na lang ako at ayaw kong mag-tag as "chismoso ng taon."

Napatingin ako sa labas ng bintana nitong kotse...... pinagmasdan ko ang mga gusali at sasakyan sa labas habang naiisip ko na naman ang kalagayan ng kaibigan kong si DJ. Haaaay, kamusta na kaya ang frenny ko? For sure.... hinimatay talaga iyon kanina ng dahil sa doktorang lumapit sa kanya. Alam kong nag-trigger na naman ang naging trauma ni DJ noong bata nang dahil na rin sa ginawa nila kanina sa kanya sa MOA arena. Walang-hiya ang mga 'yon! Dadalawin din sila ni Karma! Hindi ko nga maisip na mga taga ibang team ang gagawa nito sa Ateneo dahil hindi naman mga college students ang nambato sa kanila?? Parang sinadya upang magmukhang masama ang kalaban?? Hmmm...

Pero grabe rin si frenny.... dala-dalawang star player ng Blue Eagles ang kasama niya, si Warren Lee and Thirdy! Winner na talaga ang friendship ko. Haaaay.... andami nang nangyayari, naguguluhan at napapaisip na rin ako! Mukhang may pumupuntirya talaga sa kaibigan ko, and I smell something fishy! Nakita ko kasi ang isa sa mga High Five na nagpunta sa school yesterday, and that was Simon Tan, alam kong siya iyon kahit naka-disguise..... pero hindi naman siguro 'yong kakambal niya na si Solomon? Basta si Sim iyon! And then few hours later ay biglang nariyan na ang mga pulis sa school at pinagbibintangan na si coach Fred. Hindi ko ito paghihinalaan kung hindi si Simon Tan at ang grupo nito ang nakabangga at nakalaban ni DJ sa Antipolo 3 weeks ago...... Hindi kaya binabalikan siya nito??? Hmmmmm, masama na talaga ang kutob ko! Hindi ko na talaga kayang pigilan pa, kakausapin ko na si DJ, at dapat kahapon ko pa sana ito sinabi!

Ilang sandali lang ay bumubungad na ang mga establisyementong katabi ng De Loyola Medical Center, at napansin ko ang kaibigan kong si John Lloyd sa harap na masyado paring starstrucked dahil sa katabi niya at pinagmamaneho kami ng isang sikat na artista at athlete na si Jerrold Teng. Halatang hindi niya maalis ang tingin nito sa kanya.

"Kuya Jerrold na-release na pala sa Youtube via Wish 107.5 ang cover mo ng Love Someone by Lukas Graham," si John Lloyd sa tabi niya habang naka-browse ito sa kanyang smartphone.

"Akala ko bukas pa maa-upload ito ng Wish sa Youtube channel nila...." turan ni idol at napatingin ito sa paligid para makahanap ng lugar kung saan kami magpa-park. "Guys, punta pala kayo bukas sa Araneta Coliseum, may benefit concert kami...." Bago pa lang niya sabihin ay nakabili na si John Lloyd ng tatlong ticket kahapon pa.

"May tickets na kami....." nakangiting saad ni John Lloyd.

"Uhmmm, upgrade natin ang tickets niyo ng VIP para sa harap kayo bukas!" nanlaki ang mata naming dalawa ni JL sa tuwa.

"Uhmmm, Warren Lee will be a part of the concert, right?" natanong ko kasi nang magpurchase kami ng ticket ni JL yesterday nabanggit ng mga kasabayan namin na may High Five-leader na kasama sa charity concert.

"Yeah, but actually dalawa sila ni Menard....." sagot ni idol, napalingon naman ako sa tabi ko dahil biglang tinakpan ni kuya Paris ang bibig ng bata...... "Ah may sipon siya........" ani bigla ni kuya Paris, nagsalubong tuloy ang kilay ko sa kanya.

Kasama pala si Menard, hindi man lang niya nabanggit sa akin. Anyway, huwag na akong mag-isip ng kung ano tungkol sa aming dalawa dahil secret lang ang friendship namin...... at kanina nga hindi man lang niya ako pinansin.

Pagbaba namin ng sasakyan, nagulat kami nang biglang pumara ng taxi itong si kuya Paris. "Uuwi na kayo??" natanong ni idol Jerrold sa kanya.

"Oo maalala kong maselan pala itong bata, hindi siya pwedeng dinadala sa mga hospital.... Sige mauna na kami....." napayuko siya kay Zach.... "We need to go home, bawal ka pala sa hospital...." At biglang nalungkot ang bata. "I want to see Tito DJ, I hope he is okay......"

The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now