Chapter 50

4.6K 190 6
                                    

Warren Lee's POV

"Sabihin mo sa akin, ba't ibang tao ang kailangang magdusa sa ginawa niyo kay DJ at sa kapatid niya???" naitulak ko si Sim sa pinto ng sasakyan niya sa galit ko bilang kaibigan niya sa paggawa ng hindi tama.

"Mas mabilis ka pa sa mga agent natin???"

"Kilala ko ang ang pulis na nagdala sa mga inutusan niyo!"

"Pero iba na ang statement, at na-settle na ang lahat!"

"Ibang klase ka talaga Sim....." napasinghap na lang ako sa inis.

"Hindi mo ugali ito Lee, dati, kahit alam mong mali namin ay kukunsintihin mo kami, hindi ka na makikialam o kaya pagsasabihan mo lang kami. Pero itong kay Damo Dela Cruz Jr., napaka-big deal sayo, kamuntikan mo na akong ilaglag sa harapan ng kaibigan natin. At anong gusto mo, magkasira kami ni Thirdy???"

"You are into Thirdy, I knew it!"

"So what??? Alam niya, and we are still brothers!" tinignan niya ako ng diretso, "Lee I'm just protecting Thirdy, our friendship and his image......at hindi ko hahayaang mahulog siya sa isang taga squatter lamang!" I look straight into his eyes........ "Alam mo ang lahat, noong Miyerkules, nasa locker room ka rin ng Blue Eagle Gym, sa isang cubicle, at narinig mo ang lahat, you even said that I am a liar nang ikwento ko kunwari ang nangyari doon kina Menard at Sol at baliktarin ko sa kanila ang totoo....."

"Yes, and I remain silent..."

Hindi alam ni Thirdy na nasa isang cubicle ako that time, akala niya lumabas na ang lahat pagpasok ni DJ. "Ngayon, hindi ko alam kung anong gayuma ang ginawa ng DJ na 'yan sa kaibigan natin, Thirdy is falling for him!" nahawakan niya ako sa magkabilang balikat, I can feel his anger and I can see jealousy in his eyes.... "Regardless kung may pagtingin ako sa kanya........ He is my friend at ayaw kong masira ang buhay niya nang dahil sa isang malanding baklang nagbebenta ng basura!"

"Watch your words Sim, hindi malanding baklang nagbebenta ng basura si DJ, you already judged him and his sexuality, nakita mo naman ang ginawa ni Thirdy, he kissed him! Disenteng tao si DJ, sa totoo lang, ayaw niya ng gulo, at mabuting tao ito!"

"Kung maipagtanggol mo ang squatter na 'yon ay parang siya ang kaibigan mo, huh!" nangingilid na ang kanyang mga luha.... "Ang ayaw ko lang mangyari ay ang maulit kay Thirdy ang nangyari kay kuya Gino.......... gusto mo rin bang itakwil din siya ng sarili niyang ina???? Wake up Lee, help me to protect our friend, and I'm doing it kahit ikagalit man ito ni Thirdy o kamuhian niya ako......." and he burst into tears.

He is trying to get rid of someone na siya rin ang gumawa ng paraan kung bakit napasok ito sa varsity ng university, "so ano ang balak mo kay DJ?"

"Ang mawala siya!"

"And now you are thinking of murdering someone???"

"No! Ang gusto ko lang ay umalis na siya dito sa university at tuluyan nang maglaho sa mundo natin! "Worst comes to worst Lee, maaaring makialam ang great grandfather ni Thirdy na si Virgilio Sy! Pero hindi malabong may masamang mangyari sa Damo Dela Cruz Jr. na iyan, maaari siyang gamitin nito laban kay Thirdy at kay Auntie Thetis!"

Napailing ako sa kanya kasunod ng pagbuga ko ng hangin.... "At ngayon idadamay mo pa ang lolo ni Thirdy? Sagutin mo na lang ako, hindi ba ikaw ang gumawa ng paraan para ipasok siya sa Taekwondo team?"

"Yes, pero ikaw naman ang may idea nito Lee! Sa totoo lang hindi ko alam na hahantong sa ganito ang lahat??!!"

"And who's that guy???" naituro ko ang lalaki sa loob ng sasakyan niya nang mapansin ko ito, mukhang pamilyar siya sa akin, and I think it's DJ's friend.

"Ibang klase ka rin Sim, pati kaibigan ni DJ, kakuntsaba mo na rin??? Sabihin mo, after this, anong binabalak niyong masama kay DJ???" nakwelyohan ko siya.

Napalingon siya sa loob ng sasakyan at saka napangisi pabalik sa akin, "bitawan mo ako Lee!"

"Ba't nadamay ang coach ni DJ???" pinanlakihan ko siya ng mata.

"I have no choice, kaysa malaman ni Thirdy ang ginawa ko!" pinanlakihan din niya ako ng mata.

"Malalaman niya!"

"So talagang sasabihin mo sa kanya???" naiduro niya ako't naitulak ng kanyang hintuturo sa dibdib.

"Para matigil ka na........ nagiging masyado ka nang bayolente. Alam mong hindi na kagaya ng dati si Thirdy, and what you have done in Antipolo a month ago is a crime! Nadamay na kami, lalo na si Thirdy........ so sino ngayon ang gumagawa ng ikinapapahamak ng grupo?????? Ikaw Sim!"

"Go on tell him! And I will tell to Damo Dela Cruz Jr. your dirty little secret!" nanlaki ang mga mata ko, at napaatras ako sa sinabi niya.

"W-what d-do you mean?" bumulusok ang kaba sa dibdib ko. Napahinga ako ng malalim.

"You know what I mean!" tinapik niya ako sa aking balikat.... "You know na makikipagpatayan ako para sa aking mga kaibigan, gagawin ko ang lahat para maprotektahan ang High Five, kasama ka na doon........" napalunok ako, fuck, alam niya ang nangyari sa akin 3 months ago???

"Lee, hindi mo alam ang ginawa ko para sayo, at hindi ko na ito kinailangang sabihin pa because I know you, and you don't want to talk about it...... but this time I need you to know what I have done for you! You owe your freedom to me, you owe everything to me, kung hindi dahil sa akin, pwede kang ma------" napapikit ako ng matiim. "Stop Sim, please!" napayuko ako.

Ayoko nang balikan pa 'yon, I'm trying to move on.... "You know what, I'm not mad of you Lee, you are my friend, para na kitang kapatid....... Please, don't ruin our friendship because of that Damo Dela Cruz Jr., okay?"

Napahinga ako ng malalim, pinipigilan ko ang pagusbong ng matinding emosyon ko, at ng mga luha ko..... "Balikan mo na si kuya Jerrold, he is more worthy than that......." Hindi naging kami ni Jerrold, ngunit ang pati sa amin, alam niya??? At iyong nangyari 3 months ago, siya ang tumulong sa amin?? Pinagisipan pa niya ako ng kung ano ng dahil sa nangyaring iyon??

"Kuya Jerrold is more worthy than your dirty little secret! Ayusin mo rin iyang sarili mo!"

Napayuko ako't napailing, aaarrgghh! "Stop, pumasok ka na sa sasakyan mo, iwan mo na ako dito........."

At pag-alis nila Sim papunta ng study hall ay halos masipa ko na ang basurahan sa tabi ko! "Aaaaaaaaaaarrrrrgggggggggggghhhhhhhhhh!!!!"

Nag-vibrate ang phone ko, at siya pa talaga ang nagtext, kahit hindi naka-save ang number niya sa akin, I know it's him.....nanginig ang mga kamay kong binuksan ang mensahe niya, whew! "Warren, dinala ng mga pulis si coach Fred, bakit?"

nanginig ang mga kamay kong binuksan ang mensahe niya, whew! "Warren, dinala ng mga pulis si coach Fred, bakit?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now