Chapter 19

5K 201 7
                                    

Damo's POV

Hindi nagdalawang isip si Lee na hubarin ang kanyang damit para sa akin, hindi pa naman kami malapit sa isa't isa para pagmalasakitan niya ako ng ganito. Hindi ako makapagsalita, iniisip ko.......kung ipinadala ba ni Papa God si Lee sa akin para pagaanin ang loob ko?? Kung oo, salamat po Papa God.

Naglakad si Lee na topless papalabas ng pintong malapit dito sa altar. Hindi naman kalayuan ang kulay puti nitong sasakyang nakapark sa labas, at nakita kong sumakay na siya at umalis.

Hinubad ko ang marumi kong damit, at saka isinuot ang puting damit ni Lee. Mabango ito, at nakakagaan ng loob ang amoy ng kanyang pabango....... Naglakad ako papunta sa dulo doon sa tapat ng imahe ni Pope John Paul II at nakita ko ang isang portrait na kagagawa lamang.

"Ako ba ito???" bigkas ko habang pinagmamasdan ko ang painting na ginawa ni Lee, ang ganda ng pagkakagawa niya, tulo luha akong tinitignan ang larawan kong nakatayo sa harap ng altar na nakatango habang kausap si Papa God.

"Asan na ang batang 'yon? Iniwan na lang niya basta ang ipinapagawa ko sa kanya," si Father sa aking tabi.

"Father...."

"DJ nakita mo si Warren Lee, kung magkakilala kayo?"

"Si Lee po? Uhmmm, umalis na po siya......"

"Haaaay, ang bata 'yon.... Hmmmm, natapos na pala niya ang ipinapagawa ko," si Father habang pinagmamasdan ang painting ni Lee.

"Para kay Lee.....ang simbolo ng katapangan ay isang batang nakatayo sa harap ng altar kausap ang Panginoon......" at napangiti sa akin si Father, alam kong nakikilala niya na ako ang batang nakatayo sa harap ng altar. "Dalhin ko lamang ito sa kabila, ipapakita ko sa mga bata," aniya at kinuha ang portrait na ginawa ni Lee.

"Paalis na rin po ako Father," at nang paghakbang ko papalabas ng pinto ay may napansin akong newspaper, ang pinaglagyan ni Lee ng mga paint brush, inilapit ko ang tingin ko rito at nabasa ko ang isang headline, mukhang noong nakaraang araw lang ang balitang ito, "JERROLD TENG, THE FALLEN ARCHER" ito ang nakasaad sa balita. Nakasaad dito na nawalan ng career ang model, actor at dating UAAP Most Valuable Player na kabilang sa koponang Green Archers ng De La Salle University na si Jerrold Teng, hindi ito nagtagumpay sa pagsabak niya sa NBA sa Estados Unidos, at ngayon ay nakikita na lamang ito sa isang Filipino Community night market sa San Diego, California na nagtitinda ng mga street foods gaya ng barbeque at isaw.....

-----



Bilang scholar ng university ay ubligado rin kaming magbalik ng tulong sa paaralan, pinili kong pumasok sa housekeeping department at kada Linggo ng umaga ako maglilinis kasama ang ilan sa mga scholar sa Blue Eagle Gym at iba pang sports complex ng paaralan kung saan ako maa-assign. Tanghali na nang matapos kami, at naisipan kong palitan ang polo shirt na binili sa akin ni Ninang at ang bike na niregalo sa akin ni Papa.

Pagbaba ko ng LRT Araneta Center Cubao ay nag-withraw muna ako sa ATM machine ng 10,000 pesos, halos maintaining balance na lang ang natitira sa ipon ko, haaaaay! Nakalkula ko kung magkano ang magagasto ko sa polo shirt at bike, at aabot ito ng kulang-kulang na 10K. Hindi pwedeng hindi ko mapalitan ang mga ito dahil kilala ko sila Ninang at Papa, mapapansin nila ang hindi nila nakikita. Mabuti may kapareha po ang Lacoste polo shirt nang puntahan ko ang branch nito sa Gateway, at iyong kapareho ng model ng bike na binili sa akin ni Papa sa may North Edsa, at ang natitirang sukli ng pera ko ay pinamasehe ko na lamang ng taxi pauwi ng Barangay Loyola Heights, Quezon City.

Akala ko uuwi na ng gabi si Ninang galing ng Laguna pero nagbiyahe rin ito papuntang Sagada, at nang tawagan ako ni Papa sa telepono ay ibinalita niya sa akin na dinala na nila sa hospital ang aming Lola, nabalitaan nga rin daw niya ang pagkapanalo ko sa unang laban ko sa Philippine Taekwondo League this year, napanood din daw niya ang aking interview at lubhang natuwa raw si Lola. Kahit malungkot ang mag-isa ngayon dito sa La Vista squatters area, Barangay Loyola Heights, Quezon City, nilalakasan ko na lamang ang loob ko para sa aking pamilya.

Dumaan ang ilang araw, at mahigit isang linggo na matapos ang bullying incident na ginawa nila sa akin sa parking area ng Vista Mall and Residences. Hinihintay ko nga rin na masibak ako sa trabaho ngunit hindi naman ako kinausap ng aming manager bagkus pinuri pa niya kami ni Shane sa pagkakaroon ng mataas na sales ng Nike shoes at iba pang produkto namin sa Sports Central. Sa totoo lang nami-miss ko rin ang pagpasok sa Macabebe College, sa tingin ko nga ay mas masaya pa ang buhay ko noong nag-aaral pa ako doon, pero heto na tayo at nangyari na ang lahat....nandito na ako sa Ateneo De Manila University nag-aaral.

Napansin kong naging tahimik ang mundo ko, walang umaabala sa akin o nanggugulo, subalit mailap sa akin ang lahat ng mga estudyante sa university, halos lahat sila ay iniiwasan ako, walang kumakausap sa akin pati na rin ang nangakong magiging kaibigan ako sa paaralan na sila John Lloyd at Paris.

Kahit minsan malungkot ang mag-isa ay nagfo-focus na lamang ako sa pag-aaral tutal sanay naman na akong mag-isa at saka mayroon naman ang Taekwondo team na tanging nakakausap ko tuwing ensayo namin sa Moro Lorenzo Sports complex, mabuti rin na malayo ito sa Blue Eagle Gym nang hindi ko nakakasalubong ang varsity ng basketball team baka makita ko pa ang mga pesteng High Five at ang Thirdy na 'yon, masisira lang ang araw ko.

Maalala kong hindi pala lahat ng the High Five ay peste dahil mayroon matulungin at busilak ang kalooban na miyembro nila na nagngangalang Warren Lee Gokongwei. Kada tanghali ay nagagawi ako doon sa tahimik na building, sa parte nito na malapit na sa rooftop para isauli sa kanyang ang damit nitong ipinahiram sa aking ngunit ni minsan ay hindi ko na siya nakita doon o nakasalubong man lang sa university grounds. "Sometimes you just have to accept the fact that some people only enter your life as a temporary happiness........." and I have to admit that.

Pumanaw na rin si Lola noong isang araw, malungkot ang mag-isang magluksa pero tinatatagan ko na lamang ang loob ko, at walang araw na hindi ako nanalangin kay Papa God, at dumadalaw sa simbahan.

Halos magdadalawang linggo na sila Mama, Papa, Ninang at Jayson sa Sagada, mabuti pinayagan ng Macabebe College ang 2 weeks na pag-leave ng aking kapatid dahil sa ibang paaralan ay hindi ito maaari. Lunes pa ng umaga ang kanilang dating, ilang gabi na rin akong mag-isa rito sa La Vista.....................at maalala kong hindi pa pala ako tinatantanan ni Darren Sy III nang muli kong marinig ang pagbagsak ng isang mansanas sa bubungan namin. Dalawang linggo na rin niya itong ginagawa at naipon ko na lahat ng mansanas na itinapon niya sa isang malaking supot!

"DARREN SY III, AAAAAAAAAAARRRRRRRRRRRRRRGGGGGHHH!!!!!!" napasigaw na naman ako, halos gabi-gabi na lang na ganito ang eksenang nangyayari.

Paglabas ko ng bintana, sa tuktok ng bubongan ng kapitbahay namin ay walang takot akong tumingala sa penthouse ng gagong pineapple head na 'yon!

"HOY, TARANTADONG 'TO AH!!!!!!!!" kitang-kita ko ang humahalakhak na si Thirdy na nakadungaw dito sa amin sa ibaba.


To be continued...

The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now