Chapter 40

5.2K 193 6
                                    

Damo's POV

Biyernes ng umaga, at ito ang araw ng special exams para sa aming mga athletes, "bunso past 7:00 AM na, mauna na ako sayo, ingat sa pagpunta ng school...." habang pababa ako ng hagdanan.

"Sige kuya, ingat ka rin, ako na ang bahala dito," si Jayson habang nagpapalit ng pang eskwela sa kwarto.

Bigla akong natigil sa may hagdan at napatingala sa mga ulap, "Papa God, sana maging okay po ang lahat ngayong araw na ito," munting dalangin ko. Napansin ko rin ang penthouse ni pineapple head, hindi mo rin naman maiiwas ang mga mata mo sa kanyang lungga dahil ito ang bubungad sayo paglabas ng pinto namin, uhmmmm....kamusta na kaya si Dao Mingming? Sana inaalagaan siya ng mabuti diyan sa taas.

Bago ulit ako humakbang pababa ng hagdan ay kinapa ko muna ang bulsa ko kung nadala ko ang wallet ko't cellphone, okay narito.

Nag-vibrate ang phone ko at isang text message ang natanggap ko mula sa isang unknown number, "This is from Lagman Gym, you are hired as part time Taekwondo instructor for kids!" nanlaki ang aking mga mata sa nabasa ko, halos hindi ko na ma-contain ang excitement ko dahil magtuturo na ako ng Taekwondo sa mga bata. Sabay kaming nag-apply ni Shane sa gym na ito 6 months ago pa, akala nga namin wala na itong inapplyan naming dalawa. Si Shane ang nag-aya sa akin na mag-apply dito dahil pagmamay-ari daw nila Gabriel Lagman ang gym na ito, at malaki daw ang kanilang professional fee sa kanilang mga instructor kahit weekends lang daw ang trabaho. Sino ba ang hindi nakakakilala kay Gabriel Lagman? Siya lang naman ang two-time MVP ng senior men's Taekwondo sa UAAP, ma-browse ko nga ang kanyang profile sa Facebook. Hmmm, ang tagal na ng friends request ko sa kanya, last year pa ito at hindi pa niya kino-confirm, okay na rin at least naka-follow ako sa kanya. Almost 2 million din ang followers nito. Marami kasing post si Gabriel about Taekwondo, marami din siyang good vibes na post sa Facebook kaya ni-follow namin siyang dalawa ni Shane.

Swerte siguro itong damit ni Warren Lee na isinuot ko? Halimbawang hindi na ako makapasok sa Sports Central dahil late kaming natatapos ng training sa school at least may part time na ako ngayon every weekend. Papasok ako mamayang hapon sa boutique para ibalita itong good news kay Shane, nae-excite na nga ako.

Dumaan ang malakas na ihip ng hangin, napasinghap ako sa lamig nito, at sa muli kong pagtingala sa itaas, sa may penthouse ni pineapple head ay nakakita ako ng maraming nagsisiliparang mga eroplanong papel....at nakita ko doon si Warren Lee, nakangiti siya habang nakatingin sa akin dito sa ibaba.... uhmmmmm siya ata ang nagpalipad ng napakaraming eroplanong papel...... Hanggang sa makarating ang ilan dito sa aming lugar, eksakto nariyan na ang isa, ang kulay pulang mumunting eroplano....nasalo ko ito, binuksan ko ang papel at may nakasulat rito, "MAHAL NA KITA" ayeeeeee....galing ito kay Warren Lee??? Napangiti at napatango ako sa itaas, nakita kong kumakaway doon si Lee at ang tamis-tamis ng kanyang pagngiti. Ang ganda ng araw na ito, ang ngiti ko ay abot hanggang langit na, haaaaaay...... Naka-varsity jacket akong papasok ng school at ang suot kong damit ay ang kanyang puting t-shirt. Napapikit ako habang ninanamnam ang napakasayang sandaling ito.....

At pagmulat ko ng aking mga mata.......................ayyyy sapatos!

"Hoy, kuya, ang aga-aga nananaginip ka ng gising! Ahahahahaha!" tawang-tawa na si bunso habang nilalaro ang paa nito sa tapat ng aking mukha dito sa may hagdanan, kamuntikan ko nang hilain ang kanyang paa sa bwiset ko, hmpf!

"Nakakainis ka!" bulyaw ko sa kapatid ko. "Kuya, akala ko ba aalis ka na??? Parang ang saya-saya mo ngayong araw na ito ah?" sambit ni bunso sa akin pagtabi niya dito sa may hagdan, "hinintay na kita....tara na nga!" inakbayan ko ito't ginulo ang kanyang buhok.

Mga isang daang metro pa ang layo ng lalakarin namin ni bunso bago kami makalabas dito sa aming eskinita, hindi ko na rin dinala ang bike ko dahil susunduin daw ako ng varsity coaster sabi ni coach Almike kahapon.

The Fall of Achilles (BL Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon