Chapter 26

4.7K 190 8
                                    

Damo's POV

"Ikaw Darren Sy, masaya ka na ba sa nangyayari sa akin ngayon????" nag-aapoy ang galit ko sa kanila, wala akong pakialam kahit lumuluha man ako sa harap niya. "Parte ba ito ng plano niyo para durugin ako????" pinahid ko ang aking luha.......... "Itong sakit na nararamdaman ko ngayon sa mga insulto at panggagago niyo sa akin??? Alam kong pansamantala lamang ito...........dahil wala sa bokabularyo ko ang sumuko, sarili ko lamang ang may kayang dumurog sa sarili ko, hindi ikaw, hindi kung sino! Tandaan mo ito........hindi ako luluhod sa harapan mo!"

"Ano ba, ikaw na nga ang tinulungan.......... Ito ba ang igaganti mo sa taong nagligtas sa'yo????"

"Ako, tinulungan mo????" muling namugto ang aking mga luha habang itinuturo ang aking sarili. "O, nageenjoy sa mga ginagawa niyo sa akin?"

"Ano sa tingin mo 'yong ginawa ko kanina???" at saka niya itinapon sa sahig ang hawak niyang ID ko at ID lace.

"Gusto mong magpasalamat ako sayo, para ano??? Para malinis mo ang konsensya mo? O baka, wala ka nga nito!"

"Tumahimik ka!" malalim ang pinanggalingan ng pagbigkas niya ramdam kong tinamaan ito.

"Sige, salamat!!! Salamat sa lahat! Salamat sa pagbato niyo sa akin ng mga basura........salamat sa pagbato niyo sa akin ng mga uling.........salamat sa mga pangiinsulto niyo........salamat sa pagsira niyo sa bisikletang regalo ng Papa ko.........salamat sa pagsira niyo sa bagong damit kong iniregalo ng ninang ko.........." napaatras ako sa paghakbang niya papalapit sa akin.....kitang-kita ko ang panggigigil ng kanyang kamao.............tulo luha akong napangisi sa mukha niya....... "Ang sabi nila ang mayayaman lang ang may kayang pumasok sa paaralang ito, magagalang at mabubuti ang mga estudyante dito....pero nang makita kita, nakaramdam ako ng panghihinayang..... Salamat sa mga mansanas mong nabubulok, katulad ng nabubulok mong pagkatao!"

Kitang-kita ko ang pagpatak ng isang butil ng luha sa kanyang pisngi bago niya ako dapuan ng isang suntok sa mukha......... "Ang sabi ko tumahimik ka!!!!!!!" halos mayanig ang buong gusali sa kanyang galit. Natumba ako sa sahig ngunit mabilis kong inangat ang aking sarili at naglakad pababa ng hagdan.

Nakasalubong ko sa hagdanan si Warren Lee ngunit hindi ko na ito pinansin, ayoko nang makita niya akong lumuluha pa......... "DJ, sandali lang..........."

----------






Thirdy's POV

"Aaaarrrgghhhhh!!!!" napuno na ako ng galit at napasuntok sa dingding, hindi ko inalintana ang sakit sa kamao ko.

Tang-ina sino ba siya????

Sino ba siya para maapektohan ako ng ganito sa mga sinabi niya????

Bakit ang bigat-bigat dito sa damdamin ko ang mga binitawan niyang salita?????

"Aaaaaaaarrrrrggghhhhh!!!!!" akmang dadapuan ko nanaman ang dingding ng isang malakas na suntok nang bigla-bigla ko na lamang naalala ang kuya Gino ko sa mga sinabi niya........sa mga binitawang salita ng isang Damo Dela Cruz Jr., nanumbalik sa aking balintataw ang araw na mawala ang nagiisang pamilya sa aking buhay nang itakwil siya ng aming ina, apat na taon bago ito maglaho sa aming buhay.......

"Wala akong anak na salot sa lipunan," ito ang nakakadurog pusong binitawan ni Mama kay kuya Gino sa harap naming lima nila Lee, Menard, Sim at Sol. Nasa opisina kami noon ng chairman ng SD group, magkakasama kaming anim, sinamahan namin si kuya Gino sa pagproprotesta niya kay Mama sa pagpapasara nito sa NGO na tumutulong sa LGBT community kung saan kabilang dito si kuya at ilan sa kanyang mga kaibigan.

"Itong ginagawa niyo sa akin ngayon Ma??? Sa pangiinsulto niyo sa pagkatao ko??? Ano ngayon kung salot ang isang baklang kagaya ko sa lipunan???? Saan ba ako galing......kung hindi sa inyo!!! Sa tingin mo wala kang pakinabang sa mga baklang kagaya ko??? Ilan ba ang mga baklang nagpupunta sa mga mall at hotel ng kumpanya mo! Kung makasalot kayo, parang wala silang naiaambag sa negosyo mo????? Alam kong pansamantala lamang itong sakit na nararamdaman ko sa ginawa niyo...........dahil wala sa bokabularyo ko ang sumuko, ako at ako lamang ang may kayang dumurog sa sarili ko, hindi ikaw, hindi kung sino! Tandaan mo ito Ma........hinding-hindi ako lalapit sayo, magmamakaawa at luluhod sa harapan mo!"

"Thirdy anong nangyari????" boses ni Lee na kararating lang dito sa itaas.

Nakayuko lamang ako habang nakaharap at nakatungkod ang kamao ko sa dingding, "Lee nasaan na ang kuya Gino ko.........." hindi ko na maikubli ang aking pangungulila at paghikbi, si Lee lang naman ito...okay lang na makita niya ako sa ganitong kalagayan ko.

Naglakad siya papalapit sa akin.......tinapik niya ako sa aking balikat.

Binitawan niya ako at naglakad ito papunta sa may gilid kung saan nakatayo si Damo kanina.

Napansin kong may pinulot siyang paper bag matapos niyang damputin ang ID at ID lace ni Damo, alam kong dala ni Damo ang paper bag kanina. Isang puting damit ang laman ng paper bag nang buksan ni Lee ito.

Lumapit si Lee sa akin, "alam mo ba na damit ko ito?" aniya nang humarap ako sa kanya.....siyempre alam ko, iyan 'yong paborito niyang white t-shirt. "Ipinahiram ko ito sa kanya noong araw na pinadalahan mo ito ng red knuckles......."

"Anong paki ko kung pinahiram mo siya ng damit," napailing lang si Lee sa sagot ko, at saka niya ako iniwan dito at nagmadaling bumaba ng hagdan........ Anong gagawin niya? Susundan niya ang Damo na 'yon???!!!!

"Lee!!!!!!!!!!!!" pagtawag ko sa kanyang pangalan ngunit hindi na bumalik ang kaibigan ko.

Nang tuluyan nang makaalis si Lee ay itong si Sim naman ang naparito sa itaas.

"Thirdy........."

"Anong ginawa niyo??????" halos lumabas na ang lahat ng ugat sa leeg ko sa inis at galit sa ginawa nila kay Damo. Inulit na naman nila ang insidenteng ginawa nila sa Antipolo, at dito pa talaga sa university??

"Hindi ba gusto mong lumuhod si DJ sa harapan mo????" pandidipensa niya sa kanyang ginawa.

"Sinabi ko bang gawin niyo iyon??? Iyong nangyari kanina!!!!!!!!!!!" at bigla ko na lamang siya nakwelyuhan sa sobrang galit.

"Bakit ka nagkakaganyan Thirdy???? Ano ngayon kung ipagahasa ko ang isang Damo Dela Cruz Jr. sa mga lalaking iyon?" nakitaan ko ito ng matinding emosyon sa mata, at saka ko siya binitawan. "Dati, halos mapatay mo pa ang mga kumakalaban sayo...... Itong ginawa ko kay Damo.......katiting lamang ito sa mga sinapit ng iba sayo........" mabigat ang pagkakasaad niyang iyon, at saka siya tumalikod at naglakad pababa ng hagdan.

Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang reaksyon ko sa ginawa nila kay Damo, at oo, katiting lang ito sa mga nagawa ko sa iba!

Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang reaksyon ko sa ginawa nila kay Damo, at oo, katiting lang ito sa mga nagawa ko sa iba!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now