Chapter 23

8.9K 379 197
                                    

Damo's POV

"Ang akala ko babagsak na ako sa kalsada, salamat......" magkahalong hiya at pasasalamat kong tono kay Lee.

Sinubukan kong tumayo ngunit parang nahihilo parin ako sa epekto ng binatong mansanas sa aking ulo, kaya muli akong napaupo nang sinubukan kong tumayo.

"Araaaay," napadaing si Lee nang madaganan ko siya, at mukhang nadaganan ko ang hindi dapat madaganan, haaaay......nanlaki ang mga mata ko, at nang mapalingon ako sa kanya ay tila namumutla siya.

"Sorry, sorry Lee..... Sorry."

"Okay lang.....tulungan kitang tumayo," aniya at inalalayan akong umangat.

Nagpagpag ako ng pants. Nakita kong si Lee pa nagtayo ng natumba kong bike bago rin niya pagpagin ang kanyang damit.

"Hoy Lee! Iwasan mo nga 'yan!" si Thirdy sa may sasakyan, papasok ng gate. Sa tono ng boses ng gagong iyon ay parang pinagseselosan niya ako kay Lee. May bromance ba silang dalawa???? Nakakatawa ang pineapple head na 'yon, hahaha!

At napahawak ako sa aking noo...... Aaaaarrrgghhh....ang sakit talaga ng pagkakabato niya ng mansanas sa akin!

"Iiwan mo na lang muna dito sa gate itong bike mo, hindi safe ang magbike ka kapag masama ang pakiramdam mo...." concern niya tono, haaaaay Lee, lalo akong nahuhulog sayo, masyado kang mabait sa akin.

"Kayo ko ito, salamat, Lee..." tumanggi na lamang ako sa kanya baka awayin pa siya ng lokong pineapple head na iyon kapag nalaman niyang umangkas ako kay Lee.

"Okay, mag-ingat ka...." Sumakay na rin ng kanyang puting motor si Lee, hindi na ito lumingon sa akin at sinundan na lamang niya ang sasakyan nila Thirdy, hmmmmm....sila siguro ang hinihintay nito dito sa daan.

Matapos ang dalawang linggo, ngayon ko lang ulit nakita si Lee, haaaaay.....na-miss ko siya.

-----





Mabuti na lang at iniwan ko dito sa may locker ko ang damit ni Lee, for sure nasa may tahimik na building iyon ngayon??? Pagkasara ko ng locker ko ay parang may napansin akong dumaan? Kita kong si Sim iyon, hmmmmm......anong kayang ginagawa niya rito sa may Fine Arts department?? Hanggang sa makita kong kausap nito ang Tripple J's sa gilid ng corridor malapit sa may hagdanan. Never mind, huwag ko na lamang silang intindihin.

Pagdaan ko sa tapat nila, "O baka kilala niyo diyan 'yong kinatok ni kumareng Aida!" malakas na boses ni Jariel. Confident kasi kasama nila ang isa sa mga High Five leader na parang naghahari-harian kung makaasta ngayon (si Sim).

"Iyan ba 'yong freshman na kabilang sa varsity na nagkakalat ng HIV virus???" eksaheradang kunwaring takot na takot na boses ni Jansen, at dito na nakuha ang lahat ng atensyon ng mga estudyanteng narito sa may corridor.

"Balibalitang isang botomesang twink iyon!" si Jaypee na sadyang inilalapit ang bunganga sa direksyon kung saan ako nakatayo.

Pababa na ako ng hagdan nang napansin kong makakasalubong ko dito sila Paris at John Lloyd. Nagulat ako nang bigla nila akong kausapin, "dito DJ," si John Lloyd na kumakaway sa akin ng palihim. Nagpunta ako sa direksyon kung saan sila.

"Pasensiya ka na kung dalawang linggo ka na namin na hindi kinakausap," guilty na si John Lloyd.

"Okay lang, mabuti na rin 'yon nang hindi kayo madamay...."

"Solid parin tayo ha? Walang laglagan, walang traydoran? Stick to each other parin tayo ha?" si Paris na itinataas ang isang kamao.

"Okay...." napangiti ako, I'm glad na bumalik na rin kami sa dati.

The Fall of Achilles (BL Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon