Chapter 74

3.5K 168 24
                                    

"Friend mabuti nabigyan ko ng sipa sa mukha ang babalung iyon! Para kaming nagpapatintero sa pedestrian lane kanina!" si Shane habang nakatanaw dito sa bintana ng 7th floor. Nasabi na nito ang lahat ng kanyang narinig kay Jansen sa grocery hanggang sa mabuko siya nitong palihim na nakikinig matapos maputol ang tawag nito kay Thirdy. Nang malingon ito kay Damo ay kita niya ang mukha ng kaibigang walang pagpapakita ng emosyon. Alam niyang sa puntong ito'y punong-puno na ang kanyang kaibigan.

"Wala ka man lang sasabihin?? Gusto mo gilitan ko na ng leeg ang mga iyon??? Lalong-lalo na ang Simon Tan na iyon!??? At nasaan pala si Thirdy nang masabi ko na ang lahat sa kanya???" hindi siya inimik ni Damo. Hindi na nagtaka si Shane sa reaksyon ng kaibigan, at napaismid na lamang itong dumungaw sa ibaba ng gusali sa bintana.

"Wait.........si Thirdy at si Simon ba ang nakikita ko???"

Lumapit si Damo sa kanya, "friend sila nga ang nasa bakanteng lote.......mapuntahan ko nga silang dalawa!" Nagmadaling nagtungo papalabas ng pintuan si Shane.

"Shane, sandali!!!" napahinga ng malalim si Damo bago sinundan ang kaibigan. Mabigat man ang damdamin ngunit kinakaya parin niya.......bawat pagyapak nito ay mga sunod-sunod na butil ng luha ang tumulo sa kanyang mga mata. Kinayang dalhin ni Damo ang bigat ng damdamin kasama ang best friend niyang si Shane patungo kina Thirdy at Simon.......

Pagpasok nilang dalawa sa elevator ay dito na napansin ni Shane ang mga luha ng kanyang kaibigan. "Friend magpakatatag ka, lilipas din ito.......mananagot na rin sila sa mga ginawa nila sayo......." Niyakap niya si Damo sa kanyang tabi.

"Friend, ayaw ko na ng gulo.........sa totoo lang pagod na pagod na ako, gusto ko nang umalis o lumayo, subalit wala akong choice......."

"Kaya mo iyan DJ, harapin mo sila, at huwag na huwag kang padadaig dahil hindi sila ang sisira sa mga pangarap mo........"

-----






Sa bakanteng lote ng hospital kung saan iisang parking lot LED light ang nakasindi at bibihira ang mga sasakyan na nakaparada ay nakatayong magkaharap ang dalawang leader ng High Five, sila Simon Tan at Darren Sy III.

Halos pinagsakluban ng langit at lupa si Simon, makikita mo sa mga namumulang mga mata niya habang nakayuko ito sa harapan ng kaibigan, nangangamba ang binata na maaring dito na magtatapos ang halos dalawang dekadang pagkakaibigan nila ni Thirdy..... nang dahil sa mga kalupitang nagawa nito kay Damo Dela Cruz Jr....

"Hindi ba ang sabi ko........... leave him alone?!!!" madiin at malalim ang galit sa nagpipigil na tono ni Thirdy kay Simon.

Itinuwid ni Sim ang tingin sa kaibigan. Sa liwanag ng LED lights na nakatutok sa kanilang dalawa ay kitang-kita nito ang nagbabadya niyang katapusan, ang mga nanggigigil na kamao ng kanyang kaibigan na halos lahat ng nadapuan nito'y muntik nang matikman ang kamatayan.........at ang mga matatalim na tingin nito na nagsasabing walang lugar ang pagpapatawad sa kanyang isipan!


Namutawi sa isipan ni Simon ang sandaling dumurog sa kanyang puso, ang makita niya pwersahang hinahalikan ni Thirdy si Damo Dela Cruz Jr. sa loob ng locker room... Ramdam nito ang kirot sa bawat ugat na dinadaluyan ng kanyang dugo.......at ramdam nito ang bawat pagpitik ng kanyang puso na tila sumasabog!

"THIRDY!!!!!!!" napasigaw si Simon, at nagsimulang dumaloy ang mga luha ng pighati, at kung bakit sa isang dukha at anak ng namamasura unang ibinigay ang unang halik ng lalaking halos minahal na niya ng kanyang buong buhay.

Nabitawan ni Thirdy si Damo at pwersahang naitulak siya nito...... Kitang-kita mo ang pagkadismaya, pandidiri, at galit sa reaksyon ni Damo sa halik na kanyang tinamasa sa taong kinamumuhian nito. Nadapuan niya ng malakas na suntok sa mukha si Thirdy!

The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now