Chapter 75

7.6K 311 184
                                    

"Thirdy tama na, tama na iyan....... please?" hinila ni Damo ang kanang braso ni Thirdy na siyang nakaangat at muling dadapo kay Simon.

"Friend, deserve niya 'yan...... ngunit hahayaan kitang pigilan si Thirdy....." kibit balikat na si Shane habang nakatingin sa tatlo.

Napapangiti at natatawa kunwari ang halos maghilamos na ng dugo na si Simon nang makita niya si Damo sa likod ni Thirdy. "Ituloy mo lang Thirdy......." at iginilid nito ang mukha kasabay ng pagdaloy ng luha sa kanyang pisngi at pagpatak ng dugo sa labi nito. "Sige........ Thirdy sapakin mo pa ako," saka dahan-dahan niyang ibinaling ang tingin sa kaibigan.... nagsalita parin siya kahit malunod na sa kanyang lalamunan ang dugong dumadaloy rito, at napaubo ito...... "Sige lang Thirdy...... hanggang sa matulad ako sa iba na halos mapaslang mo na...... gawin mo..... wala akong pagsisisihan kahit mamatay man ako ngayon..... at nang makita niya," napalingon sabay itinuro nito si Damo....... "At nang makita niya kung gaano ka kahalimaw!"

Napagilid ng tingin si Thirdy sa mga sinabi ni Simon at napansin niya ang naging reaksyon ni Damo sa kanyang likuran. Hindi niya ito nagustuhan dahil mahalaga sa kanya kung anong nasa isip ni Damo.

Napahinga ng malalim si Thirdy kasabay ng pag-angat nito sa tabi ni Damo. "Tara na....." aniya rito sabay hawak sa kamay nito.

Iniwaling ni DJ ang kamay ni Thirdy....... "Nawawala ka ba talaga sa katinuan mo kapag nagagalit ka?? Kaibigan mo 'yan!" itinuro ni DJ si Simon. Napangisi ang duguang labi ni Simon sa kanyang narinig.

"Kaibigan nga niya ako....... ngunit ng dahil sayo nagkasira kami......." si Simon na hirap at pilit inaangat ang sarili hanggang sa maitungkod nito ang kamay sa sahig na nakadapa, at napatingala ito sa kanila. "Hangga't narito ka....... hangga't nasa tabi mo siya, magkakasira-sira kaming magkakaibigan nang dahil sayo!" napadura ito ng dugo sa sahig. Tagos sa dibdib ang sinabing iyon ni Simon kay DJ, parang siya pa ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito pero sa totoo lang wala siyang naiisip na ginagawang mali o kasalanan.

"Tara na Damo!" halos mapagtaasan na ng boses ni Thirdy si DJ nang muli niyang kunin ang kamay nito dahil sa mga binitawang salita ni Simon.

"Bitawan mo ako Thirdy....... hindi na ito ang inaasahan ko sayo, subalit nagkamali pala ako ng inakala......." Lumapit si Damo kay Simon at sa ginawa niyang iyon ay hindi na nagdalawang isip na maglakad papalayo sa kanila si Thirdy na may dala-dalang kirot sa dibdib, at galit sa mga binitawang salita ni Simon........ hanggang sa hindi na siya masilayan ni Shane, DJ at Simon nang sundan nila ng tingin ito.

"Shane, tulungan mo ako, dalhin natin siya sa Emergency Room......." si Damo na kahit galit ito kay Simon sa mga nagawa nito sa kanya ay nangibabaw parin ang awa nito sa tao.

Sa hindi kalayuan, nasipa ng malakas ni Thirdy ang trashcan na kanyang nadaanan.... "Aaaarrrggghhhh!!!" at sa kanyang pag-alis ay dala-dala nito ang bigat sa kanyang dibdib sa lahat ng nangyari.

Lumapit si Shane kina Damo at Simon ngunit napaatras kaagad ito nang tignan sila ni Simon ng masama sa mata.

"Bitawan niyo ako," iniwaling niya si DJ nang hawakan siya nito, "bitawan mo ako, kaya ko ang sarili ko...... hindi ko kailangan ng tulong mo, o ng tulong niyo!" pilit umaangat si Simon ngunit napapaluhod lamang ito sa sahig. Napatingin siya kay DJ habang nakaupo ito sa harapan niya, "umalis na kayo!!!!!!!" Nasigawan niya si DJ kaya napatayo ito bigla.

"Ano ba, nakikita mo na ngang hindi na kaya ng sarili mo....." sagot ni DJ kay Sim. "Shane humingi ka na lang ng tulong sa ER, sige na....." pakiusap nito sa kaibigan.

"Sige...." turan ni Shane sabay napaismid ito nang mapatingin siya kay Sim.

Muling napangisi si Simon kay DJ nang makalayo na si Shane. "Huwag ka ngang magkunwari, gusto mo rin akong mahirapan...... gusto mo rin akong mamatay, hindi ba???" tusong bigkas habang nakaluhod sa harapan ni DJ si Simon.

The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now