Chapter 73

8K 334 227
                                    

cover by: Sultry_Heiress

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.

cover by: Sultry_Heiress

-----

Thirdy's POV

"Thirdy....." tinawag niya ako para maupo sa couch at saluhan sa sopas na gawa ng kanyang Papa. "Halika kain tayo ng sopas....." umupo ako sa tapat niya, at inilapit nito ang isang mangkok ng sopas sa akin... "Masarap iyan, kung hilig mo ang luya, masasarapan ka talaga diyan........"

"Talaga???" masigla kong saad. "Maraming luya ang inilagay ni Tito DS dito, ginger-chicken soup ito???"

"Oo...... Uhmmmm, at saka........ Thirdy......." Parang may gusto siyang sabihin, anlambing ng kanyang boses. Haaaay......parang lumulutang ang mga puso sa paligid ko. "Ano 'yon Damo.... my Lalabs???" mas malambing kong tinig, at inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya....... Hala nabanggit ko pala ang lalabs!

"Lalabs???" aniya, at bigla itong natawa... "Hahaha, ikaw ha...." Napa-pouty lips tuloy ako dahil pinagtawanan lang niya ang tawag ko sa kanyang lalabs....... hindi ba niya alam na mas matamis pa sa honey ang lalabs ko para sa kanya??

"Kapag naging tayo, iyan ang itatawag ko sayo, lalabs!" I said it with willpower and full of determination!

"Grabe ka, ang advance mong mag-isip........ May sasabihin pa sana ako sayo, pero hindi bale na lang......" parang napikon pa siya sa sinabi ko? Hindi man lang niya seryosohin ang paghahayag ko sa kanyang ng nararamdaman ko.

"Ano iyong sasabihin mo?" naglambing na ako ng tinig.

"Thank you.....sa lahat....." parang nahihiya, o napipilitang hindi ang boses niya, pero malambing narin dahil hindi ito iyong tipikal niyang tono.

"Ano iyon??? Hindi ko narinig....." inilapit ko pa kunwari ang tainga ko, ang sarap kasing dinggin, hehe.

"Thank you.......sa lahat," inulit din niya.

"Ano??? Sige pa nga, hindi ko narinig........" nakangiti kong pag-uulit, ansarap talaga kasing pakinggan.

Hinampas na lamang niya ako ng unan, "kumain na tayo!" at nagbeast mode na ang boses, hahaha!

"Hala grabe siya, ganyan ba ang nagpapasalamat, nananakit????"

"Ikaw kasi paulit-ulit, nag-Thank you na nga ako.... hmpf! Kumain na tayo bago pa lumamig itong sopas......" naging masungit na naman siya...... haaaay!

Itinapat ko ang ilong ko sa usok ng ginger-chicken soup ni Tito DS, at mukhang masarap nga ang amoy nito...... "Uhmmm, paborito mo ito??" natanong ko bago ako bago ako nagsimulang humigop.

"Oo...... Uhmm, ginawan ako ni Papa nito kasi alam niyang ito ang makakapagpakalma din sa akin kapag dinadalaw ako ng masasamang memories ko noong bata ako......... at sa kahit anong sitwasyon na masama ang loob ko, nalulungkot, nangangamba, at natatakot, itong chicken soup ni Papa ang nakakapagpasigla sa akin."

The Fall of Achilles (BL Series)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum