Chapter 65

3.5K 162 13
                                    

Damo's POV

Malamig......mabaho at malansa ang amoy ng paligid..... tila nasa isang morgue ako habang nakikita ang katawan ng mga batang kagaya ko.... Natakot at naiyak dahil wala na silang buhay!

"Huwag mong sasaktan si kuya!!! Maawa ka po sa kanya!!!" ang pag-iyak at pagmamakaawa ng anim na taong gulang na si DJ.

"Ang sabi ko sayo, huwag kang maingay!!!!!!!" galit na galit sa akin ang babaeng doctor na nakasuot ng madungis na kulay puting lab gown. Nakakatakot ang kanyang hitsura, kulot-kulot ang kanyang buhok, matatalim ang kanyang mga mata, mukha siyang mangkukulam! Naririndi ito sa kakaiyak ko at dahil dito ay hindi siya makapag-focus sa gagawin niyang operasyon sa batang nakasalang sa harapan niya, at ito ay si kuya Ren na hindi maigalaw ang katawan.

"Maawa ka kay kuya! Huwag mo siyang i-indyeksyonan!!!!" napasigaw ako nang makita ko ang napakalaking injection na akmang ititusok na niya kay kuya. Lalong nainis sa akin ang babae sa pagsigaw ko at iniwan ang hawak-hawak niyang injection sa tabi ni kuya na siyang nakahiga sa operating table, at saka ito lumapit sa akin......... "Huwag po!!!!" napalakas ako ng pag-iyak sa takot nang ilapit niya ang mukha nito sa akin at sinakal ako sa leeg. "Ito ang para sa'yo nang magtanda ka!!!!"

Hindi ako makahinga, hindi rin ako makasigaw habang pilit kong nilalabanan ang kamay ng babaeng doctor na sumasakal sa akin! Hanggang sa bigla akong makahinga ng maluwag nang magliwanag ang buong kapaligiran ko!



Napasinghap ako ng malalim.

Maluha-luha ako nang tumambad sa aking harapan ang mukha ni Thirdy. Ang ingay-ingay, nagkakagulo na ang lahat, hanggang sa mapagtantanto kong binabato na pala ako ng mga nabubulok na kamatis at itlog subalit wala akong ideya kung bakit nila ito ginagawa sa akin...... Hindi ko na rin ito naramdaman at napansin dahil nang bigla akong masakal ng suot-suot kong blue eagle mascot ay biglang nag-trigger ang traumatic experience ko noong anim na taong gulang ako nang madukot ako at ikulong sa isang nakakatakot na lugar...... para akong dinala sa nakaraan nang manumbalik sa aking alaala ang dalang bangungot ng babaeng doctor na kumukuha ng internal organs ng mga bata.

Hindi ko napansin ang pagyakap sa akin ni Thirdy dahil tulala parin ako at takot na takot!

Hanggang sa mangatog ang mga binti ko........ at sa higpit ng pagkakayakap sa akin ni Thirdy masangga lamang niya ang mga nabubulok na kamatis at itlog na ibinabato sa akin ay natumba kami ng sabay sa sahig nang tuluyan na akong mawalan ng lakas ng hindi ko namamalayan.

----------







Warren Lee's POV

"Stop!!!! Tama na 'yan!!!" mabuti at nakailag ako ng dalawang beses sa itlog ibinato ng isang middle-aged man na siyang nangunguna sa mga kasamahan niyang mga lalaking nasa mid 30's ang hitsura! Gusto ko man silang awatin o suntukin ngunit hindi ko magawa! Gustong-gusto ko silang pagsusuntukin at basagin ang kanilang pagmumukha!

Sorry DJ..... hindi kita maipagtanggol! Dahil masususpende ako sa laro kapag nakipagbasag-ulo ako ngayon.

Nang mapalingon ako kay DJ ay kitang-kita ko ang mahigpit na pagyakap sa kanya ni Thirdy. Natigil ako na parang hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko nang makita ko ang mga kamatis at itlog na ibinabato sa kanila. Kitang-kita ko rin kung papaano siya protektahan ng kaibigan ko....... Hanggang sa biglang manghina si DJ at sabay silang natumba sa sahig ni Thirdy.

Nagawa kong humakbang ng dalawang beses papalapit sa kanila ngunit natigil ako bigla nang dampian ng halik sa labi ni Thirdy ang maluha-luha't takot na takot na si DJ. Napangiti ako habang napapailing ng dalawang beses..... at sa mga ngiti kong ito'y bakas na bakas ang kalungkutan....... kahit sino man ang makakita......... mararamdaman ang matinding panghihinayang na aking nararamdaman. Hanggang sa mapahugot na lamang ako ng hininga't napatingala sa itaas.

Tinanong ko ang aking sarili kung pamilyar ba itong pakiramdam na ito?? Ito ay tila kagaya ng makita kong hawak-hawak ni Jerrold ang kamay ng isang dalaga sa gilid ng pool 6 years ago, magkayakap din sila hanggang sa maglapat ang mga labi nilang dalawa. Kahit maraming guest sa ika-labing walong kaarawan ni Jerrold ay walang nakapansin sa kanilang dalawa kung hindi ako lamang....... ako na napapailing, ako na naninikip ang dibdib, at ako na parang talunan!

At nang muli kong sulyapan sila DJ at Thirdy ay nakita kong nilalapitan na sila ng mga paramedics, at natigil na rin ang mga lalaki sa pagbabato dahil dinala na ang mga ito ng mga security papalabas ng MOA arena.

"Damo... Damo gumising ka!" napalingon ako kay Thirdy nang bigla kong marinig ang boses niyang nag-aalala. May paramedics at babaeng doctor na sa kanilang tabi. Mabilis akong lumapit.

"Anong nangyari???" kita kong walang malay si DJ sa bisig ni Thirdy. Mabilis naman nilang niluwagan ang suot-suot niyang mascot at tinanggal nila ito saka siya ipinahiga sa stretcher.

"Is he okay???" si Brandon na nasa likod ko, kung hindi ako nagkakamali ay isa rin siya sa mga umawat sa mga lalaking bumabato kina DJ kanina. Nilingon siya ni Thirdy at kitang-kita ko ang talim ng kanyang mga mata. Alam ko ang gustong ipahiwatid nito, ang lumayo si Brandon.

Napahawak ako sa balikat ni Brandon. "DJ will be okay, dadalhin na siya ng mga EMT sa pinakamalapit na hospital..." at nariyan na rin sila Jerold at Gabriel kasabay sila Paris, at ang dalawang kaibigan ni DJ.

" at nariyan na rin sila Jerold at Gabriel kasabay sila Paris, at ang dalawang kaibigan ni DJ

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.
The Fall of Achilles (BL Series)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ