Chapter 31

5.1K 202 17
                                    

Damo's POV

Matapos ang nangyari sa Blue Eagle Gym ay hindi na ako pumasok sa klase at nakapag-ensayo kasama ang Taekwondo Team. Kahit ang pagkakaroon ng lakas ng loob at pagiging matatag ang mayroon ako ngayon laban sa mga mapanghusgang isip ng mga taong naniwala sa ginawa nilang paninira sa akin sa university ay hindi ko parin maiwasan ang makaramdam ng puot sa kagagawan ng High Five na ito, kaya mas pinili ko na lamang na umuwi ng maaga sa aming tahanan sa Payatas...... Sa panahong hindi ko na kaya ay mas gusto kong makita at makapiling ang mga magulang ko kahit hindi ko man sabihin ang pinagdadaanan ko ngayon sa kanila.......dito ay maiibsan ang bigat ng damdamin ko.

"Anak ba't ang lalim ng iniisip mo? At anong nangyari diyan sa bibig mo?" si Papa habang nilalagyan nito ng kanin ang plato ko. Alas siete na ng gabi, at ako lang itong kasama nila dito sa bahay namin sa Payatas, si Jayson at Ninang ay iniwan ko muna sa La Vista.

"Natamaan lang sa pageensayo......" palusot ko. "Natamaan??? Wala pang nakakagawa niyan sayo anak," hindi kumbinsidong si Papa, "sabagay mga Atenista na ang mga kasama mo ngayon, aba eh magagaling talaga sila, pagbutihin mo anak ang pageensayo, huwag kang papatalo sa kanila, okay????"

"Ang aga yatang natapos ang klase at ensayo mo anak??" si Mama habang nilalagyan ng isda naming ulam ang plato ko.

"Okay ka lang anak??? Masama ba ang pakiramdam mo? Ang tamlay mo ngayon...." si Papa habang sinasapo nito ang noo ko kung may lagnat ako.

"Okay lang po ako Ma, Pa," tugon ko saka tamad na sumubo ng kanin.

Tumunog ang malakas na ringtone ng cellphone ni Papa, si Mama ang tumayo upang tignan sa maliit na mesa na nasa sala ang telepono ni Papa, "unknown number Pa," sambit ni Mama pagbalik niya ng mesa at iniwang nagri-ring parin ang telepono.

"Ba't hindi mo sinagot???" si Papa.

"Baka 'yong may-ari nitong lupa dito sa Payatas na gustong palayasin tayo kaya hindi ko sinagot ang tawag, aburido na rin ang mga kapitbahay natin dahil nakatanggap na rin sila ng notice for demolition."

"Ma, Pa, madedemolish na ang bahay natin????" nanlulumo kong saad, halos lahat ng napanalunan ko sa Taekwondo ay dito na namin inilaan sa bahay namin.

"Hindi anak, hindi..... 15 years na tayong nakatira dito kaya wala silang karapatan na palayasin tayo rito!" si Papa. Kinuha ko 'yong telepono at nagpaalam akong ako na ang sasagot.

"Anak, huwag....ako na!" si Papa at inabot sa akin ang telepono pag-upo ko sa mesa. "Sino sila????" ay grabe si Papa ang taray! Ahahahaha. At saka niya ni-loud speaker ang telepono.

"Good evening po, ito po ba si Damo Dela Cruz Sr.???" kinakabahan si Papa, hindi muna siya nagsalita, mukhang bumubwelo pa ito. Hehehe. Hmmmmm, wait parang pamilyar ang boses nito??? Kasing tinig ng pineapple head na 'yon ang boses ng lalaki sa telepono ah?

"Hoy makinig ka!!!!! Hindi kami aalis dito over our dead body! 15 years na kami dito sa Payatas at walang pang makakapagpalayas sa amin dito kahit sinong Poncio Pilato pa 'yan!" beast mode na si Papa, hahaha.

"Magkakamatayan muna tayo!!!! Libo-libong tao ang nakatira dito sa amin, hindi niyo kami kaya!!!!" pagbabanta ni Mama.

"Hindi po tungkol diyan ang sadya ko," magalang at kalmado ang boses ng lalaki sa telepono.....oh my, pamilyar talaga ang tono niya....

"Baka 'yong naniningil 'yan ng utang...." bulong ni Mama kay Papa, kahit bulong lang eh ang lakas parin ng boses.

"Hoy! Magbabayad din kami! Mag-first week pa lang ng Oktubre, ang aga-aga mo namang maningil, hindi pa kami nakakapagbenta ng mga bakal, bote, plastic at iba pa!" mataray na boses ni Papa sa telepono. Hmmm, mag-first week??? (wala pang katapusan Pa, hahaha), at napansin kong tila nagpipigil ng tawa ang lalaki, rinig ko dahil malakas ang loud speaker ni Papa na parang mega phone!

"Uhmmmm, Si Darren Sy III po ito, president ng varsity team ng Ateneo De Manila University........" siya nga....ang gagong pineapple head nga ito....... Lupa kainin mo ako, huhuhuhu. Ano na namang kalokohan ang naisip niya para tumawag dito sa bahay??? Hindi pa ba sapat ang ginawa nila sa akin??? Naiiyak na ako grabe!

"Darren Sy III, as in ikaw si Thirdy ng Ateneo Blue Eagles?????" nangungumpirmang hindi makapaniwalang si Papa, si Mama naman ay inilapit pa ang tainga sa telepono. Anong gagawin ko??? Agawin ko kaya ang telepono saka ko patayin????? At akmang gagawin ko na pero inilayo ni Papa ang telepono sa kamay ko, na-sense niya kaagad ang binabalak ko.

"Prank caller 'yan Pa, ibaba mo na 'yan.... Gago 'yan, gago!!!" nagsalubong tuloy ang kilay ng mga magulang ko sa akin sa sinabi ko.

"Damo nandiyan ka pala....ganyan ba ang paraan ng pakikipag-usap sa senior mo?" natatawang boses ni Thirdy sa telepono.

"Si Thirdy nga!" nagkatinginan sila Mama at Papa na parang may kausap na artista sa telepono ang kanilang mga hitsura!

"Prank caller 'yan Pa, prank caller! Scam 'yan kaya ibaba mo na ang telepono!" nanindigan ako sa sinabi ko, at nakipag-agawan ulit ako sa telepono!

"Umayos ka nga anak," si Papa.

"Iho......kung ikaw nga si Thirdy," ba't anlambing bigla ng boses ng mga magulang ko, sabay pa sila ha, grabe!

"Anong pangalan ng kompanyang pagmamay-ari niyo????" hala ba't ganoon ang tanong ni Papa, bwiset!

"Sy-De Loyola Group of Companies po....." nasaan ang mayabang at hambog niyang boses? Ba't parang magalang na bata kung makipag-usap ito sa mga magulang ko?

"Siya nga...siya nga.... si Thirdy nga ito......ang tagapagmana ng SD group......" tila pinanghinaan pa sila ng tuhod sa pagkakabigkas nila, sa tono nila Papa at Mama ay para silang nakakita ng isang malaking mina ng ginto. Mamatay na ako sa hiya nito.......haaaaaaaay!

"Scam 'yan Pa, nagpapanggap lang yan....sa panahon ngayon marami nang manloloko kaya ibaba mo na ang tawag!" habang pilit kong inaagaw ang telepono sa kanila.

"Maging magalang ka naman sa mga magulang mo Damo," Thirdy's polite voice over the phone.

"DJ umayos ka......." inirapan ako ni Papa at saka bumalik kay Thirdy, "iho, pasensiya ka na sa anak namin ha...."

"Ahahahaha, okay po sanay na ako sa kanya....." sagot ng kumag na parang close kami sa school, hmpf!

"Sabing hindi 'yan si Darren Sy!" pagpupumilit ko....at si Mama naman ang nagsalita, "mapilit kasi itong anak namin na hindi ikaw ang kausap namin, sabihin mo nga sa amin iho ang mga ari-arian niyo kung ikaw nga 'yan?" nalintikan na! Ba't ganyan ang tanong??????

"30% ang shares namin sa Facebook, 25% in Google, 10% in Microsoft company, we have 3 international TV station, 5 oil companies, 25 international financial and stock trading company, 389 international 7-star hotel and resorts, 35,998 round the clock supermarkers," at biglang pinutol ni Mama ang pagsasalita ni Thirdy, "tama na iho, naniniwala na kaming ikaw nga si Darren Sy III, "ang anak ni JR," biglang singit ni Papa at saka siya kinurot ni Mama sa tagiliran.

"Ah iho, ba't ka pala napatawag?" tanong ni Papa na nagniningning ang mga mata.

"Number mo ba ito????" si Mama, hindi maipinta ang ngiti sa labi.

Nakakaasar sila, haaaaaay! Kahit sabihin kong inaapi ako ng kumag na iyan sa school ay baka hindi pa nila ako paniwalaan, bwiset!!

"Opo number ko po ito," magalang na si Thirdy, "isi-save na namin ha? Para makamusta ka naman namin minsan," si Mama na parang feeling close!

"Iimbitahan po sana namin kayo bukas sa Athletics Office, may concern po ang Students Affairs Office sa pagitan namin ni Damo, kung okay lang po ba sa inyo na magpunta po bukas ng after lunch mga alas dos po ng hapon?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.... Ano ito??? Tungkol ba ito sa nangyari kanina??? Hala, grabe siya!!! Mapapatay ko 'tong gagong ito! Aaaaarrrgghhhh!!!!



To be continued...

The Fall of Achilles (BL Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon