Chapter 14

8.9K 399 120
                                    

Paris Buencamino's POV

Unti-unting yumuko si DJ hanggang sa mapaluhod ang isa niyang binti sa sahig........hanggang sa isaboy niya ang hawak-hawak nitong tomato juice sa mukha ni Thirdy, "Tang-ina mo!!!!"

"Aaaarrrgggghhhhh!!!!" grinding his teeth, akmang sasapakin na sana ni Thirdy si DJ nang bigla itong madulas sa sahig at napaupo ito, "Fuck....anong meron sa kokote mo, aaarrrrggghhhh..." dumadaing-daing pa ito sa pagkakadulas niya habang nakatingala kay DJ at pinupunasan ang basang mukha ng tomato juice. Parang estatwang hindi makakilos ang apat na miyembro ng High Five sa kanilang nasaksihan!

Inilapag muna ni DJ ang baso sa pinakamalapit na mesa bago humakbang papalit kay Thirdy na siyang nakatingala sa kanya........ "Anong sinabi mo kanina???? Kung mas mayaman ba ang kaibigan ko kumpara sayo???? Ano ngayon kung sobrang yaman mo??? Ipinundar at pinaghirapan mo ba ang lahat ng iyon??? Kung makaasta ka parang hindi ka tao........pare-parehas lang naman tayong anak ng Diyos, at iisang hangin ang nilalanghap! At ano pang sinabi mo kanina???? Agenda ko ang makisawsaw sa issue ng iba???" napangising sarkastiko si DJ........ "Ang agenda ko ang hindi magpaka-estupido sa mga kagaya mong spoiled brat, hambog at may saltik sa utak na kayang gawin ang lahat ng gusto sa iba.....dahil ano??? Mayroon kayong mga magulang na handang maglinis ng mga kalat niyo gamit ang kayamanan niyo! Hindi ba?????"

Napansin naming dumukot ng mga barya sa kanyang bulsa si DJ at itinapon ito sa sahig, sa harap mismo ni Thirdy, at parang hindi nito alam kung para saan ang mga barya sa reaksyon ng kanyang mukha.........gulat lang ito na nanlalaki ang mga mata.

"Sa Payatas, ang bigay namin sa isang kilo ng plastic ay 12.50, and FYI, hindi ako scavenger dahil bumibili kami ng mga basura na pwedeng i-recycle!" napatingin si DJ kina Menard, Sim at Sol, "kung hindi sapat ang 12.50 sabihin niyo kung magkano per kilo 'yan!" at itinuro ni DJ ang kaibigan nilang naliligo sa tomato juice sa sahig.

"Gago ito ah!" nainsultong si Sim, at akmang sasapakin na nito si DJ ngunit mas mabilis ang spinning kick nitong dumapo sa kanyang mukha at humandusay ito sa tabi ni Thirdy. Laglag panga ang lahat ng tao sa nakita nilang ginawa ni DJ, "Siya nga....siya nga iyong nasa video......" rinig na rinig ang bulong-bulungan pangungumpirmang siya nga iyong nasa video.

"Fuck, arrrrgggghhhh!!!" dumadaing na si Sim gustong gumanti ngunit tila nawalan na ito ng mukha.

"Ano!!!!" galit na si DJ, at napaatras sila Menard at Sol sa kanya....... Ngunit, tila parang hindi nainsulto ang mga ito sa mga ginawa at sinabi ni DJ, nakahalukipkip lang sila na parang natatawa at natutuwa pa ang mga ito sa ganap, pati rin itong si Lee na parang proud pa sa ginawa ni DJ. Something is wrong with this three??? Hahaha.

Babangon na si Thirdy upang manlaban ngunit nadulas ulit ito sa nagkalat na tomato juice at muling napaupo sa sahig, "humanda ka sa akin DJ, hindi mo alam kung anong kaya kong gawin, aaaarrrrgghhh!" daing at pagbabanta nito.

"BRING IT ON, I'M NOT SCARED!" wow, slow clap for DJ, hahaha.

"Tara DJ, John Lloyd......" sambit ko sa dalawa dala-dala ang kanilang bag. Hinila ko na ang tulalang si John Lloyd ngunit hindi pa sumunod papalabas ng cafeteria si DJ bagkus lumapit ito sa akin at kinuha ang kanyang bag, at may inilabas itong sticker. Ano 'yon??? Nakatingin lang ang mga tao sa kanya hanggang sa idikit niya ito sa noo ni Thirdy! "SOLD! DJ Dela Cruz Recycle Shop, bakal, bote, plastic at iba pa."

Natulala si Thirdy sa ginawa ni DJ, hindi na alam ang gagawin sa sobrang kahihiyan. Inilibot pa niya ang tingin sa lahat, yumuko naman ang lahat sa takot..... Thirdy is about to explode!!!

"AAARRGGGGGHHHHH!!!!"

"Fuck!" si Menard at Sol na tawang-tawa, si Lee ay nagpipigil lang.

At mabilis na kaming naglakad papalabas ng cafeteria.

The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now