Chapter 72

3.7K 154 21
                                    

Damo's POV

Naimulat ko ang aking mga mata, at nagpahid ako ng mga luha.

Napahinga ako ng malalim nang humarap ako sa salamin. Tama ba ang mga naalala ko??? Ang mga alaala ko kasama ang isang batang lalaki sa loob ng isang madilim na silid? Nanumbalik na ang mga alaala niya sa akin.... Saan ko ba naitago ang MP3 na ibinigay niya sa akin noon??? Ang alam ko ay naibigay ko iyon kay Papa?

"Nasaan na kaya si kuya kong iyon? Hindi ko na rin sila nakita ni kuya Ren buhat nang makalaya kami sa babaeng doctor...." sambit-sambit ko. Medyo nakaramdam ako ng lungkot dahil masama ang naging karanasan ko noon ngunit may mga naging kaibigan ako na siyang nagbigay ng mga magagandang alaala sa aking buhay......... "Papa God, sana muli kaming magkita-kita nila kuya at kuya Ren......." naidalangin ko sa Maykapal.

Binuksan ko ang faucet at napahilamos ako, at saka naligo pagkatapos. Nagpalit na rin ako ng pantulog na nakita ko sa cabinet dito sa loob ng banyo. Maganda at may class ang mga gamit nila rito, paniguro ko'y hindi namin kayang bayaran ang isang gabi nitong hospital na mas magarbo pa sa hotel.

Napahinga ako ng malalim nang hawakan ko ang door knob ng pinto, "sana umalis na ang mga nurse at si doktora...."

Hindi ko parin maipaliwanag kung ba't ganito na lang pakiramdam ko, tila gising kang binabangungot. Ang babaeng doctor kasama ng dalawang nurse na may dala-dalang injection sa tray ang nakapagpabulusok trauma ko, at lalo na't may dala-dala pa silang pang swero sa aking kamay kaya lalo akong nasindak. Hindi ko alam ang gagawin ko kanina. Napag-alala ko pa silang lahat, haaaay...... Hinayaan naman nila ako rito sa banyo at hindi pinilit na lumabas, siguro kinausap sila ni John Lloyd.

Paglabas ko ng pinto, narinig ko ang tugtuging Unchained Melody ng Righteous Brothers, nakita kong ipinapatugtog ito ni Thirdy gamit ang sound system ng kwarto mula sa kanyang phone. Naglakad ako papunta sa kama, dadalawa na lamang kami rito sa kwarto. Dinama ko ang himig ng kanta dahil alam kong ito lamang ang tanging nakakapawi sa mga masasamang alaala ko.

Mukhang ibang version ng Unchained Melody ito, moderno at makabago ang himig dahil Boyce Avenue ang artist.

Lonely rivers flow
To the sea, to the sea
To the open arms of the sea
Lonely rivers sigh
"Wait for me, wait for me"
I'll be coming home, wait for me

Oh, my love, my darling
I've hungered, for your touch
A long, lonely time
Time goes by so slowly
And time can do so much
Are you still mine?
I need your love
I need your love
God speed your love to me



"Okay ka na???" si Thirdy at lumapit ito sa akin. Umupo siya sa tabi ko.

"Oo, okay na ako...."

"Pampakalma mo daw ang kanta sabi ng Papa mo kaya ipinatugtog koi to," aniya.

"Oo, salamat...."

Hanggang sa bigla ko na lamang naalala ang ginawa niya sa akin kanina sa MOA arena, natignan ko siya sa mata "hinalikan mo ako sa labi!" nahampas ko ang kanyang braso.

"Arayyyy!!! Anong masama kung hinalikan kita???" nag-iwas pa siya pero nahampas ko ulit ang braso niya.

"Hindi mo na lamang inisip ang sasabihin ng ibang tao?"

The Fall of Achilles (BL Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon