Chapter 66

3.9K 171 17
                                    

Warren Lee's POV

Thirdy and I were out of the game, kami ang sumamang dalawa sa ambulansya, at sumakay naman kay Jerrold ang tatlong kaibigan ni DJ.

Habang patungong hospital ay kitang-kita ko ang matinding pagaalala sa kaibigan ko, at sa hitsura palang niya ay talagang tinamaan na nga siya kay DJ.

Napaismid ako..... Kaya ko pa bang ipagpatuloy ito??? natanong ko ang aking sarili. Nakaupo ako rito sa paanan ni DJ kaharap ang babaeng doctor.

"Anong nangyari, ba't biglang nawalan siya ng malay?" natanong ko kay Thirdy habang nakahawak ang kamay nito kay DJ at nakayukong parang nananalangin sa sobrang pag-aalala.

"Nang lapitan siya ni Doc kanina ay bigla na lamang siyang nanginig sa takot at nawalan ng malay......" turan nito habang nakabaling parin ang tingin kay DJ.

"Kailangan natin malaman ang history ng pasyente pagdating ng mga magulang niya mamaya sa hospital," magiliw na nagsalita ang doctor sa amin, "baka mayroong post traumatic stress disorder ito na siyang nagtrigger nito related sa nangyari sa kanya kanina......"

"Posible kayang may phobia rin si DJ sa mga babaeng doctor kagaya natin dati?" nasambit ko kay Thirdy at napatingin ako kay Doc, "sorry doktora I didn't mean na ikaw ang dahilan kung ba't nawalan ng malay ang kaibigan namin...."

"It's okay...... but it is possible na may latrophobia din siya," she said.

Na-overcome ko na ang phobia na iyon, at alam ko pati rin si Thirdy na-overcome na rin niya ang phobia niyang ito lalo na sa mga babaeng doctor.......... ngunit pansin kong hindi niya magawang lingunin o matignan sa mukha si doktora. Baka hindi pa niya totally na-overcome ito.

----------







Simon's POV

"Aaaaaaaarrrrgggghhhh!!!!!" naibato ko ang hawak-hawak kong telepono sa salamin nitong banyo. Rinig ko ang mga gulat na reaksyon ng Tripple J's sa labas.

Nang makita ko ang recorded video ng paghalik ni Thirdy sa walang-hiyang Damo Dela Cruz Jr. na iyon ay napahakbang na lamang ako papasok dito sa banyo't nagbuhos ng sama ng loob! Hindi ko na napansin....... sunod-sunod na pala ang pag-agos ng mga luha ko habang tulalang nakatitig sa sink nitong banyo.

"My gosh Master Sim! Nakakaawa si DJ!" si Jariel habang pinapanood naming apat kanina ng live kung papaano pinagbababato ng nabubulok na kamatis at itlog ang squatter na 'yon!

Sitting pretty na kaming nakaupo sa kanya-kanyang hospital beds nang bigla na lamang mawala ang live coverage ng UAAP! Nakuha pa ng camera ang paglapit ni Thirdy kay DJ ngunit bigla na lamang nag-commercial at hindi na inere sa telebisyon ang mga sumunod na pangyayari.

"Ano ba 'yan Master Sim, ba't siya sinaklolohan ni Master Thirdy......" nanlulumong boses ni Jansen.

"OMG Master Sim, look at this!!!" nanginginig pa ang kamay ni Jaypee na inilapit ang smartphone niyang naka-live feed sa Facebook ng isang audience na nasa ringside. Magkalapat ang labi nila Thirdy at DJ! Nagtagas na lamang bigla ang mga bagang ko sa galit nang makita ko ito!

Hindi ko alam kung papaano ko kalmahin ang sarili ko, tila gusto kong pumatay ng tao! Nang makita ng tatlo ang hitsura ko'y mas pinili na lamang nilang tumahimik. Hanggang sa maglakad ako papasok ng banyo at dito ko na ibinuhos ang sama ng loob ko!



Iyon nga ang nasaksihan naming apat! Lahat kami nanlumo........ at para sa akin ay tila katapusan na ng mundo! Napahagulgol na lamang ako......... napasandal sa likod ng pinto't unti-unting napaupo sa sahig........

The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now