Chapter 12

8.8K 395 114
                                    

Paris Buencamino's POV

"In Greek Mythology who is Achilles?" ito ang tanong ng professor namin ngayon. Magkakaklase kaming tatlong nila DJ at John Lloyd dito sa subject naming World Literature. Ang bilis nga ng araw at mag-iisang linggo na rin si DJ dito sa Ateneo.

"Sir," itinaas ni Jariel ang kamay nito (kahit panay ang tawag nilang scavenger kay DJ ay hindi niya ito pinapansin, sobrang bait lang kasi niya).

"DJ," si DJ ang tinawag ng propesor namin at kita kong nanlisik na naman ang mga mata ng tatlong baklita sa kanya. Sad to say kaklase rin namin itong tatlong leader ng Babble Batallions.

"Sir, Achilles was a Greek hero of Trojan War slaying the Trojan hero Hector outside the gates of Troy. He is the son of Thetis, an immortal sea nymph and Peleus, the king of Myrmidons. Achilles death was not presented in the Illad but other sources concur that he was killed near the end of Trojan War by Paris, who shot him in the heel with an arrow," ang makumpyansang kasagutan ni DJ.

"Very good!" puri sa kanya ng aming propesor.

Natapos rin ang ikalawang subject namin ngayon araw, "ako na lang ang taya ngayon sa lunch, hintayin niyo na lang ako sa cafeteria ng SOM building doon tayo kakain, CR lang ako saglit," paalam ko kina DJ at John Lloyd na tuwang-tuwa bago kami maghiwalay sa corridor.

Nang makita kong wala nang tao sa CR ay dali na akong pumasok dito at ikinandado ang pinto nang walang makarinig sa pakikipag-usap ko sa telepono.

"Jollo musta ang team? Gagawin ko na ang next step, mukhang lusot na sila nang dahil sa bago naming kaklaseng si DJ......okay, okay sige.........Animo La Salle, okay bye......"

May nagtip sa akin, 12:30 PM papunta ang High Five sa SOM building cafeteria........let this game begin!

Pagdating ko sa cafeteria ng SOM building nakita kong sa dulo naupo ang dalawa, eksakto, malapit sa paboritong table ng High Five. "Mabuti hindi pa kayo umorder," pero itong si DJ ay nagbukas na ng kanyang lunch box....at tinapang galunggong na may sawsawang bagoong ang kanyang baon.

"Gutom na raw, kaya hinayaan ko nang kumain...." sambit ni John Lloyd habang nakangiting ngumunguya naman itong si DJ, "kain masarap ito," pag-aalok niya.

"Sige lang, dadagdagan pa namin 'yan ni John Lloyd........"

"Hoy, sabi mo ikaw ang taya," umalma si JL talagang hindi ako makakalusot dito.

"OH MY GOSH! What's that stinky smell?????" napalingon kaming tatlo sa gawing kaliwa, ang maaarteng si Jariel, Jansen at Jaypee ang nagngangangawa sabay ini-spray ni Jariel ang Chanel nitong kulay pink na pabango sa tapat ni DJ. Mabilis namang tinakpan ni DJ ang kanyang lunch box gamit ang dalawang kamay. Sinadya rin pala ng Tripple J's ang pumunta rito, naamoy rin siguro nilang papunta ang High Five ngayon dito.

"Lumayas nga kayo rito!" pantataboy ko sa tatlo, makaamoy lang ng bagoong akala mo naman malalason na ang mga ilong ng mga 'to, mabuti na lang hindi kami ganyan kalalamya at kaaarte!

"5 minutes at nandiyan na ang High Five," ang text message na natanggap ko. Nakapwesto na rin si Marcus sa kabilang table at alam na nito ang kanyang gagawin.

"DJ, order lang kami ni John Lloyd ng lunch natin....."

"Okay, hindi ko muna tatapusin 'tong baon ko. Hehehe."

Tatlong steak at tomato juice ang inorder namin, pagkalapag namin ng steak sa mesa ay babalikan na namin ni John Lloyd ang tatlong tomato juice pero itong si DJ na ang nagpresintang kumuha at sinamahan naman siya ni John Lloyd, at eksaktong nariyan na rin ang limang hambog, timing na timing. Ang poporma at mapresko kung maglakad ang mga 'to pagpasok nila sa pinto ng cafeteria.

"HIGH FIVE!!!!!!!!!" as usual tilian na naman ang kanilang mga tagahangang estudyante, malamang hindi mga taga John Gokongwei School of Management building ang mga ito, karamihan sa kanila ay mga freshman sa ibang department.

Ayan na eksakto na.....magkakasalubongan na sila DJ, John Lloyd at ang lima. May isang hawak na tomato juice si DJ at magkabilang kamay naman si John Lloyd.

Biglang umalingawngaw sa kapaligiran ang pagkagulat, 'yong iba ay nanlalaki ang mga mata at laglag panga!

Pagkatapat ni John Lloyd kay Marcus ay pinatid niya ito sa paa na walang nakakapansin dahil ang mata ng karamihan ay nasa High Five, ang magkabilang tomato juice sa mga kamay ni John Lloyd ay tumilapon sa kulay puting t-shirt at denim jeans ni Thirdy, and worst nabasa at namantsahan din ang Hermes na sapatos nito. Karma is a bitch nga naman ano??? Thirdy, gaya ng pagbuhos mo ng cucumber juice sa kawawang estudyante noong isang araw?? Hahahaha!

Pinaliguan mo ng cucumber-lemon juice ang kawawang estudyanteng tagahanga mo Thirdy, ngayon ikaw naman ang magdusa. Hahaha. Pero wait, pansin ko ang mga CCTV camera na namatay ang mga kulay pulang ilaw ng mga ito, may nag-turn off, alam ko nang gagawa na ng eksena si Thirdy. At ang mga estudyante ay nagsitago na ng kani-kanilang mga cellphone......yeah, ang mahuling magvideo ay makakatanggap ng red knuckles.

"Haaa... Haaa-aaa-aaaaa-aaaa....." ang pagkagulat ni John Lloyd na akala mo'y mamamatay na, "Ma-ma-ma-master.... Thirdy.........so-so-sorry po......." nakayukong humihingi ng tawad na halos mahihimatay na sa sobrang takot na si John Lloyd sa harap ng basang-basa sa tomato juice na si Thirdy. As usual hindi magpapakita ng pagka-war freak dito sa school ang gago dahil may sarili itong style kung papaano ka niya babalikan.

"Sorry?" nag-aapoy ang mga mata ni Thirdy ngunit kalmado ang boses nito. "Kung madadaan lahat sa paghingi ng tawad, ano sa tingin mo ang silbi pa ng mga batas.......at ng mga pulis???" dama mong nakakahiwa ng lalamunan ang kanyang pagkakabigkas.



----------

written by J J Tilan

THE FALL OF ACHILLES

The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now