Chapter 17

8.2K 377 132
                                    

Solomon's POV

Kitang-kita namin ni Menard habang nakaupo kami rito sa may pool side kung gaano kaseryoso si Thirdy habang pinapanood sa kanyang cellphone ang live streaming video na nangyayari sa parking area ng gusaling ito.

"Hindi ka pa ba tapos kay DJ???" nakangising si Menard sa tabi ko.

"Anong sabi mo??? Kung hindi pa ako tapos kay Damo Dela Cruz Jr.???" I can feel it, he wants more!

"Maalala ko pala, galit na galit si Auntie sa nangyari last week sa Antipolo, gusto mo pa bang maulit ito?" reminding him to be careful. "Ang sabi sa akin ni Sim, pumunta raw ang great grandfather mo sa opisina ni Auntie noong lingo...."

"What???" nanlaki ang mata ni Menard. Alam naming lahat na seryoso na ito ngunit tila walang pakialam si Thirdy.

"Wala akong instruction kay Sim na gawin niya iyon, at itong kay Damo, ako ang bahala rito......walang mangyayaring bad publicity sa atin," makumpyansa niyang sagot habang tutok na tutok sa kanyang phone.

"So hanggang kailan mo gagambalain ang buhay ng freshman na 'yan???" si Menard.

"Titigilan ko lang 'tong masamang Damo na 'to kapag lumuhod na siya sa harapan ko at magmakaawa...." nakangiti nitong bigkas pagkalapag niya ng telepono sa mesa. Pagkaabot ng personal chef niya ng maiinom ay may idinagdag pa itong joke......... "Menard, Sol, alam niyo ba ang kasabihan na, huwag na huwag mong gagambalain ang natutulog na tigre???"

"Tigre??? Baka ang gusto mong sabihin ay leon," pagtatama ni Menard sa kanya. Kinuha ko ang telepono ni Thirdy at kitang-kita namin ni Menard kung gaano kalala ang hitsura ngayon ni DJ. Halos hindi makilala sa sobrang dumi ng kanyang kasuotan at mukha, ang nagpalala ay ang mga uling na itinapon sa kanya.

"Humanda ka sa akin, Thirdy!!!!" ang pagsigaw sa galit ni Damo Dela Cruz sa live stream.

"Sa tingin ko, hindi 'yan tatagal ng isa o isa't kalahating linggo....kusa na 'tong mag-drop out," sambit ni Menard.

"Sa akin mga isa hanggang limang araw lang siguro ang itatagal nito," mas makumpyansa kong saad habang pinagmamasdan namin ang hitsura ni DJ.

"Sige pustahan tayo????" si Menard. "Kapag nanalo ako, ibibigay mo lahat number ng mga babae mo sa Aces and Queens?"

"Deal, at kapag ako ang nanalo........akin ang Miss International mo?"

"Okay!"

"Manahimik nga kayo!" iritadong bigla si Thirdy, "oras na para magpakita sa akin gang masamang Damo na 'yan upang lumuhod sa aking harapan at magmakaawa."

At biglang naputol ang live streaming video.... Hmmmm, paakyat na kaya rito sa penthouse si DJ??? Let's see!

"Bibilang ako ng sampu, nariyan na 'yan.....hindi ko muna siya patatawarin, gusto ko 'yong humagulgol siyang parang bata sa harapan ko, hahahaha...." hindi matawaran ang excitement ni Ikatlo.

"Simulan mo na ang pagbilang," si Menard.

"Okay," itinutok ni Thirdy ang kamay nito sa may pinto ng penthouse, "Isa....... Dalawa....... Tatlo....... Apat....... Lima....... Anim....... Pito......... Walo........ Walo at kalahati......... Siyam....... Siyam at kalahati......... Samp..........."



----------

written by J J Tilan

THE FALL OF ACHILLES

The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now