Chapter 32

9.7K 394 178
                                    

Menard's POV

"Bro sa tingin mo may tama na 'yan si Thirdy sa utak?" bigkas ko kay Sol habang binabasa ang resume ng mga aplikante naming broker dito sa opisina namin sa bahay ni Thirdy.

"Kahapon pang ganyan 'yan, napapaisip ng malalim tas tumatawa at napapangiting mag-isa, balewala nga rin sa kanya nang sabihin ni coach na hindi pa ito makakapaglaro....." sabay kaming napailing habang natatawa sa ikinikilos ng kaibigan namin.

"Tsk, tsk, tsk, tsk, tsk, bilib din ako sa freshman na 'yon...." pagkaabot ni Sol ng mga dokumento sa HR head ng kompanya namin, "kinaya niyang gulpihin ang warrior ng Ateneo Blue Eagles na si Darren Sy III."

"Nakailang suntok ba sa mukha si DJ?" habang pinagmamasdan ko ang mag-isang napapangiting si Thirdy sa gilid na siyang nakatanaw sa labas ng bintana nitong opisina.

"Tatlo sa magkasunod na araw, at wala pang nakakagawa ng ganoon sa kanya, diba?" napapaisip na si Sol.

"Sa mga nakakakilala sa pamilya ni Thirdy talagang matatakot sila, iba kung magalit ang isang Thetis De Loyola-Sy kapag inagrabiyado mo ang kanyang tagapagmana......... Hmmmm, at sa mga nakabangga nitong si Thirdy sa pakikipagbasag ulo........sa tingin ko wala pa talagang nakadaplis ng suntok sa mukha ng kaibigan nating ito........." may bakas parin ng katanungan kong saad kay Sol.

"Haaaaaay, ngayon lang ako na-entertain ng ganito....matagal-tagal na rin na hindi naging boring ang pagpasok sa university...."

"Teka lang Sol, parang may pagkakahawig ang personalidad ng mabangis na damong iyon kay..........." nasa tip of the tongue ko na..... "Kay kuya Gino????" sabay naming bigkas ni Sol, at napatingin sa aming dalawa si Thirdy na may pagproprotesta sa kanyang mukha, nakikinig din pala sa amin ito, akala namin ay may sarili na siyang mundo....

"What the hell, nagpapatawa ba kayo????" hindi pagsang-ayong sambit ni Thirdy.

"Ahahahaha, sino lamang ba ang kayang gumawa ng ganyan sa mukha mo?" natatawa kong saad kanya.

"Iyong cheap at baduy manamit na recycle boy na 'yon??? Paano siya maihahambing sa kapatid ko?"

"Makikita mo," ani ko.

"Manahimik nga kayo......." si Thirdy at nanumbalik ang tingin sa labas ng bintana habang tumatawa na namang mag-isa.

"Bro, anyare sayo?" sabay bato ni Sol ng stress-ball sa mukha ni Thirdy, napangisi lamang ito at itinapon pabalik ang bola kay Sol. "Para kang tinamaan ng kung ano sa ulo? Para kang may topak?"

Nakangiting itinuon ang tingin sa aming dalawa, "hindi niyo ba napapansin, may gusto sa akin 'yong ligaw na damong iyon.....sa tingin ko nga eh, patay na patay 'yon sa akin, pffft..." pigil tawang si Thirdy. Nagkatinginan na halos magtawanan kaming dalawa ni Sol sa sinabi niya, kahit sinong taong nakasaksi sa bangayan nilang dalawa ay malabong sabihin na may gusto ang freshman na 'yon sa kaibigan naming ito. Nababaliw na lamang si DJ pag nagkataon, hahaha.

"Hoy ikatlo, sabihin mo nga sa amin ni Menard kung papaano pumasok diyan sa kokote mong may gusto sa iyo ang ligaw na damong iyon sayo?"

"Ahahahahaha! What the hell with you guys.......diba kayo itong maraming malalambot sa fans club niyo, at very entertaining pa sa kanila, sa tingin niyo hindi magkakagusto ang isang gaya ni Damo sa akin????"

"So ibig mong sabihin nababakla si Damo sayo???? Imposible!" napailing pa ako sa kanya.

"At saka kung malamya 'yon hindi ka niya sasapakin, hihipuan ka pa nun!" dagdag ni Sol.

The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now