Chapter 10

9.5K 395 77
                                    

Damo's POV

Nang mapalingon ako sa hagdan na paakyat ng rooftop ay nakita ko ang dalawang kamay na nag-uunat....at laking gulat ko nang makita ko kung sino ito.

"Wa-warren Lee Gokongwei????" hindi pa ako makapaniwala hanggang sa maglakad na ito pababa ng hagdan, papalapit sa akin.

"Haaaay, tanghaling tapat, ang ingay rito sa rooftop....." malumanay niyang tinig halatang inaantok pa.... "at sa sobrang ingay ay hindi na ako makatulog ng maayos......"

"Pasensiya na, pasensiya na....." hiyang-hiya kong bigkas.... "ang akala ko ay mag-isa ko lamang dito...." paliwanag ko.

"Uhmmmmm, 'yong mga sinabi mo kanina......totoo ba ang lahat ng iyon???" hindi ko alam kung nagbibiro siya sa pagkakabigkas niya o seryoso.

"Ha????" blangko na ang utak ko, ewan ko ba.

"Iyong tatalon ka rito sa roof top sa oras na tumiklop ka kay Thirdy???"

"Ah, eh....." hindi ko alam ang sasabihin ko, haaaay... "Uhmmmm, narinig mo ba ang lahat ng sinabi ko?"

"Ano na ba 'yon, hmmmm..." napaisip pa siya kunwari...... "Hmmmmm.... Mga taeng nilalangaw? Basura?" at saka ito naglakad papasok ng pinto ng ikaapat na palapag.......napalingon pa ito sa akin dahil may nakalimutan pa ata siyang sabihin, "Darren Sy the third, hindi da third," at napatango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.... "dapat alam mo kung papaano bigkasin ang pangalan ng taong kinasusuklaman mo...." napangiting napailing ito at saka umalis na.

-----






"Grabe Shane, hiyang-hiya ako kanina kay Warren Lee," sambit ko sa kaibigan ko habang magkasamang naka-duty dito sa Sports Central.

"Well at least alam mo na kung saan ang tambayan ng first love mo, hindi ba??? Wareen Lee Gokongwei???" nakangiting nagbibirong si Shane......alam na lahat ni Shane ang kaganapan from Day 1 ko sa Ateneo up to present.

"Huwag mo nang itukso pa si Lee.....confused pa ako sa feelings ko para sa kanya, hindi ko alam kung infatuation lamang ito," habang binibilang ko ang sales ng Under Armour brand.

"DJ lumapit ka rito at may sasabihin ako sayo...." si Shane na nasa tapat ng mga Nike na sapatos habang inaayos ang mga new arrival items namin doon.

"Ano 'yon?"

"May bagong lipat na sa may penthouse nitong Vista Residences, pinapa-renovate ngayon ito."

"So wala na si Mr. Ayala doon? Sa wakas hindi na natin siya makikita araw-araw...." kapag nagdidilever kasi kami ni Shane sa taas ng mga sapatos na order nito ay ginagawa pa kaming katulong, pinaglilinis ng kanyang balkonahe na wala man lang tip tapos ang arte-arte pa, hindi namin siya matanggihan dahil kapatid siya ng may-ari ng building na ito. Subalit medyo nalungkot ako dahil napalapit na rin kasi sa aming dalawa ang matanda.

"Guess what kung sino ang nakabili dito sa buong Vista Mall and Residences????" excited na tinig ni Shane.

"Sino????"

"Ang SD Group!" nanlaki ang mga mata ko, at biglang bumukas ang elevator sa tapat nitong boutique at kitang-kita namin ang paglabas doon ni Darren Sy III at Warren Lee Gokongwei kasama ang kanilang mga bodyguards. Nakapambahay lamang ang mga ito ngunit kitang-kita mong class at mamahaling brand ang kanilang mga suot.

"Shane......." habang nakahawak ako sa braso niya....nanlalaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang mga pagyapak ni Darren Sy III papasok dito sa loob ng Sports Central.

"Oh my goodness," nahulog ang panga ni Shane dahil sa dami ng kanilang bodyguards, at naiwan na lamang ang mga ito sa labas nang makapasok na dito sa boutique sila Lee at Thirdy.

"Maghahanap lang ako ng gagamitin ko next game, Nike shoes muna kahit cheap," sambit ni Thirdy sa kaibigan.

Takte, patungo rito sa kinatatayuan namin ni Shane si Thirdy.......


----------

written by J J Tilan

THE FALL OF ACHILLES

THE FALL OF ACHILLES

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.
The Fall of Achilles (BL Series)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora